[Bestfriendzoned] One Reason

137 5 0
                                    

° Bestfriendzoned °
Arc 1
One Reason
w o o z i

⭐★⭐★⭐★⭐★⭐★⭐

"Jihoooooooon~"

"Jihoooooooon~"

"Ujiiiiiiiiiiii~"

"Baby kooooo~"

"Tangina, Seungcheol, ang aga-aga nambubulabog ka." Naiinis na itinakip ko sa mukha ko yung unan at tumalikod sa kanya.

Naramdaman kong gumalaw ang kama at nagtatalon siya dun.

"Gising naaaaaaaa~"

"Argh! Panira ka ng umaga e!" Inis kong sabi at umupo sa kama para paghahampasin ng unan yung paa niya. Tumigil na siya kakatalon sa kama at tumatawang umupo sa tabi ko.

Napapikit ako habang nakasimangot.

Hayst, bakit ba ako nainlove sa taong ito?

"Gising na kasiiiiii~" Bulong niya sa tenga ko. Nanigas agad ako sa kinauupuan ko ng maramdaman kong dumampi pa yung labi niya sa tenga ko. Nanlamig yung likod ko at nagwala na naman ang puso ko sa loob ng dibdib ko.

Seungcheol, paano ba ako makakamove on sayo kung ganito ka?

Napabuntong hininga ako at pilit na nicompose ang sarili ko.

Kapag nagpatuloy to, mas lalo akong masasaktan. Kailangan ko ng magmove on, kundi, yari na naman ang puso at mga mata ko. Kaya ko to. Magmomove on ako, kakalimutan ko yung feelings ko para kay Seungcheol. Aalis ako dito sa Bestfriend zone. Lilipad ako paalis—

Speaking of lumilipad;

"SEUNGCHEOL ANO BA?! IBABA MO AKO!!!" Sigaw ko at pilit na pumapalag dahil buhat-buhat niya na ako.

"Uji ko, mamaya ililibre kita ng maraming pagkain. Kumain ka ng marami ha, tingnan mo, ang gaan gaan mo." Sabi niya habang tumatawa. Nagsisigaw ako ng ipasok niya ako sa banyo at iupo sa toilet. Pinilit kong tumayo at lumabas pero hinawakan niya ako habang ang isang kamay ay inaabot ang shower.

Bakit ba ang lakas ng lalaking ito?!

"Seungcheol! Isa, hahampasin talaga kita ng gitara ko!" Banta ko sa kanya ng makita kong itinapat niya na sa akin ang shower. Ngumisi lang siya sakin.

"Ujiiii~ maligo ka naaaa~" Sabi niya habang humahagikhik. Napapikit ako ng biglang bumukas ang shower at tuluyan na akong nabasa.

Kinuha niya ang kamay ko at dun inilagay yung shower tapos humahagikhik na nagtatakbo palayo.

"SEUNGCHEEEOOOOOOOOOL!!!"

"Maligo ka na uji ko! Magluluto na ako ng breakfast natin!" Sigaw niya pabalik bago sumilip uli sa pinto tapos humagikhik ng makita ang galit kong itsura.

For the second time, bakit ba ako nainlove sa taong ito?!

——————

Magkasabay kaming pumunta ng school ni Seungcheol pero pinauna ko na siya sa classroom dahil dadaan muna ako sa clubroom namin para magpaattendance. May meeting kasi kami mamaya at kailangan ko ng presensya ng bawat isa.

As usual, nandun ang secretary ng club na si Boo Seungkwan at siya na lang ang pinakiusapan ko na magpaattendance. Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa room at umupo sa tabi ni Seungcheol.

"Sa pagkakaalala ko, hindi tayo magkatabi." Sabi ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin at inakbayan ako bago bumulong.

"Nakipagpakit ako ng upuan kay Mingyu kapalit ng pag accept ko sa membership niya sa HipHop Club."

Locket Where stories live. Discover now