[Ephemeral] Epilogue

114 4 0
                                    

° Ephemeral °
Arc 3
Epilogue
t h i r d • p e r s o n ' s
countdown to last: one

⭕◀▶◀▶💮◀▶◀▶⭕

"Happy Birthday, Jihoooon!"

Napanganga si Jihoon ng bumukas ang ilaw at bumungad sa kanya ang buong Glee club habang may hawak na cake.

Ang akala niya ay may meeting lang sila sa clubroom, hindi niya alam na may pagantong surprise pala sa kanya. Kahit nga siya mismo ay nakalimutan na birthday niya ngayon e. Napangiti siya ng makita sila Seokmin at Jeonghan na masayahang nakangiti sa kanya. Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Siguro, dahil sa saya. Siguro dahil din sa lungkot.

Kasi dati, si Seungcheol lang naman ang gumagawa ng mga gantong surprises para sa kanya. Kasi nakikita niyang kulang ng isa ang mga kaibigan niya.

Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya kaya agad na nagsilapitan ang mga kaibigan niya para daluhan siya.

"Hoy, ano ba, Ji! Party party tayo ngayon kaya dapat happy lang!" Natatawang sabi ni Seungkwan bago binigyan ng isang malakas na tapik sa likod si Jihoon.

Natawa si Jihoon at agad ding pinunas ang luha niya. Nagulat pa siya ng hilahin siya ng mga ito palabas ng clubroom at ng buong school. Pumara ang mga ito ng bus at sabay sabay silang sumakay du'n.

"Teka, sa'n tayo papunta?"

"Saan ba dapat pumunta ang God of Music na si Lee Jihoon sa birthday niya?" Malakas na tanong ni Seungkwan sa lahat.

"Edi sa karaoke bar!" Pagkatapos ay sinundan ng malalakas na hiyawan na nagpatawa na lang kay Jihoon.

-------

"KaLimutAn mO Na yAn, siGe SigE mAgLibAnG-"

"Boooo!" Natatawang pangaalaska ni Jihoon sa kasalukuyang kumakanta ng 'Hayaan Mo Sila' ng Ex-B. Lolz.

Nakaon pa yung disco light habang nagsasayawan sila Seungkwan sa may bandang harapan habang si Jihoon ay naiwan lang sa upuan at pinapanuod ang kabaliwan ng mga club members niya. Yung iba, mukhang lasing na kasi hindi niya alam na umorder din pala ng mga beer ang mga kaibigan niya.

Siguro nakasampung bote na ng alak yung kumakanta ng Hayaan Mo Sila ngayon. Siguro wala na 'yun sa katinuan.

Masaya na sana si Jihoon sa pagupo lang at sa pagtawa sa mga kasama niya ng bigla siyang mapansin ni Seokmin.

"Oy, Ji, tara na!" Hinila siya nito papunta sa gitna at kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi niya nagawang maialis ang pagkahawak nito sa kamay niya.

Natatawa na lang si Jihoon habang nakatayo lang sa gitna ng mga club members niya na todo sayaw.

"Tara, sumayaw!" Yaya sa kanya ni Seokmin na todo indak na rin sa tugtog.

"Ayoko. Di ako magaling sumayaw."

"Ayoko. Di ako magaling sumayaw."

"Okay lang 'yun, Ji! Wala rin namang magaling sumayaw samin e, kaya nga nasa Glee club kami!"

"Okay lang 'yun! Magaling sumayaw ang boyfriend mo kaya parang magaling ka na ring sumayaw!"

Napahawak si Jihoon sa ulo niya ng may maramdaman siyang kirot dito. Siguro ay dahil sa malakas na tugtog, o di kaya ay sa disco light kaya sumakit ang ulo niya.

"Ji, ayos ka lang?" Napatigil ang iba sa pagsasaya ng makita si Jihoon.

"Sandali lang, magpapahangin lang ako." Paalam niya sa mga ito bago lumabas ng kwarto. Kahit halata ang pagkadismaya sa mukha ng mga kaibigan niya ay hinayaan na lang siya nitong umalis.

Nagpahangin muna siya sa labas at pinanuod ang ilang mga bituin na kumukurap sa langit.

Simula ng magising siya mula sa pagkacomatose, parang palaging may kulang sa kanya. May hinahanap hanap siya na hindi niya alam kung ano.

Siguro ay si Seungcheol.

Siguro din ay hindi.

Siguro ay isang taong nakalimutan niya lang dahil sa head injury na natamo niya dahil sa aksidente.

O pwede ring gawa gawa lang ng utak niya.

Kasi hindi niya talaga alam kung ano ang nawawala. Baka nagooverthink lang siya.

Napabuntong hininga si Jihoon. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Birthday niya ngayon, dapat nga masaya siya. Pero hindi niya magawang maging isang daang porsiyentong masaya. Isang taon na ang lumipas ng mawala si Seungcheol pero hindi pa run siya makamove on sa kalungkutan.

O baka may iba pang dahilan kung bakit siya malungkot.

Hindi niya alam kung ano 'yun pero isang bagay lang ang alam niya, hindi siya nito hinahayaang matulog ng mahimbing sa gabi, magsaya ng walang inaalala.

Napailing si Jihoon sa mga pinagiisip niya.

"Mas maganda na rin sigurong makinig sa kanta ng ExB kaysa magoverthink ako dito sa labas." Natatawang bulong niya sa sarili bago tumayo at napagpasyahang pumasok sa loob.

Sa loob ng karaoke bar, marami pang ibang kwarto na pwedeng rentahan at ang kanila ay nasa bandang dulo kaya hindi maiiwasang mapadaan siya sa iba pa. May maliliit na salaming bintana sa bawat pinto kaya maaaring masilip kung ano ang ginagawa sa loob.

Napadaan siya sa isa sa mga pinto at napatigil siya sa narinig.

"Kwon Soonyoung, ampanget talaga ng boses mo! Hahahahaha!"

Soundproof ang bawat kwarto kaya hindi maintindihan ni Jihoon kung bakit narinig niya 'yun. Dahan dahan siyang umikot at sumilip sa salaming bintana para makita ang nasa loob.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi malamang kadahilanan. Napahawak siya sa dibdib ng bumilis pa lalo ang tibok nito ng makita niya ang isang lalaki may hawak na mic na todo sa pagkanta at pagsayaw.

May ngiting sumilay sa mga labi niya habang pinapanuod niya ang nakakatawang pagkanta ng lalaki.

"Jihoon, anong ginagawa mo diyan?"

Napatalon si Jihoon sa gulat at agad na napatingin sa bagong dating. Nagtataka lang siyang tiningnan ni Jeonghan habang nakahawak siya sa kanyang dibdib at habol ang paghinga.

"May problema ba, Ji?"

Hindi niya pinansin si Jeonghan at muling sumilip sa loob. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakatingin na sa kanya yung lalaki na singkit pala ang mga mata. Agad na hinila ni Jihoon paalis si Jeonghan para takasan ang tingin ng lalaki at para na rin siguro takasan ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"Jihoon, anong nangyayari? Okay ka lang?" Nagaalala at naguguluhang tanong ni Jeonghan sa kanya.

"W-wala. Okay lang ako." Sagot naman ni Jihoon. Natanaw na nila ang kwarto nila ng biglang may humawak sa kamay ni Jihoon at hilahin siya.

Nanlalaki ang matang napaharap si Jihoon sa lalaking humila sa kanya at naramdaman niyang nagwala ang puso niya sa loob ng dibdib niya.

Hinihingal na tiningnan siya ng lalaki.

"K-kilala ba kita?"

Kwon Soonyoung...

"H-hindi."

"Kung ganon, bakit parang kilala kita, Lee Jihoon? B-bakit... Bakit parang dapat kitang makilala?"

Alam ni Jihoon na sa loob-loob niya ay ganon din ang nararamdaman niya.

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

Locket Where stories live. Discover now