[Bestfriendzoned] An Angel Indeed?

120 5 0
                                    

° Bestfriendzoned °
Arc 1
An Angel Indeed?
w o o z i

⭐★⭐★⭐★⭐★⭐★⭐

Pagkatapos ng confession sakin ni Seokmin kahapon ay hindi na kami nagkita pa. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya pagkatapos non. Alam niya namang si Seungcheol ang gusto ko, pero ayoko namang saktan siya.

Napakamot ako sa ulo at tumungo na lang sa desk ko.

"Mr. Lee? Is there a problem?"

Muli akong napaangat ng tingin para salubungin ang nakabusangot na mukha ng prof namin sa History class.

"No, sir."

"Sit properly."

Napabuntong hininga ako at tumitig na lang sa nakakasawang mukha ng prof namin kahit lumilipad naman talaga ang isip ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Argh, Seokmin!

Pahirap talaga kayo ni Seungcheol sa buhay ko! I shouldn't have befriended the both of you in the first place!

Naramdaman kong may sumundot sa tagiliran ko kaya medyo napatalon ako sa upuan ko. Buti na lang at nagsusulat na sa whiteboard ang prof namin.

Lumingon ako sa katabi ko.

"Ano na naman ba, Seungcheol?!" Inis kong bulong sa kanya.

Sumimangot lang siya sa akin at itinuro ang sarili niyang tenga. Nakita kong may earphone na nakapasak dun kaya napabuntong hininga na lang ako.

Paano kaya nakakapasa tong hinayupak na to?

"Jihoon anong sagot sa 1?"

"A."

"Sa 2?"

"C."

"E dito?"

"D."

"E pano to isosolve—"

"Kopyahin mo na nga lang!"

Napailing iling na lang ako at pinilit na makinig sa lecture kahit lumilipad pa rin talaga ang utak ko.

Naramdaman ko uli yung sumusundot sa tagiliran ko kaya hinigit ko yung ballpen niya at itinapon sa kung saan pagkatapos ay hinarap ko siya. Gulat lang siyang nakatitig sa akin.

"Ano bang problema mo?!" Inis kong tanong sa kanya.

"Ako, Mr. Lee, may problema sayo."

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa prof namin. Hawak hawak niya yung ballpen ni Seungcheol habang nakahawak sa bunbunan niyang panot.

"S-sir—"

"Get out!"

Nakayuko akong tumayo at dinala ang mga gamit ko. Pasimple kong tinadyakan si Seungcheol sa binti niya bago ako lumabas. Napaupo ako sa hallway sa labas ng room.

Locket Where stories live. Discover now