[Ephemeral] The Missing Escape Route

79 3 0
                                    

° Ephemeral °
Arc 3
The Missing Escape Route
t h i r d  •  p e r s o n ' s
countdown to last: four

⭕◀▶◀▶💮◀▶◀▶⭕

"Sigurado ka bang 'yun ang ibig niyang sabihin?" Naguguluhang tanong ni Jihoon. Mabilis naman na tumango si Seungcheol sa kanya bilang sagot.

"Ganito kasi 'yung napapanuod ko sa mga Sci-Fi at Fantasy movies! Papatayin nila tayo, Jihoon, kasi nalaman natin na may gan'tong powers sila!" Nanghihilakbot na sagot ni Seungcheol.

Tumango tango na lang si Jihoon kahit hindi siya kumbinsido sa paliwanang ni Seungcheol.

"Umalis na tayo dito."

Lumabas silang dalawa sa kwarto sa pamamagitan ng isa pang pinto sa may bandang dulo nito. Tumambad sa kanila ang mahabang dining area na may at least isang daang upuan. Nilagpasan nila ito at lumabas pa uli ng isa pang pinto. Nakarating sila sa isa na namang magarang hallway. Sinundan lang nila yun at nilagpasan ang ilan sa mga pinto. Sa dulo ay me'ron na namang panibagong pinto at lumabas sila du'n.

At isa na namang panibagong hallway.

"Jihoon, mukhang wala 'atang katapusan 'tong mansyon na to!" Hinihingal na komento ni Seungcheol.

Hindi pa rin sila sumuko at patuloy na naglakad papunta sa dulo ng hallway. Me'ron na namang isang malaking pinto.

"Sana ito na 'to..." Bulong ni Seungcheol.

Pagbukas nila, isa pang malaking hallway.

"Argh! Ayoko na!" Inis na sabi ni Seungcheol at umupo sa sahig. Ginaya na lang siya ni Jihoon dahil pagod na rin naman ito.

"Baka hindi na tayo makalabas dito... Or worst, baka mahuli nila tayo at mapatay..." Malungkot na sabi ni Seungcheol.

"'Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Hinihintay ka ni Jeonghan sa kabila." Saway ni Jihoon dito. Napabuntong hininga silang dalawa.

"Sana nga." Bulong ni Seungcheol.

Napakunot ang noo ni Jihoon.

"O, bakit?" Tanong nito.

Nakita ni Jihoon kung paano dumaan ang lungkot sa mukha nito.

"LQ kami, e. Nagselos kasi ako du'n sa isang friend niya." Sagot nito at napakamot sa ulo.

Naparolyo ng mga mata si Jihoon.

"Seriously? Literal 'ata na anghel 'yung taong 'yun e!"

"E kasi, sobrang close nila nu'ng friend niyang si Mingyu. Tapos daig niya pa 'ata ang asawa kung alagaan niya e." Maktol ni Seungcheol at humaba ang nguso. Napailing na lang si Jihoon sa kanya.

"Nanay 'kamo." Sabi ni Jihoon.

"Huh?"

"Alam mo, si Jeonghan, parang nanay lang talaga 'yun. Ewan ko nga e, kasi pati ako napaamo nu'n. Kaya Cheol, 'wag na 'wag kang magpakatanga uli at awayin siya kasi kapag ginawa mo 'yun, ako talaga ang hahampas ng gitara sa'yo." Seryosong sabi dito ni Jihoon habang nakahalukipkip.

"Ako ba talaga ang best friend mo?! Bakit hindi ka sakin kumakampi?" Nakangusong tanong nito.

Binato siya ni Jihoon ng sapatos. Pero imbes na magalit, ngumiti pa ito ng pagkatamis tamis bago dinamba si Jihoon ng mahigpit na yakap.

"Ayiieeeeee~ namiss ko 'tong tsundere na Ujiq!" Sabi nito at kiniskis ang pisngi sa pisngi niya. Pinipilit siyang itulak ni Jihoon pero hindi pa rin maikakailang may na ngiti na sumilay sa labi niya.

Locket Donde viven las historias. Descúbrelo ahora