[Paradise] Realization

91 3 0
                                    

° Paradise °
Arc 2
Realization
w o o z i

⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪

"Makulit lang talaga 'yung si Chan. Soonyoung, ayos ka lang ba talaga?" Tanong ni Scoups habang may hawak hawak na ice pack na nakalapat sa noo ko. Nagkabukol kasi ako dahil dun sa ginawa ng bata. Medyo masakit pa rin at namamaga na yung noo ko pero ayos lang.

At least that blow knocked some sense sa utak ko.

Nakakahiya ako. Mas may alam pa sa akin ang batang kagaya niya. Isang seven year old ang nagsabi sa akin ng tamang gawin. Kung pwede ay magpapabato uli ako ng libro sa noo ko para lang tumino na talaga ang utak ko. Sa tingin ko nga ay kulang pa ang isang bukol. Kulang na kulang pa yun para sa sobrang dami ng kasalanan na nagawa ko. Siguro kung pagsasama-samahin ay baka magkahead concussion pa ako. O baka tuluyan ng mabasag ang bungo ko. Kay Scoups pa lang ay napakalaki na ng kasalanan ko.

Ginamit ko siya. Ginamit ko si Scoups. Hindi ako ang mahal niya kundi si Soonyoung. Hindi rin naman siya ang mahal ko kundi si Seungcheol. Hindi namin mahal ang isa't isa pero heto kami at magkasama. Minsan nakakatawa na kung paano laruin ng tadhana ang buhay ko e. Tangina, tawa siguro siya ng tawa ngayon.

Pinaglalaruan niya ako. Pinaglalaruan niya kami.

Bakit ba sa tadhana ko to isinisisi? Ako lang naman ang may kasalanan nito e. Sarili kong desisyon to. Ako ang may gawa nito. Ginawa kong rebound si Scoups kahit hindi naman dapat. Pero gusto ko lang din namang sumaya e. Kahit niloloko ko na ang sarili ko. Kahit pwede na akong makasakit ng iba.

Pagibig pa rin ba to? O, desperasyon na lang?

Nakakahiya ako. Ngayon, gusto ko nang itama ang mga mali ko. Kahit mahirap, kahit masakit. Kailangan kong ipaalam kay Scoups na hindi siya ang mahal ko.

"Scoups?" Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Saglit niya inilagay sa mesa ang ice pack bago humarap sa akin.

"M-may kailangan akong aminin sayo."

"Ano yun?" Nakakunot ang noong tanong niya sa akin.

Jihoon, kailangan mong gawin to. Kailangan mong itama lahat ng mali mo. Kahit sa pagiging tapat man lang ay hindi ka bumagsak.

"Kasi—"

Napatigil ako ng may marinig akong doorbell. Saglit akong tiningnan ni Scoups bago pumunta sa pinto at pinagbuksan yung kumakatok. Saglit siyang nakipagusap sa tao sa labas bago isinara ang pinto at bumalik sa tabi ko.

Ipinakita niya sa akin ang isang tupperware na may lamang kakanin.

"Iba ka talaga, Soonyoung. Pati mga elderly ay naakit mo. O ayan, para daw sayo." Tumatawang sabi niya bago inilagay sa harap ko ang tupperware.

Napapikit ako ng marinig ko ang masaya niyang mga tawa. Bakit kailangan ko pang sirain ang mga tawang yun? Bakit kailangan ko pang kunin sa kanya yung kasiyahan niya?

Tangina ka kasi, Jihoon. Tama yung bata. Masyado kang self-centered.

"Soons? Okay ka lang? Masakit pa rin ba?" Tanong ni Scoups bago ko naramdaman ang mga kamay niya sa pisngi ko.

Locket Where stories live. Discover now