[Ephemeral] The End: One Forgotten Memory

87 3 0
                                    

° Ephemeral °
Arc 3
The End: One Forgotten Memory
t h i r d  •  p e r s o n ' s
countdown to last: two

⭕◀▶◀▶💮◀▶◀▶⭕

Nakaupo si Jihoon sa isa sa mga upuan sa mahabang dinning table habang katabi si Mingyu. Parehas tulala ang dalawa at bakas pa rin ang mantsa ng mga luha sa pisngi ni Jihoon. Hindi niya inakalang sa isang araw lang ay mawawalan siya ng boyfriend at best friend ng sabay.

Hindi niya na uli makikita ang dalawa. Lalo na si Seungcheol. Lalo na si Seungcheol na wala ng buhay. Kanina lang, nakita niya ang mga sundalong binitbit ang walang buhay na katawan ni Seungcheol papunta sa kung saan. Hanggang ngayon, punong puno pa rin ng dugo ng kaibigan ang mga kamay at damit niya.

Agad pinahid ni Jihoon ang luhang tumulo galing sa mata niya. Wala ng magagawa ang pagiyak niya. Hindi na nito mababalik ang oras. Ang kailangan niya na lang gawin ay tanggapin ang lahat. Kahit masakit. Kasi hindi na 'yun magbabago.

Bumukas ang pinto at may narinig silang pumasok. Hindi na nagabala pa na itaas ang tingin si Jihoon. Wala na siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa kanya.

Naramdaman niyang mabilis na tumayo sa tabi niya si Mingyu.

"Gago ka! Kailangan mo bang pumatay, hah?!"

Dito na nagangat ng tingin si Jihoon. Hawak hawak ngayon ni Mingyu ang Diyos ng pagibig na si Eros sa kwelyo. Nakatiim ang bagang ng una at kitang kita ang mga ugat sa leeg nito. Lalapit sana ang ilan sa nga sundalong nagbabantay sa kanila pero isang kumpas lang ni Eros ay tumigil ang mga ito.

"Patawarin niyo ako. Hindi 'yun sinasadya ng isa sa mga sundalo ko. Wala akong planong pumatay." Malungkot na sabi nito.

Siguro isa rin 'to sa mga abilidad ni Eros pero gumaan ang pakiramdam ni Mingyu pagkarinig sa malumanay na boses nito na wari ba'y hinehele siya.

Pero mukhang hindi 'yun tumalab kay Jihoon. Bumalik lahat ng sakit sa kanya at nagsimula na namang humagulhol ang binata.

"Buburahin ko lang sana ang mga alaala niyo pagkatapos ay pauuwiin ko na rin kayo. Hindi ko alam kung bakit niyo kailangang manlaban."

"E, kung may interpreter lang sana 'yang mga sundalo mo, hindi 'to nangyari!"

Narinig nila ang buntong hininga ni Eros at bumalik na sa kanyang upuan si Mingyu. Marahan nitong hinaplos ang likod ni Jihoon para patahanin ang huli pero walang pa ring epekto dahil patuloy lang ito sa pagiyak. Hindi niyo siya masisisi, namatay ang pinakamatalik niyang kaibigan sa mismong harap niya ng ganon ganon na lang.

Pakiramdam niya nga, mayamaya lang e, dugo na ang lalabas sa mga mata niya dahil palagi na lang siyang umiiyak at baka maubos na lahat ng tubig niya sa katawan. Pero hindi niya talaga mapigil e. Naghalo-halo na rin siguro lahat ng pagod, kaba at sakit.

"Ano ng gagawin mo?" Tanong ni Mingyu.

"Ganon pa rin. Buburahin ko ang alaala niyo sa mundong ito."

———————

"Jihoon?"

Iminulat ni Jihoon ang mga mata niya at puting pader, ceiling at kama ang bumungad sa kanya.

Pati na rin ang nagaalalang mukha ni Jeonghan. Napaupo siya mula sa pagkakahiga sa kama.

Napahawak siya ng sumakit ang ulo niya na para bang binibiyak ito at agad naman siyang dinaluhan ni Jeonghan para tulungan. Maingat na inihiga siya nito sa kama at medyo gumaan na ang pakiramdam niya. Bakas sa mukha ni Jeonghan ang pagaalala.

Locket Where stories live. Discover now