[Paradise] Unreasonable Heartaches

109 4 0
                                    

° Paradise °
Arc 2
Unreasonable Heartaches
w o o z i

⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪

"Alam mo, medyo mainisin kasi yang si Scoups. Palagi kaming nagaaway. Parang may PMS yan kapag sinaniban na ng espiritu ng kasungitan."

Natawa na naman ako ng maalala ko ang sinabing yun ni Soonyoung. Ang cute cute niya—ng totoo kong mukha—habang sinasabi niya yun. Nakasimangot siya at nakunot ang mga noo. Namumutla pa rin siya pero medyo nabawasan na yung tamlay niya. Ewan ko ba kung bakit ako nagaalala dun. Mukhang kaya niya naman ang sarili niya at hindi naman siya papabayaan ni Seungcheol dun.

Nakakainggit. Pero okay na, meron naman akong Scoups dito, diba?

"Soonyoung! Ano, hindi ka pa ba lalabas diyan?! Aba, uubusin ko na tong niluto ko!"

Ayan na nga ang sinasabi ni Soonyoung. May pagkabossy at napakamainisin paminsan minsan. Minsan naman sobrang sweet. Parang ewan.

Lumabas na ako at dahan-dahang naglakad papunta sa kusina. Medyo magaling na yung dibdib ko pero may mga panahong kumikirot pa rin. Hindi ko alam kung dahil yun sa fractured na buto, o dahil sa pasa, pero may mga panahong gusto kong umiyak dahil sa sakit at bigat ng dibdib ko. Physical pain pa rin ba yun?

"O, anong mukha yan?" Tanong ko sa kanya ng makita ko yung mukha niya. Nakabusangot siya habang nakaupo sa upuan at nakatitig sa akin na para bang may ginawa na naman akong masama.

"Sino na naman yung kausap mo disoras ng gabi? Rinig na rinig ko yung halakhak mo hanggang sa kwarto ko e." Nakasimangot niyang sabi.

"Ah, si Soon—Si ano, si Lee Jihoon." Napapakamot na sabi ko. Umupo na lang din ako sa upuan at nagsimula ng magsandok ng pagkain ko.

"Yun yung tumawag sakin nung muntik ka ng magahasa diba?" Tanong niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya tapos tumango.

"Ang galing naman, no? Siya nagawa mong tawagan, tapos ako hindi?"

"O?"

"Kumain ka na. Alis na ako, bye." Sabi niya bago tumayo at inunat ang uniform niya. Isinukbit niya na yung bag niya sa isang balikat at naglakad na palayo.

"Scoups!" Tawag ko sa kanya.

Tumigil lang siya sa paglalakad at hindi na lumingon.

"Papunta yan sa kwarto, sa kabilang direksyon yung pinto." Sabi ko sa kanya habang pigil ang tawa.

Saglit siyang natigilan bago humarap sa kabilang direksyon. Dun na ako tuluyang natawa. Itinaas niya pa yung middle finger niya sa akin bago lumabas ng pinto.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na agad ako sa kwarto para kausapin si Soonyoung. Gustong gusto kong palagi siyang kausap. Gumagaan kasi ang pakiramdam ko e. Para siyang isang bestfriend, pero higit pa. Yung parang kapatid mo na nanay at tatay mo na din tapos teacher, boss at kung sino-sino pang tao diyan sa paligid mo. Ganon siya.

Pagbukas ko ng locket agad kong kinuha ang salamin na nakapatong sa bedside table. Bumulaga sa akin ang mukha ni Soonyoung—ko—na kagigising lang. Gulo-gulo pa ang buhok niya at medyo namamaga pa ang mata. May mga higanteng maiitim na eyebags din siya sa paligid ng mga mata niya. Nakatulala siya na parang tinakasan na ng bait.

"O, anyare?" Nagaalalang tanong ko sa kanya. Hindi kaya natuluyan na to? Matamlay pa naman siya nitong mga nakaraang araw.

"Buong gabing umiiyak si Seungcheol. Hindi niya ako pinatulog. Pinagshower niya ako ng uhog at luha. Nakakatrauma yung nangyari." Nakatulala pa ring sabi ni Soonyoung.

"Ano?! Anong nangyari diyan?! Kamusta ka?! Si Seungcheol?! Okay lang ba siya?! Ikaw okay ka lang?! TANGINA, ANONG NANGYARI?!"

"Nagkapaper cut siya sa daliri. Punyeta, ang OA."

Umiling-iling lang si Soonyoung at sandaling tumayo kaya nawala sa frame ng screen—ng salamin.

"Soonyoung?! Soonyoung!"

Bumalik naman siya kaagad at nakita kong gumalaw ang paligid ng salamin. Mukhang dadalhin niya yung salamin niya sa kung saan. Napatigil naman ako ng makita ko ang pinto sa kwarto ni Seungcheol. Pumasok siya dun at inilapag ang salamin sa may study table.

Umakyat si Soonyoung sa kama at tumalon talon doon.

"Argh, Jihoon!"

Napatigil ako ng marinig ko ang boses na yun.

"Seungcheol, may ipapakilala ako sayo. Gumising ka na diyan." Sabi ni Soonyoung at hinila paupo si Seungcheol.

Napakamot lang si Seungcheol at naiinis na tiningnan si Soonyoung.

"Ang aga aga pa e!"

Itinuro ako—yung salamin ni Soonyoung.

"Nakaskype kami."

Skype daw.

Agad namang napatakip ng mukha si Seungcheol.

"H-hindi pa ako naghihilamos!"

"Okay lang yan, dali. Gusto ka niyang makita."

Hinila ni Soonyoung si Seungcheol papalapit sa salamin, pagkatapos ay tinanggal niya ang mga kamay nito na nakatakip sa mukha. Pareho silang humarap ni Soonyoung sa salamin.

Napatigil ako ng bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko ng may konting kirot na naman doon. Nagkatinginan kami ni Soonyoung ng makita ko siyang napahawak din sa dibdib niya.

So, pareho kaming nakakaramdam nito?

"Uhm hi?" Bati ni Seungcheol kaya napabalik ang tingin ko sa kanya.

"H-hello..."

"Ikaw ba ang boyfriend nitong si Uji ko?" Tanong niya sa akin sabay akbay kay Soonyoung. Ngumiti siya sakin na ipinagmamalaki ang gilagid niyang nakakasilaw.

Hindi ko alam pero biglang tumulo ang luha ko. Agad kong isinara ang locket at itinabi ang salamin sa drawer ko. Napatakip ako ng mukha ng bigla akong napahagulhol.

Sobrang sakit ng dibdib ko.

————————

"Soons? Soonyoung..."

Nagising ako ng may maramdaman akong mahihinang tapik sa pisngi ko. Bumungad sa akin ang nagaalalang mukha ni Scoups. Nakatulog pala ako habang umiiyak kanina.

"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?" Nagaalalang tanong niya sa akin at inilalayan akong umupo sa kama.

Umiling ako sa kanya.

"M-may naalala lang ako—" Napatigil ako ng bigla na namang sumakit ang dibdib ko. Napahawak ako dun at napapikit.

"Soonyoung! Ayos ka lang?! Dadalhin kita sa ospit—"

"Wag na. K-kaya ko naman. Pwede bang i-iwan mo muna ako?"

Sandali pa siyang nagalinlangan. Nakita kong dumaan ang sakit sa mga mata niya pero itinago niya agad yun. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ako sa noo bago ako iniwang magisa dito sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito. Nakuha ko naman ang gusto ko diba? Si Scoups, mahal niya ako. Hindi pa ba yun sapat? Ano bang gusto ko? Ano ba talaga ang gusto ko? Bakit sumasakit ang dibdib ko ng ganito?

Mas masakit pa to kaysa sa mga panahong sinagot na ni Jeonghan si Seungcheol. Saan nanggagaling to?

Bakit ako nasasaktan ng ganito?

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

Locket Where stories live. Discover now