[Ephemeral] Autumn

78 2 0
                                    

° Ephemeral °
Arc 3
Autumn
w o o z i

⭕◀▶◀▶💮◀▶◀▶⭕

"Pagdating ng taglagas, maubos man lahat ng dahon sa lahat ng puno, hinding hindi mauubos ang pagmamahal ko para sayo."

Napailing na lang ako sa banat ni Soonyoung.

"Talaga lang, ha?"

"Oo naman! Kapag binuksan mo 'tong puso ko, puro Jihoon lang laman nito. Ayiieeeeeeeee~" Isiniksik niya ang sarili niya sa akin habang sinusundot ang tagiliran ko.

"Oy, tumigil ka nga! Wala tayo sa kwarto mo!" Natatawang sabi ko sa kanya habang pilit na umiiwas.

"May mga rooms dito, gusto mo, dun muna tayo?" Sinabayan niya pa ang alok niya ng pagtaas-baba ng kilay kaya inilayo ko na lang ang sarili ko sa kanya.

"Mukha mo."

Nagpout lang siya at tumungo sa table habang nakatitig sa akin. Tinitigan ko na lang din siya kasi medyo boring pa dahil nagbibigay pa ng speech yung principal. Hindi naman halata na mahilig talagang magpseech yung principal nila, promise hindi talaga.

"Jihoon, pag may ibang nagyaya sayong sumayaw, papayag ka ba?" Tanong niya sa akin.

Kunwari ay nagisip pa ako para asarin siya kahit alam ko naman na talaga ang sagot sa tanong niya.

"Oo, yata?" Sagot ko.

Lalo lang humaba ang nguso niya.

"Ako yung date mo tapos, makikipagsayaw ka sa iba?!" Nakabusangot niyang sabi.

"O, bakit, kapag may nagyaya din naman sayo, papayag ka din."

"Hindi a. Hindi kita iiwanan dito kasi dapat satin lang tong gabing to e. Pero mukhang ipagpapalit mo pa ako." Sabi niya bago umayos ng upo at masamang tinitigan yung mesa.

Pinigil ko ang tawa ko. Bakit ang cute cute ng tingin ko sa kanya? Feeling ko, siya talaga ang cute sa aming dalawa e. Parang gusto ko siyang isako tapos ilagay na lang sa bulsa ko habang buhay.

"Soonyoung, teka, may nagaaya ata sa aking sumayaw." Parinig ko sa kanya.

Lumingon agad siya sa akin bago hinanap kung sino man yung taong gusto akong isayaw.

"Sino?"

"So Kwon Sunyang." Natatawang sagot ko.

Sa una, mukhang hindi niya nagets at dumilim ang mukha niya, pero kalaunan ay sumimangot na lang siya.

"Ang panget mo magjoke." Sabi niya bago tumayo at umalis.

Napanganga naman ako. Nagalit?

Sinundan ko siya ng tingin at nakita nong papunta siya sa stage kung saan kasalukuyang nagi-speech ngayon yung principal. Nagusap silang sandali ng principal bago siya bumalik sa akin. Napakunot ang noo ko. Anong ginawa ng taong to dun?

Locket Where stories live. Discover now