[Ephemeral] Spring

75 4 0
                                    

° Ephemeral °
Arc 3
Spring
w o o z i

⭕◀▶◀▶💮◀▶◀▶⭕

"Ang pagibig ko sayo, parang spring. Kahit tuyot na, sige pa rin. Mahal kasi kita."

Hindi ako makapaniwala na sinabi ko yun. Hanggang ngayon, namumula pa rin ang mukha ko. Habang si Soonyoung, kilig na kilig dito sa tabi ko.

Ewan ko ba. Baliw na ata ako. Wala nga atang kakwenta kwenta yung sinabi ko e.

"Jihoon, kahit walang konek yung sinabi mo, lab pa rin kita. Ayiiieeeeeeeeee~" At niyakap niya ako ng sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga.

Pero hindi ko siya pinatigil.

"Siyempre, gwapo ko kaya." Sagot ko na lang. Narinig ko naman yung halakhak niya kaya napangiti ako.

"Ako kaya ang gwapo. Cute ka lang ei." Sagot niya tapos pinisil ang pisngi ko. Medyo masakit, pero sanay na ako.

Ganon naman diba, kapag nakasanayan mo na yung sakit, balewala na. Tangina, san nanggaling yung whogoat na yun?!

Nakita kong tumayo si Soonyoung mula sa pagkakaupo sa tabi ko. Nakaupo kasi kami sa kama. Ngayon, hinila niya ako patayo. Napasinghap pa ako ng hapitin niya yung bewang ko palapit sa kanya. Naginit na naman tuloy ang mukha ko sa sobrang close namin sa isa't isa.

"A-ano ba, Soonyoung..."

"Magpapractice ako." Nakangiting sabi niya sa akin pagkatapos ay nagsimulang igalaw yung katawan namin kahit walang tugtog.

"Practice saan?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sakin bago bahagyang kinabig yung ulo ko pasandal sa dibdib niya. Narinig ko yung malalakas at mabibilis na tibok ng puso. Tuluyan na rin akong napangiti.

"Ang gandang musika, diba?"

"Alin?"

"Yung tibok ng puso ko, ang sarap sabayan ng sayaw."

"Pati ng kanta."

Naramdaman kong saglit siyang napatigil kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. Para namang nahulaan niyang gagawin ko yun kaya agad siyang nakanakaw ng halik sa mga labi ko. Napaawang ang bibig ko.

"Jihoon, gusto mo bang maging date ko sa graduation ball namin?" Seryosong tanong niya.

Saglit lang akong nagisip bago tumango sa tanong niya. Napangiti siya at muling kinabig ang ulo ko pasandal sa kanya. Iginalaw niya uli yung mga katawan namin. Napapikit ako ng may mga letrang pumasok sa isip ko.

Tingnan niyo nga naman, mukhang makakabuo pa ako ng kanta na yung tibok lang ng puso niya yung ritmo. Malaki ang maitutulong nitong si Soonyoung sa club ko kung sakali.

"Synchronized heartbeats
When our eyes meet
It goes wild, it goes crazy
it's became hazy..." Nagsimula kong kantahin ang mga salitang nabuo sa isip ko. Naisabay ni Soonyoung ang katawan namin sa kantang kinanta ko impromptu.

Locket Where stories live. Discover now