[Paradise] Up Close and Personal With Soonyoung

99 4 0
                                    

° Paradise °
Arc 2
Up Close and Personal with Soonyoung
w o o z i

⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪

"Ready ka na ba, Jihoon?"

Tumango ako kay dun sa babaeng kulot at nagsimula na siyang iwagayway ang kamay niya. Napahinga ako ng malalim at niready ang sarili ko. Isang araw lang naman. Isang araw lang na kasama si Soonyoung. Isang araw para masagot ang mga tanong ko. Isang araw para mapatunayan kung totoo nga yang lintik na soulmates thing na yan.

Isang araw lang.

Napapikit ako ng mariin ng magsimulang umiikot ang paligid ko. Nawala ang mga bagay-bagay; ang nga puno, nga kabahayan, ang nga streetlights at unti-unting kinain ng kadiliman. Tumigil na sa pagikot ang paligid at tuluyan na kaming napadpad sa ibang dimensiyon. Itim lang lahat. Para akong nakapikit pero nakikita ko pa rin ang babaeng kulot sa gilid ko.

"Ngayon, bubuksan naman natin ang lagusan papunta sa mundo ni Soonyoung. Medyo nay turbulence to, so fasten your seatbelts!"

"T-teka, walang seatbelts—"

Nagsimula uling umiimkot ang paligid at pagkatapos ay unti-unting lumiwanag at nagkaroon na uli ng mga puno at mga lamppost.

"Nandito na ba tayo?" Tanong ko, pero hindi ko na uli nakita ang babaeng kulot. Luminga-linga ako at wala siya sa paligid. Iniwan nga ako.

Napabuntong hininga na lang uli ako at nagsimula ng maglakad. Natatandaan ko, ito rin yung park na malapit sa bahay nila Soonyoung. Tinahak ko ang kalsada na maghahatid sa akin doon ng bigla akong nakaramdam ng kung anong presensya sa likod ko.

Napalingon ako at nakita ko ang dalawang pigura ng lalaki na kakalabas lang mula sa isang convenient store.

Bumilis ang tibok ng puso ko at napatitig na lang sa kanya. Nakita kong napatigil din siya at lumingon sa akin. Para bang nararamdaman namin ang presensiya ng bawat isa. Napahakbang ako papalapit kasabay ng mabilis na pag tibok ng puso ko. Maging siya rin ay humakbang papalapit sa akin. Nagtama ang mga mata namin at mas lumakas ang humihila sa akin papunta sa kanya.

Nang sa wakas ay magkatapat na kami, napatingala ako sa kanya. Nginitian niya ako at hinawakan ang dalawa kong kamay. Para bang may kuryente na dumaloy mula sa kanya papunta sa akin dahil sa ginawa niyang yun.

"Hi, Jihoonie, sa wakas magkita rin tayo." Nakangiti niyang sabi.

Simpleng pagbati lang yung ginawa niya, pero para bang nagkaroon ng kasiyahan sa loob ko at nagpaputok sila ng napakaraming fireworks sa tiyan ko.

"Hello, soulmate."

————————

"Tangina. Kung maglalandian kayo, wag sa harap ko, please lang."

Napatingin ako kay Scoups at napatitig lang sa kanya.

"Naglalandian? Di naman a! Nagtitigan nga lang kami e!"

"Soonyoung, eye-fucking ang tawag dun. Mga hayop kayo." Padabog na umalis sa harap namin si Scoups at iniwan ang kinakain niyang halo-halo. Napailing na lang ako.

Napaangat ako ng tingin ng muling bumalik si Scoups at kinuha yung halo-halo niya tapos yung chocolate bar na nasa mesa.

"Hindi niyo naman kakainin diba? Magstress eating na lang ako, pwe."

Gusto kong matawa sa inaasta ni Scoups pero hindi ko magawa. May gusto siya kay Soonyoung, natural lang na maging bitter siya. Nakikita ko tuloy ang sarili ko sa kanya. Ganito rin siguro ang nararamdaman ni Jeonghan sa akin noon. Masaya lang ako kasi mukhang okay naman ang relasyon nila ni Soonyoung ngayon. Ipinagpapasalamat ko na hindi ko nasira ang friendship nila.

Locket Donde viven las historias. Descúbrelo ahora