[Paradise] Back to Normal? I guess not.

94 3 0
                                    

° Paradise °
Arc 2
Back to Normal? I guess not
w o o z i

⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪

"Ujiiiii~ Bangon na beybeeeh~!"

Naramdaman ko na naman ang katawan ko na magbounce sa kama. Lalo kong idiniin ang mukha ko sa kama sa inis. Heto na naman si Seungcheol.

"Fuck it, Seungcheol, wag kang tumalon sa kama ko!" Sigaw ko sa kanya at pinagpapalo ang mga paa niya ng unan. Tumalon-talon pa rin siya sa kama habang kumakanta kanta sa napakapangit niyang boses—well, hindi naman talaga pangit but I am more than annoyed right now so just shut the fuck up—kaya mas lalo akong nairita.

Tinadyakan ko yung paa niya at nahulog siya sa kama. Humagalpak ako ng tawa ng marinig ko ang tili niya at ang malakas na pagbagsak niya sa sahig. Face first.

"Aray ko naman, Uji! Bumalik ka na naman sa kasungitan mo?" Nakangusong sabi niya habang hinahaplos ang noo.

Bumalik na nga ako. Nandito na ako sa sarili kong mundo. Normal na lahat. Masaya na lahat. Yehey. Party. Yay. Ansaya saya.

Yung locket ay hindi ko na makita. Naglahong parang bula kasabay ng pagbalik ko dito sa mundo ko. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o ano. Kaso nga lang, mamimiss ko din yun.

"O, why the long face? Alam mo Jihoon, nitong mga nakaraan, ramdam ko na may problema ka kaya lang ay ayaw mong magsabi." Seryosong sabi ni Seungcheol at umupo sa tabi ko bago ako inakbayan.

Tumingin ako sa kanya at pinilit ang sarili kong ngumiti.

"Wala." Sabi ko sa kanya na sinabayan ko pa ng pekeng tawa. Maniwala ka Seungcheol.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin na para bang iniinspeksiyon ang mukha ko. Tinitigan niya ako ng mariin sa mukha bago ngumuso. Naitulak ko siya kasi muntik ng magdikit ang mga labi namin ng ngumuso siya.

"Hoy! Nababaliw ka na ba?"

"May iba sayo... Masungit ka na uli, pero hindi ka na nagkakamatis."

"Nagkakamatis?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Dati kasi, kapag lumalapit ako sayo, nagiging human kamatis ka tapos para kang nauulol na hindi na makagalaw." Sagot niya at nagkibit balikat.

Nanlaki ang mata ko. Napapansin niya pala yun?! Yung pagbablush ko tapos yung natitigilan ako?! Hindi naman pala manhid tong si Seungcheol e. Tanga lang. Nasa harap niya na yung ebidensiyang may gusto ako sa kanya pero hindi niya napapansin.

Pero teka, bakit nga ba nag-iba? Bakit wala na yung mabilis na tibok ng puso ko? Bakit wala na yung mga paru-paro sa tiyan ko? Bakit hindi na ako naiilang? Bakit kainisan na lang ang nararamdaman ko kay Seungcheol?

Hindi ko na ba siya mahal?

"Tara na nga! Nagluto na ako ng breakfast! Yung favorite mo, ayiiieeeee~" Hinawakan ni Seungcheol ang kamay ko at hinila ako. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay.

As if on cue, sabay naman na bumilis ang tibok ng puso ko. Ito na ba uli? False alarm lang yung kanina? Mukha nga. Nadelay lang ata kanina? Malay niyo, nasa EDSA pa pala yung feelings ko kanina, natraffic lang.

"Seungcheoliee~"

"Omo! Jihoonieee~ Omo! Did you just—ohmygosh!"

"Enjoy it while my aegyo instincts last, Seungcheollie~"

Locket Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon