[Bestfriendzoned] Cry Buddy in Action

112 5 2
                                    

° Bestfriendzoned °
Arc 1
Cry Buddy in Action
w o o z i

⭐★⭐★⭐★⭐★⭐★⭐

Natapos ang club fair ng matiwasay. Ang Glee Club ang may pinakamaraming perang nalikom dahil na rin sa pakulo ni Seungcheol. Naging star namin silang dalawa ni Jeonghan ng Glee at HipHop Club. Pumangalawa samin ang HipHop Club sa pinakamaraming nalikom na pera.

At ngayon, nandito kami ni Seokmin sa rooftop at kumakain na naman ng tokneneng at kikiam. Pagkatapos kasi ng club fair ay bigla na lang akong hinila ni Seokmin dun sa paborito naming vendor ng street foods pagkatapos ay dinala ako dito.

"Alam mo ba, paborito kong comfort food to." Sabi ni Seokmin sabay subo ng buong tokneneng sa bunganga niya.

Natawa ako.

"Ang sosyal naman ng comfort food mo." Natatawang sabi ko at kumagat dun sa tokneneng na nakatusok sa stick na hawak ko.

Ngumisi lang siya sakin.

"Pag naiiyak kasi ako, eto ang kinecrave ko." Sagot niya at nagtalsikan pa sa mukha ko yung kinakain niya. Kumuha ako ng tissue at pinunasan yung mukha ko bago ibinato sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit ako sumasama dito.

Lolz ka Jihoon, siya lang naman at si Seungcheol ang kaibigan mo, sino pang ibang sasamahan mo?

Nagpatuloy lang kaming kumain ng tokneneng at kikiam habang nagkukwentuhan.

"Sino nga pala yung crush mo sa Glee Club? Sabihin mo na, hindi naman ako madaldal." Sabi ko sa kanya.

Tumingin muna siya sa akin bago napainom ng tubig at tumingin sa malayo. Gusto kong matawa kasi para silang nagshu shoot ng MV.

Wagas makemo.

"Wag na. Irereject niya lang naman ako e." Natatawang sagot niya at napabuntong hininga.

"Friends kayo?" Tanong ko.

"Oo. Friendzoned ako haha."

Natigilan ako. Friendzoned. Wow.

Itinaas ko yung kamay ko sa harap niya.

"Hi-five para sa mga na friendzoned!" Sabi ko at tumawa. Natawa din siya bago nakipagapir sakin.

"Mabuhay ang mga sawi!" Natatawa naming sigaw.

"Pero Jihoon, alam mo, iiyak mo na lang yan." Sabi ni Seokmin. Napaangat ang tingin ko sa kanya mula sa tokneneng ko.

"Huh?" Pinilit kong ngumiti kahit alam ko naman yung sinabi niya.

"Sabi ko iiyak mo na. May gusto ka kay Seungcheol, tama?" Sabi niya at tinitigan ako ng mariin.

Napababa ang tingin ko sa mga sapatos ko at pinanuod ang mga langgam sa sahig.

"Okay lang naman—Teka, pano mo nalaman?" Gulat na sabi ko at napatakip ng bibig.

"Sabi na nga ba. Sasabihin ko sayo mamaya kung pano ko nalaman pero kailangan mo munang umiyak."

Natawa ako sa kanya.

"Bakit ba pilit mo akong pinapaiyak?"

"Para gumaan ang loob mo." Seryoso niyang sagot. Natahimik uli ako.

Sa totoo lang, kanina pa ako nagpipigil e. Simula nung kumanta ako para kila Seungcheol. Hindi naman maiaalis sa akin ang masaktan e.

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Napapaemo na naman ako ni Seokmin.

"Jihoon, gusto mo bang sumabog ka na lang bigla katulad nang nangyari sayo nung una tayong magkita?" Tanong ni Seokmin at hinawakan niya ang dalawang balikat ko para iharap ako sa kanya.

Umiling ako.

"Then cry. Cry it all out, para wala ka ng itinatago." Bulong niya sa akin.

As if on cue, isa isang tumulo ang mga luha ko ng marinig ko ang sinabi niya. Ayokong umiyak. Ayoko talaga. Pero parang may kapangyarihan si Seokmin na napapaiyak ako sa isang sabi niya lang.

Masakit ang loob ko. Naiinggit ako.

Kanina, tuwang tuwa ang mga tao habang pinapanuod sila Seungcheol at Jeonghan. Aprub na aprub sila sa dalawa. Kilig na kilig. Sabi pa nga, perfect match daw ang dalawa.

Hindi ba nila naisip na baka may ibang tao din na pupwede kay Seungcheol? Na baka pwedeng may isang 'ako' na pwede ring maging Jeonghan ng buhay niya?

Nakakainis lang kasi e.

Palagi na lang si Jeonghan.

Yung perfect na si Jeonghan. Lahat na lang nakukuha niya. Si Seungcheol, pati yung pagiging aprub sa kanilang dalawa ni Seungcheol. Kahit yung prof namin sa History na galit sa LGBT community at may pagkasexist ay napaiyak niya. Kahit yung mamang security guard na napakaemotionless ay napaiyak niya.

Palagi na lang bang si Jeonghan?

Ang perpektong si Jeonghan? Wala na bang lugar para sa isang Lee Jihoon?

Masakit kasi, sandali pa lang naman dito si Jeonghan e. Transferee lang siya pero nasa kanya na lahat ng atensiyon, si Seungcheol. E ako, lagi naman akong nandito a? Matagal na akong nandito pero bakit walang nakakapansin sakin? Si Seungcheol, bakit hindi niya ako magawang mahalin?

Naramdaman kong niyakap ako ni Seokmin.

"S-seoks, bakit si Jeonghan ang mahal niya? Hindi ba pwedeng ako?" Tanong ko kay Seokmin sa pagitan ng mga hikbi ko. Naramdaman kong hinaplos niya ang likod ko para pagaanin ag loob ko.

"Shh, baka kasi may iba pang tao na magmamahal sayo." Bulong niya.

"Pero si Seungcheol ang mahal ko... Si Seungcheol lang ang gusto kong magmahal sa akin."

"Aray naman."

Napatigil ako at naitulak ko siya palayo.

"B-bakit?"

"Masakit e." Nakangiting sagot ni Seokmin pero yung mga mata niya, kumikinang dahil sa luha.

Napatitig lang ako sa kanya habang umiiyak dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Napayuko siya at nagsimulang tumulo ang mga luha niya sa sahig.

"S-seokmin?"

Napaangat ako ng tingin ng biglang bumuhos ang ulan. Kasabay ng pagpatak ng mga luha naming dalawa ang pagpatak ng mga butil ng ulan sa sahig.

Nakayuko pa rin si Seokmin kaya hinawakan ko na siya sa sleeve niya para itayo. Hihilahin ko na sana siya para tumakbo at sumilong ng pigilan niya ang kamay ko at hilahin ako paharap sa kanya.

"Manhid ka rin e, no?"

Napantig ang mga tenga ko sa sinabi niya.

"Seokmin a-ano bang—"

Naputol ang sinasabi ko ng bigla niya akong yakapin.

"Gusto kita, Jihoon! Gustong-gusto kita! Kaya nasasaktan ako kapag nakikita kang pilit na ngumingiti kay Seungcheol."

Napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tumingin siya sa akin habang nakangiti kahit na tumutulo ang mga luha niya kasabay ng pagpatak ng ulan.

"Jihoon, masakit maging cry buddy mo pero kung ito lang ang pwede kong gawin para mapagaan ang loob mo, sige lang."

"Mahal kita e. Okay lang. Kahit hindi, pipilitin ko."

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

Locket Where stories live. Discover now