[Paradise] Sacrifices

112 3 0
                                    

° Paradise °
Arc 2
Sacrifices
w o o z i
[ L A S T ]

⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪

"I—"

"Hi, guys—ayy teka, nakakaistorbo ba ako?"

Napalingon kaming dalawa ni Soonyoung sa babaeng kulot na ngayon ay nakaupo na sa kama habang pinapanuod kami. Bumilis ag tibok ng puso ko at tiningnan si Soonyoung. Malungkot lang siyang nakatingin sa malayo.

"Jihoonie, it's time to go back." Nakangiting sabi ng babae at pinaypay ako papalapit sa kanya. Dahan-dahang akong naglakad papalapit na nakakuha ng atensyon ni Soonyoung. Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.

"O? Kailangan ng bumalik ni Jihoon." Sabi ng babaeng kulot at tumayo na para siya mismo ang kumuha sa akin.

Naiiyak na napatingin na lang ako kay Soonyoung.

"Jihoon..." Tawag niya kaya mas lalong naghirap ang kalooban ko. Ayokong umalis. Ayokong iwan si Soonyoung.

Napatingin ako sa babaeng kulot.

"It doesn't make sense! Bakit kailangan mo pa akong dalhin dito para lang paghiwalayin kami?!"

"Jihoonie, hindi mo ba naalala? Ikaw ang may gusto nito. Simula't sapul, ikaw ang humiling na mapunta sa ibang mundo. Gusto mong mahalin ni Seungcheol? Dinala ka namin dito. Pero ng humiling kang bumalik, pinagbigyan pa rin namin. Ngayon ay humiling ka na makasama si Soonyoung kahit isang araw lang, pinagbigyan pa rin namin. Ano ba talagang gusto mo, Jihoon?"

Natahimik ako. Ako ba ang may gawa ng lahat ng ito?

"Pero soulmates kami. Kami ang magkakatuluyan, kami ang magmamahalan."

"Hindi lahat ng soulmates ay gano'n. May mga ibang taong binibigyan lang ng pagkakataon para makilala ang soulmates nila at pagkatapos no'n ay hindi na sila muling magkikita pa. May nga iba na hindi na nakikilala ang soulmates nila. May mga taong namamatay, bago pa man masilayan ang soulmates nila. Alam niyo bang maswerte pa kayo? Nagkaroon kayo ng pagkakataong makilala ang isa't isa."

Pero hindi pa rin sapat ang maikling panahong iyon para magkasama kami ni Soonyoung. Hindi ko alam kung anong mahika ang nagtulak sa akin na magustuhan ang isang tulad niya, hindi dahil siya ang soulmate ko kung hindi ay dahil siya si Kwon Soonyoung. Wala na akong pakialam sa book of soulmates na yan o sa tinatawag nilang Eros. Wala akong pakialam kung magkaiba man ang mundo namin. Isa lang naman ang mahalaga para sa akin ngayon. Si Soonyoung.

"Tinatanong mo kung ano ba talaga ang gusto ko?" Tanong ko sa babae.

Tinitigan niya lang ako.

"Gusto kong makasama si Soonyoung." Sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay ni Soonyoung.

Napakamot sa ulo ang babae.

"Hindi nga kayo pwede kasi magkaiba ang mundo niyo! Isasakripisyo mo ba ang mundo mo para sa kanya? Sila Seungcheol, ang mga kaibigan mo, ang pamilya mo."

Napayuko ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko. Nalilito na ako. Sinong pipiliin ko? Ang mahal ko o mahal ako? Punyeta, tama na ang kanta.

Locket Where stories live. Discover now