[Bestfriendzoned] OPLAN: Pasagutin si Jeonghan; the meeting

111 4 0
                                    

° Bestfriendzoned °
Arc 1
OPLAN: Pasagutin si Jeonghan; the meeting
w o o z i

⭐★⭐★⭐★⭐★⭐★

"Next week yung club fair, next week ko din balak pasagutin si Jeonghan."

Napatigil ako sa pagsusulat ng mga lyrics ng kinocompose kong kanta ng marinig ko ang sinabi niya. Napaangat ako ng tingin sa kanya.

Nakatingin lang siya sa bintana, dreamily, at nakangiti sa kanyang sarili. He looked so peaceful and serendipitous that he made it harder for me to tear my gaze away. He looked so wonderful, being like this.

I'm sure, naiimagine na naman niyan si Jeonghan.

Jeonghan, Jeonghan, Jeonghan.

Akala ko ba ako ang bida sa story na ito? Bakit puro Jeonghan? Karamihan sa mga Wattpad stories, perfect yung bida. Na parang si Jeonghan. Tapos mahal siya ng mahal niya. Pero bakit ako, hindi man lang magawang tingnan ni Seungcheol katulad ng pagtingin niya kay Jeonghan?

Bakit kahit wala naman si Jeonghan sa harap niya ay napagangiti pa rin siya ng ganito? Bakit kahit ako ang kasama niya, si Jeonghan pa rin ang tumatakbo sa isip niya?

You want an honest truth, Jihoon? Hindi ka niya mahal.

Hindi niya ako mahal. Si Jeonghan ang mahal niya.

"Gusto ko kasing mawitness ng lahat ang araw na yun. Tsaka, para hindi na siya makatanggi pa." Dagdag ni Seungcheol bago tumingin sakin. Yumuko uli ako para ipagpatuloy ang pagsusulat ng lyrics. Pero hindi ko na magawa. Napatitig na lang ako sa unfinished line na dapat ay dinudugtungan ko na.

Asan na yung mga salitang nasa isip ko kanina?

"Jihoon, sabi mo tutulungan mo ako diba?"

"Hmm." Sagot ko.

"Pwede ka bang kumanta sa araw na yun?"

Napatingin ako sa kanya.

"Kakanta ako para sa inyo ni Jeonghan?" Paglilinaw ko.

Ngumiti siya sakin at tumango-tango. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa mesa at agad akong napatingin dun.

"Pwede naman diba? Para sa paborito mong bestfriend?" Sabi niya na may pabeautiful eyes pa.

"A-ah. Yun lang pala. Ano, s-sige."

———————

"Simple?" Paguulit ni Seungcheol sa sinabi ko.

Tumango-tango ako sa kanya. Ipinakita ko yung printed lyrics nun at iniabot sa kanya.

"Ilaw nagcompose?" Tanong niya uli habang iniiscan yung lyrics na ibinigay ko sakanya. Tumango lang ako sa kanya habang pinaglalaruan yung ballpen sa mga daliri ko.

"Wow!"

"Nagustuhan mo?" Tanong ko at pinanuod ang reaction niya.

"Nagustuhan?! No, I love it!" Tuwang-tuwa niyang sabi at niyakap ako ng mahigpit.

At least nagustuhan niya. That's more than enough for me. Actually, siya ang inspiration ko habang ginagawa yun, pero hindi na mahalaga kung kantahin ko man yun para sa kanila ni Jeonghan.

At least naman diba, mapapakinggan niya yung kantang para talaga sa kanya. Kahit hindi direct na kinanta ko para sa kanya, okay na yun. Mapapasaya ko siya, na siya namang purpose ng kanta kaya okay na.

Kinuntsaba niya kaming mga kaibigan niya para sorpresahin si Jeonghan sa araw ng club fair. Nagsimula na kaming maghanda.

Busy na sa mismong pagpaplano ng club booth, busy pa sa pagpaplano ng mga pakulo ni Seungcheol.

Dito pa sa mismong clubroom ng Glee Club napagpasyahan ni Seungcheol na magmeeting. Meron pa siyang pinagawang banner na may nakalagay na 'OPLAN: Pasagutin si Jeonghan' at idinikit yun sa whiteboard.

"Okay, so si Uji beybeh na ang bahala sa background music, si Chan at Minghao na ang bahala sa mga flower arrangements at sa spotlight blah blah blah..."

Nakatungo lang ako sa handouts na ibinigay ni Seungcheol na nalalaman ng mga pakulo niya. Ngayon ay binibrief niya naman kami sa actual na mangyayari. Napabuntong hininga ako.

Daig niya pa ang magpepresent ng proposal para sa isang kompanya e. O kaya, yung magpropopose talaga ng kasal.

Teka, wala pa palang napagpaplanuhang booth ang club namin. Busy kasi ako kakaasikaso dito kay Seungcheol. Maghohold na lang ako ng meeting mamaya pagkatapos nito.

"Jihoon! Stop slacking! We're on the middle of a meeting here!" 

Napaangat ang tingin ko kay Seungcheol nang magtaas siya ng boses at nakita ko ang inis sa mukha niya.

"Ang boring mo kasi." Sagot ko. I meant that as a joke, pero mukhang sineryoso niya dahil mas dumilim ang mukha niya.

"Why don't you try to be me and do everything I am doing?!" He slammed his fist on the table, making everyone around us jump on their seat.

"I am not gonna bury myself with this foolishness, if I were to be you." I also stood up, both of my hands laid flatly on the table. Ayokong salubungin ang init ng ulo niya, but it is my pride on the risk here. Clubroom pa naman to ng club ko. Isn't that a little bit disrespecting?

"Did you just call this foolishness?" He asked. Voice a little deeper than the usual. His hand turned into a fist, almost as if ready to give me a punch.

"I did."

I stormed out of the room the moment I've said that.

"Jihoon!"

Tumakbo ako ng mabilis para hindi niya ako maabutan. Seungcheol's legs may be longer than mine, but he can't catch up with me when it comes to running. He may be tall, but he's clumsy and he doesn't have enough physical stamina to support his body.

That's why I am his bestfriend. I won't run from him so that he can always catch up with me. But hey, today's story doesn't require my foolish self, my unrequited love for him. Kailangan ko munang lumayo, I'm exhausted and stressed and shocked and just plainly hurt. Ayoko nang makipagaway pa sa kanya.

Mabuti na yung lumayo ako. Pareho kaming pagod, at kapag nagkasagutan kami ay baka sa isa't isa namin maibuhos lahat ng stress.

Hindi ko naman siya sinsisi. Hindi naman ako nagrereklamo. Talagang nainis lang ako kanina kasi sobrang pagod na ako at wala pa akong gaanong tulog plus tinaasan niya ako ng boses.

It never happen really, me and Seungcheol fighting. Siguro ay nagulat din ang mga kasama namin non sa clubroom. Nagaasaran kami ni Seungcheol, yes, nagbabatukan, we can even kill each other while smiling in front of other persons and they would think we're just having a friendly and fun trip to underworld. Pero iba ngayon. The tension is real.

Umakyat ako sa rooftop para magpahangin at para mapakalma ang sarili ko. Baka kailangan ko din ng pahinga.

Maybe I needed rest from him and his 'OPLAN: Pasagutin si Jeonghan'.

〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

Locket Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon