[Special Chapter] + Ending Note

198 6 0
                                    

S P E C I A L
    CHAPTER

What if Locket never happened? ◀

"Seok, you have to believe me! Totoo yun! Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko tapos parang—"

"Pangatlo mo na 'yan, Jihoon." Blankong sabi ni Seokmin sa kanya bago itinuloy ang pagkain ng lunch.

Halata naman ang frustration ni Jihoon dahil sa nakasimangot nitong mukha.

"Oo nga. Nandu'n ako kaya nakita ko. Hinawakan nung lalaking singkit si Jihoon sa kamay tapos tinanong 'Bakit parang kilala kita Lee Jihoon? Bakit parang dapat kitang makilala?" Panggagaya ni Jeonghan sa boses ng lalaki habang may ngiti sa labi. "Kinilig nga ako, e." Dagdag pa nito.

"Bakit ganon?" Tanong ni Jihoon sa dalawa at nangalumbaba na lang sa mesa.

"'Wag mo na nga lang isipin 'yun. Kainin mo na lang 'yang pagkain mo kasi baka magutom ka mamaya sa PE class niyo." Sabi sa kanya ni Jeonghan bago itinulak papapalapit sa kanya ang plato niya.

Natawa si Seokmin sa sinabi ni Jeonghan.

"Para kang mama, a." Natatawang puna nito.

Hindi na lang pinansin ni Jihoon ang dalawa at kinain na lang ang pagkain niya. Alam niya kasing hindi siya titigilan ni Jeonghan hangga't hindi nasisimot ang laman ng plato niya. Para tuloy kasama niya ang mama niya sa school.

"Nabalitaan niyo na ba, may transferee daw ngayon." Sabi ni Seokmin sa dalawa.

"Talaga? Sa kalagitnaan ng school year?"

Hindi na pinansin ni Jihoon ang dalawa dahil okupado pa rin ng lalaking singkit ang buong utak at isip niya. Hindi niya alam kung bakit ilang gabi niya na itong napapanaginipan, mga eksenang parang totoo pero hindi niya maalala.

"Tinanggap ng school kasi magaling daw sumayaw. Nakapaguwi daw ng sandamakmak na trophies sa school nila." Sabi ni Seokmin saka nagkibit balikat.

"Mauna na ako sa klase ko." Paalam ni Jihoon bago kinuha ang mga librong hawak niya at iniwan ang dalawa niyang kaibigan.

Naglalakad lakad siya ng bigla siyang may makabunggong lalaki dahilan para mahulog sa lupa ang librong hawak niya. Yumuko siya para kunin ang mga 'yun at tinulungan din naman siya ng nakabangga niya.

"Sorry, a? Ito na yung mga..."

Napaangat ng tingin si Jihoon ng tumigil sa pagsasalita ang lalaki para lang mahulog ang panga niya at manlaki ang mata niya sa nakita.

"I-ikaw?!"

Sobrang bumilis ang tibok ng puso ni Jihoon at napatitig na lang siya sa lalaking kaharap. Bumaba ang tingin niya at napunta sa nametag nito.

Kwon Soonyoung.

Napakapamilyar ng pangalan pero hindi niya maalala kung saan niya narinig o nakita.

"I-ikaw yung transferee?" Nahihiyang tanong ni Jihoon bago ibinaba ang tingin sa mga sapatos nila.

"Uh, oo."

Napaangat siya ng tingin ng hinawakan ng lalaki ang dalawa niyang balikat.

"A-ano... P-pwede bang payakap?" Nahihiyang tanong ng lalaki na nay kasamang pang pagnguso.

Para bang may kumiliti sa tiyan ni Jihoon ng marinig 'yun. Napasinghap na lang siya ng tuluyan na siyang niyakap ng lalaki kahit di pa man siya sumasagot.

Nawirduhan si Jihoon sa sarili niya, kasi pakiramdam niya, ang yakap ng lalaking ito ang tahanan niya.

Kung saan siya dapat simula pa noon.

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

A/n:

Bitin ikr hahaha
So tong special chapter ay technically kasunod lang din ng prologue pero eto talaga yung mangyayari sana kung hindi nangyari yung kaechosan ni Eros.

Mamatay si Seungcheol sa isang car accident, magkikita si Soonyoung at Jihoon, magkakakilala tapos boom pagibig.

In short, eto talaga yung dapat nangyari kaya nga lang nagkaron ng problema kaya kailangan nilang dumaan sa lahat ng mga nangyari. Kung mapapansin, halos kalahati lang ng buong istorya ang tungkol sa love story ng SoonHoon kasi nakafocus talaga lahat sa thoughts at feelings ni Jihoon, pati na rin sa debut ng series. So ayun, feeling ko hindi nabigyan ng justice yung dapat love story nila. Hahaha.

At eto pa pala, sa chapter na A Day With Soonyoung ng Arc 2 ay may eksenang may ganto: Αδελφή ψυχή. Ayun dapat yung reason kung bakit sila pamilyar sa isa't isa. Kasi napapanaginipan nila ang isa't isa nung bata pa sila. Hindi dapat dahil sa Locket chuchu na yan.

So ayun lang. Toodles!

Locket Where stories live. Discover now