[Paradise] How to be Kwon Soonyoung; Handling Stalkers?!

96 3 0
                                    

° Paradise °
Arc 2
How to be Kwon Soonyoung; Handling Stalkers?!
w o o z i

⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪

"Excuse me, nakita niyo ba yung nakaupo dito kanina?"

"Ah, yung magilagid?"

"Pfft—oo yun nga."

"Umalis na e, kanina pa. Mukhang nagmamadali."

Yun ang naaalala kong paguusap namin ng katabi ni Scoups kanina. Pagkatapos ko bumaba ng stage ay hinanap ko kaagad siya, pero hindi ko na nakita. Tapos dumagdag pa yung mg gustong magpapicture at magpautograph. Pati yung nagbibigay ng mga letters at mga regalo. Natagalan tuloy lalo ako sa gymnasium. Hapon na rin ng makalabas ako. Hinanap ko si Scoups sa kung saan saan, nasuyod ko na ang buong school pero hindi ko siya nakita. Naisip ko na umuwi na lang.

Napabuntong hininga na lang ako at inadjust ang strap na backpack ko sa balikat ko. Madilim na rin, natagalan kasi ako sa paghahanap kay Scoups, hindi ko rin naman siya nakita. Inilabas ko ang phone ko at inilawan ang daan. May sira kasing mga streetlight sa kalsada pauwi sa amin kaya medyo madilim.

Napalingon ako ng bigla akong may narinig na kaluskos mula sa likod ko. Walang tao, pero may nakita akong anino ng nagtatago sa likod ng puno. Bumilis ang tibok ng puso ko at nagsimula na lang uli na maglakad.

Shit. Shit. Shit. This is not how I should die.

Binilisan ko pa ang paglalakad ko at narinig kong bumilis din ang mga hakbang sa likod ko. Napakapit ako sa strap ng bag ko at matapang na hinarap ang humahabol sa akin. Nagulat ako sa nakita ko. Meron siyang puting maskara na tumatakip sa buong mukha niya. May hawak din siyang chainsaw na naririnig ko ang ugong. Umaalingasaw din ang masansang niyang Amoy. Papatayin niya na ako—papatayin niya na ako!

Jok, hindi talaga ako lumingon.

TANGINA HINDI AKO BIDA SA ISANG SUSPENSE/THRILLER FILM KUNG SAAN MAGPAPAKATANGA AKONG HARAPIN YANG TANGINANG STALKER KO OKAY.

Binilisan ko pa ang lakad ko at nagsimula ng magdasal. Ayoko pang mamatay. Marami pa akong pangarap. Gusto ko pang makabili ng Lamborghini. Gusto kong matry makasakay sa Limousine. I wanna be a billionaire, so fucking bad. Buy all of the things I never had. I wanna be in the cover of Forbes Magazine. Together with the Opra and the queen.

Oh everytime I close my eeeeyes~
I see my name in shining light—

Teka bakit ba ako kumakanta. Kaya ko nga palang kausapin si Soonyoung sa utak ko. Shet sana gumana.

Soonyoung? Soonyoung?

Jihoon? O bakit?

Tangina may humahabol sa akin!

Huh?!

Locket Where stories live. Discover now