[Bestfriendzoned] OPLAN: Pasagutin si Jeonghan; the completion

106 3 8
                                    

° Bestfriendzoned °
Ark 1
OPLAN: Pasagutin si Jeonghan; the completion
w o o z i

⭐★⭐★⭐★⭐★⭐★⭐

Ngayon na ang araw ng club fair at nagkakandaugaga kami ngayon sa pagtayo ng club. Pumatong ako sa isang stool para isabit sa railings yung signage na may nakasulat na 'Glee Club Serenades' at may mga heart heart pa na sila Seungkwan ang naglagay. Yung iba sa amin ay namimigay ng flyers at yung iba naman ay inayos yung instruments na gagamitin namin. Itinatali ko na yung lubid nung signage ng may tumamang bagay sa paa ko na nagpawala ng balance ko dahil nakatingkayad ako.

"Jihoon!"

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang sarili kong nahuhulog at napapikit na lang.

Ilang segundo pa at hindi pa rin lumalagapak ang likod ko sa semento ay napamulat na ako. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Seokmin na humihingal habang nakatitig sa akin.

"Okay ka lang ba? Muntik ka na dun a." Namumula niyang sabi bago ako ibinaba mula sa pagkakabuhat niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Salamat."

Napayuko siya sandali at napakamot sa batok.

"Sige na, back to work na!" Malakas na sabi ko tsaka pumalakpak ng makita kong nakatingin lang sa amin ang mga club members ko. Muli akong umakyat ng stool ng bigla akong makaramdam ng mga kamay sa bewang ko at ibinaba ako sa sahig.

"H-hoy!"

"Wala kang kadala-dala ano? Kaya ka nasasaktan e." Natatawang sabi ni Seokmin at siya na ang nagayos ng signage. "Pinipilit mo kasing abutin, alam mo namang pandak ka at medyo mataas to." Nailing niyang sabi.

Napasimangot ako.

"Edi ikaw na matangkad."

Iniwan ko na lang siya dun at namigay na lang ng mga flyers. Marami naman ang interesado pero hindi pa rin kami nakakasigurado na papatok nga ang booth namin kaya napabuntong hininga ako. Bumalik ako sa both namin at nakita ko ang mga club members ko na nagtitipon-tipon sa isang sulok. Medyo kinabahan ako ng isa-isa nila akong tingnan ng may evil look.

Napabuntong hininga ako. Alam ko yung mga gantong feeling e.

Yung plan b kasi namin, kailangang isa sa amin ang maging agaw pansin para makaattract ng customers. At feeling ko, ako yung napagdesisyunan nilang pagawin nun.

"Ji~!" Tawag nila sa akin at ipinakita ang hawak hawak nilang fairy costume.

Nanlaki ang mga mata ko.

"No, no, no, no, nope! I am not wearing that fairy shit."

But they only giggled at me.

And now, I'm a walking fairy waving his wand ridiculously at people.

"Aw, ang cute~" Sabi ng isang babae at kinurot ang pisngi ko bago kinuha ang flyer na ipinamimigay ko.

"Visit Glee Club's booth." Monotone na sabi ko sa kanya.

Ilang nakakairitang minuto pa at dinagsa na ako ng mga tao na gustong magpapicture.

"Do I look like a celebrity to you?!" I hissed.

"Ang cute niya~"

"Papicture naman!"

"Sarap isako tapos iuwi sa bahay!"

Locket Where stories live. Discover now