[Bestfriendzoned] Locket

119 7 11
                                    

° Bestfriendzoned °
Arc 1
Locket
w o o z i
[ L A S T ]

★⭐★⭐★⭐★⭐★⭐

"Tapos nagdate kami non tapos eto na, eto na! NAGKISS KAMI AAAAAAAAAA!"

"Seungcheol, pangatlong beses mo na tong inulit sakin. Oo na, nagkiss kayo ni Jeonghan." Napabuntong hininga ako at itinuloy na lang ang pagsusulat ko ng tula.

Madalas tula lang ang naisusulat ko kapag walang pumapasok na melody sa utak ko. Nakapatong lang ang mukha ko sa kamay ko na nakatukod sa mesa ang siko at sideways lang na tinitingnan ang ginagawa ko.

Si Seungcheol naman ay nakaupo sa tabi ko, sa mismong mesa habang nagkukwento siya ng mga naging kilig moments nila ni Jeonghan.

Ayos rin tong si Seungcheol e, lahat na lang ikinukwento. Kulang na lang, iact niya yung buong pangyayari. Napailing-iling na lang ako.

Kung hindi lang kita mahal, kanina pa kita itinulak diyan sa bintana.

"Ang swerte ko sa kanya no?"

Napaangat ang tingin ko kay Seungcheol dahil sa sinabi niya.

Tumango-tango ako.

Swerte nga. Anghel ba naman ang binoyfriend mo e. Hindi literal a. Naalala ko na naman yung paguusap namin ni Jeonghan nung isang araw.

Bakit ang bait niya? Feeling ko tuloy ang sama-sama ko. Kapag kasama ko siya, feeling ko lumalabas ang sungay at buntot ko habang mga pakpak at halo naman ang sa kanya.

Kailangan ko nang magmove on.

"Seungcheol, labas lang muna ako." Paalam ko sa kanya at nagsuot ng jacket bago lumabas.

Madilim na ang paligid, alas otso na kasi ng gabi. Wala nang ibang tao sa labas. Naglakad lakad ako habang tumitigin tingin sa paligid.

Ganito siguro kapeaceful ang buhay ko kung wala si Seungcheol at Seokmin.

Seokmin.

Naalala ko yung confession niya sa akin. Ang romantic sana e. Sa ilalim ng ulan. Ang problema lang e, may iba akong mahal. Si Seungcheol. Na may iba ring mahal. Sabi niya, ako yung crush niya na sinasabi niyang member ng Glee Club. Matagal na daw, kaya nga lang ay natorpe siya.

Parang ako lang.

Matagal ko nang gusto si Seungcheol pero natorpe lang. Yan tuloy, naunahan na ako.

Pero sa totoo lang, wala naman yan sa kung sino ang nauna e. Dadating at dadating pa rin yung para talaga sa kanila at magiging dahilan pa ng isang break up.

Sira na ang romantic relationship pati na din friendship.

Bakit ba pareho kami ng sitwasyon ni Seokmin? Pareho kaming nafriendzoned. Isang linya na ang hirap bitawan. Ang hirap makaalis.

Kingina naman kasi Cupid, kung papana ka, yung asintado naman. Nagkamali ka lang ata sa pagpana sa akin e. MagEO ka kaya, para luminaw ang paningin mo. Ang daming nabibiktima ng friendzone e.

Locket Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon