CHAPTER 22

2.4K 28 0
                                    


ERIER

Tumili si Iris nang malakas. Sakit pa nga sa tenga eh. Nabalutan ako nang armor sa mukha at alisto ko agad siyang binaba. Kumaripas naman siya nang takbo sa kaliwang direksyon.

Bumulalas ang dalawang halimaw sa aking harapan ngunit tinamaan sila nang lazer beam, na ikina-sorpresa ko pa. Hinanap ko kung sino ang may gawa nun. Si kapitan Zegyr pala, sumaludo siya sa akin. Tumango ako sa kanya sa di-kalayuan at hinampas ang aking braso.

Sumugod ang natitirang halimaw ngunit nagawa kong tumambling upang maiwasan ang mga ito. Mabilis akong nagtago at nakita kong hinahanap na nila ako sa paligid. Saka ako nagkaroon nang pagkakataong sumugod sa kanila. Umilaw ang aking binti at tinadyakan ko ang isa gamit nang buo kong lakas. Tumilapon ito sa lakas nang tadyak ko at tumama sa malaking hagdanan nang bahay na halos madurog.

Maingay na ang buong paligid at may nagbabagsakan na ring mga debris. Laban kung laban ang ginawa naming lahat. Nagkalat na ang buong team namin na bawat isa sa kanila ay may kanya-kanya nang kalaban. Nagliliwanag ang buong paligid dahil sa nagsusulputang mga lazer beams pati na sa mga pagsabog. Hinanap ko si Iris pero hindi ko na siya makita. Napupuno na rin kasi nang usok ang aking kinalalagyan. Nakita ko pa si kapitan Zegyr na nakikipag-laban kay Crey na nasa anyo nang halimaw nito.

"Hector nandito ako," tawag ni Iris sa akin.

Nagtago pala siya sa natumbang aparador. Bigla nalang may humablot sa kanyang binti kung kaya't tumili na naman siya sa takot. Sumugod ako at binaril nang lazer beam sa ulo ang halimaw na iyon. Kahit nag-aagaw buhay na sila mababangis pa rin ang mga walanghiya. Binitawan nito ang binti ni Iris na alistong tumayo at yumakap sa akin.

Kahit balot ako nang armor, may naramdaman akong kakaiba sa ginawa niyang iyon. Bumilis kasi ang pintig nang puso ko. Ganito ba ang feeling kapag may nililigtas ka? Kasi parang yun lang ang naririnig ko kahit na maingay ang buong paligid. Mas lalo tuloy umigting ang naisin kong protektahan siya.

Binuhat kong muli si Iris ngunit bigla nalang may humampas sa akin kung kaya't nabitawan ko kaagad siya. Tumalsik ako sa batong dingding ngunit alisto pa rin akong naka-bangon. At pag-bangon ko, si Crey agad ang una kong na-aninag sa di-kalayuan. Siya pala ang may gawa nun, hinampas pala niya ako nang kanyang buntot.

Naglakad ito patungo kay Iris at bigla akong kinabahan. Hinampas ko ang aking braso at simbilis ng kidlat akong tumakbo patungo sa kanya. Umilaw ang aking binti at tinadyakan siya mula sa kanyang likuran.

Tumalsik ito ngunit naka-tayo pa rin. Dali dali akong lumapit kay Iris at binit-bit ko itong muli.

"Sa likod mo Hector!" sigaw niya.

Mabilis kong itinaas ang aking kamay at binuka ito. Nabalutan kami nang asul na force field. Sunod- sunod kaming pinatamaan ni Crey nang lazer beam. Nawasak ang sahig na kinatatayuan naming kung kaya't nahulog kaming dalawa sa basement ng bahay. Mabuti nalamang ay mabilis akong naka-balanse pagbagsak namin kung kaya't hindi nasaktan si Iris. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin. 

Nawala ang force field at nakita namin si Crey sa itaas mula sa butas. Tatalon sana ito pababa, patungo sa amin nang biglang lumitaw si kapitan Zegyr at sinipa siya nang ubod lakas. Lumapit si kapitan sa butas at sinenyasan kami na tumakas na. Naunawaan agad ni Iris kahit senyas lang ito kung kaya't mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkaka-yakap sa akin. Tumalon ako nang ubod taas at bumalik kami sa sahig sa unang palapag.

Nakita ko ang wasak na dingding nang bahay sa di-kalayuan at natatanaw ko na ang labas nito. Doon ako tumakbo bit bit si Iris. At habang natakbo, napansin kong marami na rin palang mga Alpha Draconian ang napaslang namin. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala sa buong team.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Donde viven las historias. Descúbrelo ahora