[Paradise] Soulmates? Soulmates

97 2 0
                                    

° Paradise °
Arc 2
Soulmates? Soulmates
w o o z i

⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪

"Jihoonieeee~ say ah~!"

Sinamaan ko lang ng tingin si Seungcheol na pinipilit akong subuan ng mocha cupcake na binili niya. Itinikom ko ang bibig ko at inilayo ang mukha sa kanya. Porke ayaw niya ng flavor, ipapakain niya sa akin? Argh.

"Ano ba, Seungcheol. Ayaw ni Jihoon, o." Pagsaway sa kanya ng may kasama pang palo sa braso. Napatigil naman si Seungcheol at napanguso na lang habang pilit na kinakain yung mocha cupcake.

Nginitian ko si Jeonghan bilang pasasalamat sa pagpigil niya kay Seungcheol. Nandito kami sa café malapit sa school dahil lunch break namin. Para ngang naging third wheel ako sa JeongCheol e. Wala naman kasi akong ibang kasama dahil may date din si Seokmin at Jisoo. O diba, lahat ng kaibigan ko may partner na. Ang saya maging pambansang third wheel, sa totoo lang. I love to speak with sarcasm, yes.

"Ujiii kasi humanap ka na din ng forever mo para hindi ka tumithird wheel sa amin!" Sabi ni Seungcheol sa akin. Tiningnan ko lang siya ng masama.

Nakita ko kung paano ako tingnan ni Jeonghan. Akala niya siguro ay masasaktan ako, surprisingly, hindi. Naiinis lang ako kasi brining out yung topic na yun. Nginitian ko lang siya para iassure na okay lang ako.

Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Soonyoung. Ilang araw na rin simula nung nakabalik ako pero parang may kulang pa din. Siguro nga ay yung mga nakilala ko dun sa kabilang mundo. Si Scoups, si Soonyoung. Nakakamiss din sila.

"Uuuy~ nangingiti! Meron ka na no!" Pangaasar ni Seungcheol sa akin habang ipinaglalandakan ang gilagid niyang nakakasilaw.

"Wala no. May naalala lang ako." Sabi ko sa kanya.

"Sino?"

"Si Soonyoung." Wala sa sariling sagot ko. Napatakip ako ng bibig ng marealize ko yung sinabi ko. Shit, I'm gonna get myself killed.

Nginitian ako ni Seungcheol ng nangaasar at tinapik tapik ang braso ko na parang kinikilig na babaeng high schooler. Tinawanan na lang siya ni Jeonghan na mukhang suko na sa kachildish'an nitong si Seungcheol.

"Sabi na nga ba e, may something kayo! Alam mo ba, nung magkaskype kayo, naramdaman ko yung spark! Ayiiiieeeee~! Tapos, tapos yung mga ngiti mo pagkatapos niyo magskype tapos sabi mo future mo siya! Ayiieeeeee~! Hindi ko lang talaga narealize nun pero yun pala ang ibig mong sabihin a!" Sinundot sundot ako ni Seungcheol sa tagiliran ko kaya kahit nakakunot ang noo ko ay natatawa ako sa kainosentehan nitong camel na to.

"Ano pang sinabi ko nun tungkol kay Soonyoung?" Nangingiting tanong ko sa kanya.

Nagbounce bounce si Seungcheol sa upuan niya habang nanlalaki ang mata. Minsan Seungcheol reminds me of Soonyoung. Mas mature version nga lang si Soonyoung.

"Alam ko lahat yun a! Sabi mo ang cute ng mga singkit na mata—" napakunot ang noo ko dun, medyo narcissistic naman pala.

"Tapos sabi mo ang cute cute ng kanta niya tapos sabi mo ang cute cute mo tapos gusto mong kagatin yung sarili mong pisngi tapos ang sarap haplusin ng balat mo tapos ang lambot ng buhok mo tapos yung—" Pinigil ko si Seungcheol sa pamamagitan ng pagtatakip ng bibig niya.

"Seungcheol, hinga."

Huminga siya ng malalim at umalis ko na ang pagkakatakip ko sa bibig niya.

Locket Where stories live. Discover now