[Paradise] A Day With Soonyoung

108 4 0
                                    

° Paradise °
Arc 2
A Day With Soonyoung
w o o z i

⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪

Nagising ako ng may maramdaman akong sumiksik sa leeg ko. Napamulat ako at unang tumambad sa mga mata ko ang isang magulong kwarto. Kalat-kalat ang mga lalabhang damit, mga basura at kung ano-ano pa. Sunod na napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Soonyoung na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko at nakayakap ang mga kamay sa akin.

Napangiti ako sa sarili.

Feels like home.

Dahan-dahan kong umalis ang pagkakayakap niya sa akin at umupo sa kama. Nagsimula akong ayusin ang mga labahing damit at inilagay sa laundry basket. Sunod ay winalis ko ang mga basura at itinapon sa basurahan. Inayos ko din ang study table niyang napakagulo, nakakalat ang mga lapis at papel na may drawing ng kung ano-ano. Inilagay ko yun sa drawer niya, isasara ko na sana uli ang drawer ng may makita akong folder na may nakasulat na Αδελφή ψυχή.

Napakunot noo ako ng makita ko ang laman no'n. Mga sketches ng isang lalaking nakangiti. Iba-ibang anggulo, may umiiyak, may nakangiti, pero isang tao lang ang laman. Bumilis ang tibok ng puso ko. Maalikabok na yung folder kaya medyo napaubo pa ako. Napatingin ako sa date sa pinakababa ng mga sketches. Nagsimula siyang magsketch ng figure ng lalaki mga five years ago.

Paano nagawang isketch ni Soonyoung ang mukha ko five years ago?

Napatigil ako ng may maramdaman akong presensya sa likod ko. Nakita kong nakatingin din si Soonyoung sa folder hasng nakakunot ang noo.

"Matagal na to, a. Elementary pa lang ako nito. Sa'n mo nakita?" Sabi niya at bahagyang pinagpagan ang folder.

"Soonyoung, tingnan mo." Binuksan ko ang folder at ipinakita sa kanya ang mga sketches. Nanlaki ang mata niya at nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa folder.

"Ohmysiomai! Ikaw yung lalaki sa panaginip ko?!" Gulat na tanong niya.

"Panaginip?"

"Dati ay inisketch ko yung lalaking nakikita ko sa panaginip ko, ikaw to e!" Sabi niya at muling tinitigan ang mga sketches.

Napaisip din ako.

"Hayst, alam mo ba kung ano ang pinaggagagawa natin sa panaginip ko? Nagano na tay—"

Nagulat kaming dalawa ni Soonyoung ng biglang kumitaw sa harap naming dalawa ang babaeng kulot. Nakaupo siya sa desk ni Soonyoung at nakisilip din sa folder.

"Oy, kailangan mo ng bumalik, Jihoonie." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Nagkatinginan kami ni Soonyoung. Napakapit ako sa damit niya.

"B-bakit ang bilis? Diba dapat mamaya pang gabi?" Tanong ko sa kanya.

Tumawa lang siya sa amin tapos bigla siyang nawala.

Muli kaming nagkatinginan ni Soonyoung. Lalong humigpit ang kapit ko sa damit niya at sumilip ang dibdib ko. Malungkot lang akong tiningnan ni Soonyoung. Hinaplos niya ang buhok ko at pilit niya akong nginitian.

Locket Where stories live. Discover now