CHAPTER 1

5.6K 114 0
                                    


ERIER

January 1997

Palubog na naman ang kanilang araw at kulay kahel na ang buong paligid. Pinagmamasdan ko ang repleksyon nang aking kamay sa salamin nang sliding door. Binuksan ko ito at tumapak sa sahig nang verandah sa labas. Naglakad ako sa railings, sumandal at pinagmasdan ang kapayapaan nang buong paligid.

Ilang linggo na ang nakakaraan nang marating ko ang planetang ito. Hanggang ngayon manghang-mangha pa rin ako sa aking mga nakikita. Pinikit ko ang aking mga mata at sinamyo ang banayad na hangin na tumatama sa aking katawan.

Ako nga pala si Erier. Isa akong Xyle-ver alien at may misyon ako. Nagmula ako sa planetang Xyleveria. At billion light years ang layo namin mula rito. Nasa isang solar system kami kasama nang tatlo pang uninhabitable planet at umiikot sa isang dwarf star.

Nagpunta ako rito sa Earth na may anim na kasama. At kami ay isang expedition team na ipinadala nang aming planeta. Ako ang may pinaka-mahalagang papel sa lahat dahil isa akong subject para sa misyon.

Kailangan kong maghanap nang isa pang subject dito at ito ay isang babaeng tao. May kailangan kami sa kanyang katawan na gagamitin sa isang mahalagang eksperimento.

Ang genetic engineer nang aming planeta ay nagbabalak gumawa nang isang nilalang na makakatulong sa aming society balang araw. Isang hybrid na pinag-samang DNA nang human being at Xyle-ver.

Maraming alien race ang naging kandidato para sa eksperimentong ito ngunit sa bandang huli, ang human race pa rin ang pinaka-perfect species dahil eighty percent compatible sila sa aming DNA. Kung kaya't naglakbay kami nang ubod nang layo marating lang ito.

Sa totoo lang, sa simula palang ng aming training para sa misyong ito ay nagtataka pa rin ako. Na bakit kailangan nang aming mga genetic engineers na gumawa nang isang hybrid. Hindi ito binigyang pansin nang aming expedition team dahil ang kailangan lang naman daw naming gawin ay ang mag-pokus sa misyon. Nalaman ko rin na pangalawang beses na pala ang misyong ito at yung nauna matagal nang ginawa ngunit hindi nila sinabi kung nagtagumpay ba o hindi. Seryoso ang gobyerno nang aming planeta dahil nagkaroon nang global audition at milyong lalakeng Xyle-ver ang sumali at siyempre, ang inyong lingkod ang naging ultimate winner. 

Sa ngayon, wala na ang mga agam agam na iyan dahil ang mahalaga, ay totoong naririto na nga ako sa Earth. Wala nang mas tatamis pa sa tagumpay na natamasa ko kundi ang marating ang planetang ito, na matapakan ang lupa at ngayon, masamyo ang kakaiba nitong hangin.

Binigyan ako ng aking mga kasama ng pagkakataong magsagawa ng isang buwang assessment dito sa lupa at nalaman kong malaki pala ang pagkaka-iba nito sa aming planeta. Una-una umiikot kasi sa aksis ang planetang Earth kaya nila nararanasan ang araw at gabi. Landlocked naman ang aming planeta kung kaya't may parteng permanente ang araw at may parteng permanente ang gabi.

Halos walang pinagkaiba ang gravity niya sa amin kaya hindi banta sa aking kalusugan ang pananatili rito. Mas healthy ang kanilang atmosphere kaya siguro hitik sila sa mga flora and fauna. Ngunit kahit ligtas ang kanilang kapaligiran, ay pinoprotektahan pa rin ang aking katawan ng human shell. Hindi ito ang totoo kong itsura, protocol kasi ng misyon na kailangang itago ang aking physical Xyle-ver form. Gagawin namin ang misyon dito sa Earth na malinis at walang taong makaka-alam ang tungkol sa existence namin.

Itinaas ko ang aking mga kamay para uminat sa harap nang railings.

"Hoy kumag!" ibubuka ko na sana ang aking bibig para humikab.

Napa-pikit ako ng aking mga mata at nairita sa boses na iyon na bigla nalang sumulpot. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ang 3d hologram nang aming lalakeng pinuno, si kapitan Okron. Nakahalukip-kip pa ang walanghiya, ano na naman ba ang problema nito. Magmula training hanggang makarating kami rito sa Earth ay hindi ko talaga ito nakasundo kahit kailan.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Onde histórias criam vida. Descubra agora