[Ephemeral] Winter

68 2 0
                                    

° Ephemeral °
Arc 3
Winter
w o o z i

⭕◀▶◀▶💮◀▶◀▶⭕

"It's cold. I don't know why, but it reminds me of you... Ah, yung pakiramdam na wala ka..."

"Jihoon? Anong nangyari?" Hinawakan ni Soonyoung ang dalawa kong balikat at mariin akong tinitigan sa mga mata.

"Si S-seungcheol..." I trailed off. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Seungcheol ng dahil sa akin.

Nagsimulang pumatak ang mga luha ko bago ko siya hinalikan ng mabilis at tumakbo palayo.

"Jihoon!" Narinig ko pang malakas na pagtawag niya sa akin pero hindi ko na pinansin.

Ayokong madamay si Seungcheol sa gulong to. Ayokong pati siya ay mawala. May naghihintay para sa kanya sa kabilang mundo, at ayokong pati siya at danasin ang mga dinanas ko. Best friend ko si Seungcheol, he was always their every time I needed him. Kaya nga nainlove ako sa kanya dating e, because he cares for me so much and ayokong suklian ng sakit yung mga ginawa niya para sakin.

"Pero paano si Soonyoung?" Napalingon ako sa nadaanan kong puno dahil sa boses na yun at nakita kong nakaupo sa isa sa mga sanga 'yung babaeng kulot. Saglit along tumigil sa pagtakbo para kausapin siya.

"Babalikan ko siya. Aayusin ko lang to." Sagot ko sa kanya.

Tumawa lang siya at tumalon pababa mula sa sanga.

"Alam mo kasi, Jihoon beybe, kapag pumunta ka ulit sa dimensyon na 'yun, hindi ka na makakabalik dito." Paliwanag niya bago tiningnan ang mga kuko niya. "Kakailanganin mong mamili, si Seungcheol na bestfriend mo o si Soonyoung na soulmate mo?"

Napatanga ako sa sinabi niya.

Hindi na pwedeng bumalik?! Hindi ko naman pwedeng hayaan si Seungcheol na matrap sa lugar na 'yun!

Nagigting ang mga panga ko.

"Bakit ba napunta dun si Seungcheol?! Wala siyang kinalaman dito! Ano na naman ang ginawa niyo?!"

Nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin ang babaeng kulot.

"Hoy, kasalanan niya 'yun. Nangialam siya. Mahal na mahal ka 'ata talaga ng best friend mo kaya sinundan ka niya, pero wala kaming kinalaman dun. Makapambintang 'to." Sabi ng babaeng kulot bago nawala na parang bula.

Napasalampak ako sa kalsada matapos niyang mawala. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako pwedeng mamili.

Inilibing ko ang mukha ko sa mga palad ko at napaiyak. Hindi ko na alam. Ayoko nito.

"Hindi ka ba napapagod sa pagiyak, Jihoon?"

Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang boses na 'yun. Awtomatikong kumabog ang dibdib ko dahil sa presensya niya.

"S-soonyoung..."

Itinayo niya ako at marahang niyakap. Gumaan agad ang pakiramdam ko nung niyakap niya ako. Para akong naligaw at muling nakabalik sa tahanan niya. Si Soonyoung ang tahanan ko.

Locket Where stories live. Discover now