[Paradise] An Open Opportunity

106 4 0
                                    

° Paradise °
Arc 2
An Open Opportunity
w o o z i

⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪

"Unang una, si Scoups, uhm... May—may gusto siya sa akin..."

Naalala kong sabi ni Soonyoung sa akin bago mawala yung image niya sa salamin.

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto niya—na kwarto ko na din—at nakatunganga lang sa kisame habang pinapanuod ang dalawang butiki na magmate. Hindi naman sinabi ni Soonyoung na may live porn pala sa kisame niya kapag nagalasdose na ng madaling araw.

Napabuntong hininga uli ako. May gusto sa kanya si Scoups. Pano ko yun matatanggap? I mean, diba magkahawig si Scoups at Seungcheol. Tapos naging ako naman si Soonyoung.

Ah kingina, ang gulo.

Ibig sabihin ba nun, yung Seungcheol sa mundong 'to ay may gusto 'sakin' sa kasalukuyan? Pano ako makakamove on?

Pano na kapag bumalik na ako sa mundo ko tapos nasanay ako na may gusto yung Scoups sa
akin?

Baka umasa na naman ako kay Seungcheol. Baka magpakatanga na naman ang puso ko. Baka masaktan na naman ako. Hayst.

Bakit ba kasi kailangang mangyari to? Ano ba yang book of soulmates na yan? Bakit ako pa?

Hayst.

Tumagilid ako ng higa at nakita ko yung magulong study table ni Soonyoung sa dulo ng kwarto. Actually, hindi lang yung study table ang magulo. Buong kwarto niya mismo. Nagkalat ang mga papel, mga plastic wrapper ng mga candy at chip, mga cup ng instant noodles, mga labahing damit. Ang gulo. Pano kaya nakakapagisip ang lalaking yun sa ganitong kakalat na kwarto?

Napailing iling ako at tumayo para maglinis. Inilagay ko sa isang drawer lahat ng mga nakakalat na papel. Itinapon ko sa basurahan yung mga plastic wrappers. Ishinoot ko sa laundry basket yung mga labahing damit.
Ilang shoot at tapon pa ang ginawa ko at natapos na ako maglinis. Kumuha ako ng isang notebook sa tabi at pumunta ng isang pahina at isang ballpen at umupo sa study table.

Hanggang sa nagsimula akong magsulat ng mga salitang lumilipad sa isip ko.

Another world,
Without a word,
Would you be mine?
Across the time?

When the stars shine,
And the sun is asleep
Would we be fine,
With this tight grip?

My heart bled love
As the sky above
Turned darker and calmer
And my eyes heavier

If I fall to slumber
Would you remember?
Having me
With such glee?

Would you regret
What you forgot
If it is me
In your lost memory?

Locket Where stories live. Discover now