[Ephemeral] Summer

78 3 0
                                    

° Ephemeral °
Arc 3
Summer
w o o z i

⭕◀▶◀▶💮◀▶◀▶⭕

"Ang pagibig ko sayo,
Parang pagkain ng halo-halo tuwing summer. Nakakagaan ng pakiramdam."

"Soonyoung, alam mo, gutom ka lang. Kainin mo na yang halo-halo mo bago pa matunaw." Natatawang sabi ko sa kanya at kumain ng halo-halo.

Nagpout siya.

"Di ka man lang ba kinilig? Kahit slight?"

"Hindi. Ang corny mo." Natatawang sagot ko na nagpahaba lalo ng nguso niya.

Naku, naku. Nangtetempt lang na halikan siya.

Nandito kami ngayon sa isang convenient store na paborito na ata naming puntahan. Palagi kasi kaming nandito, para ngang pangalawang bahay na namin to e. Mahirap kasi kapag tamad ang mga kasama mo sa bahay, wala palaging laman ang ref dahil walang nagogrocery.

"Alam mo, ngayon ko lang narealize, hindi pa tayo nagkikiss."

Nabulunan ako sa sinabi ni Soonyoung. Seriously??? Dito talaga sa loob ng convenient store??? First date namin, sa McDo lang tqpos first kiss dito sa convenient store???

"Hindi man lang sa isang high-class na resto o sa isang five star hotel, dito talaga?"

Biglang nanlaki ang mga singkit na mata ni Soonyoung.

"H-hotel?!"

Naginit naman ang pisngi ko. Hay buhay.

"Hindi ganon! Ang dumi ng utak mo!"

"Ikaw kaya ang madumi ang utak! Pahotel hotel ka pang nalalaman!"

"What I mean is—"

"Di mo ko madadaan sa engrish engrish mo! Pinagnanasaan mo ako!"

"Tumi—"

"Tumigil nga kayong dalawa!" Biglang may padabog na naglapag ng halo-halo sa pagitan namin ni Soonyoung.

Napatingin ako kay Scoups ng pumagitna siya samin ni Soonyoung.

"Kebata-bata niyo pa, seks na agad iniisip niyo! Aral muna bago seks!" Sabi niya.

"H-hala! Ang bastos mo, Scoups!

"Kayo nga bastos diyan e!"

At nagsimula na ang bangayan ng dalawa. Napailing na lang ako habang natatawa. Mga isip bata talaga.

Inubos ko na yung halo-halo ko at tumayo para itapon lang yung cup. Hindi man lang nila napansin na umalis ako. Hayst. Tumingin tingin na rin ako sa food rack para magkalaman naman ang bahay ng dalawang ugok. Kumuha ako ng mga noodles (ano pa nga ba), chips tsaka mga bote ng softdrinks. Ewan, magkakasakit kami nito. Binayaran ko na yung pinamili ko at pinuntahan na yung dalawa. Kaso lang, wala na sila pagbalik ko.

Locket Where stories live. Discover now