[Paradise] Dead End

92 3 0
                                    

° Paradise °
Arc 2
Dead End
w o o z i

⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪⚫⚪

10pm. Wala pa rin si Scoups. Nagsisimula na akong magaalala dahil hindi pa rin siya umuuwi. Tinadtad ko na ng texts at ilang beses ko ng tinawagan pero hindi sumasagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung si Seungcheol lang sana ang kasama ko, kabisado ko ang mga lugar na pinupuntahan niya. Malalaman ko kaagad kung saan siya nagpunta kapag may ganitong nangyari.

Pero si Scoups ay hindi si Seungcheol. Magkaiba sila. At wala akong ni katiting na alam tungkol kay Scoups.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Scoups dahil sa akin. Nanlulumong naglakad ako papalapit sa study table at umupo sa upuan. Kumuha uli ako ng kapirasong papel at ballpen sa drawer.

Apologies, apologies,
When the raindrops touch the daisies
Apologies, apologies,
For the heart I have broken into pieces

I am deeply sorry,
For all the times I've got you weary
For the eyes I have turned to teary
For how you treated me so dearly
Yet I've cause you pain and worry
I am so dumb for acting so fiery
Desperation made my sight blurry
I am deeply sorry, I am very sorry

Apologies, Apologies
For the wonderful time you filled with bliss
Apologies, Apologies,
For the daisies' lips met the raindrops with a kiss

I'va painted your cheeks with the sorrowful stain of tears
I've ruined the happiness you've been holding for years
I've filled your heart with countless fears
The sound of crying, of heart breaking lingers in my ears

Apologies, Apologies
For the fantasy of love I have to cease
Apologies, Apologies,
For hurting such a beauty, the raindrops' daisies.

Maingat kong itinupi ang papel at pumasok sa kwarto ni Scoups. Inilagay ko ang papel sa study table ni Scoups. Saglit akong tumigil para titigan ang buong paligid. Nakita ko ang picture nilang dalawa ni Soonyoung na masayang nakangiti. Sinira ko yun. Sinira ko yun.

"Sorry..." Naibulong ko sa hangin bago lumabas ng kwarto at ng bahay.

Madilim na ang paligid dahil mageeleven na rin ng gabi. Malamig pero ininda ko. Kailangan kong hanapin si Scoups. Pumunta ako sa malalapit na convenience stores, pati sa mga parks at sa kung saan saan pa.

Locket Where stories live. Discover now