CHAPTER 46

2.4K 23 0
                                    


IRIS

Heto at nakita ko nalang ang aking sariling nakatayo sa lumang tulay. Ito yung lugar kung saan una kaming nagkakilala ni Hector. Wala nang masyadong dumaraan dito ngayon kasi may tinayo nang modernong hi-way na katabi lang nang Poblasyon. Nakasandal ako sa bakal na railings na halos kinakalawang na. Matibay pa rin ang tulay kahit bakas na ang katandaan.

Bigla nalang akong napa-ngiti dahil muli kong ginunita ang mga ala-ala dalawang dekada na ang nakakaraan, dito sa lugar na ito.

Pinagmamasdan ko ang malawak na kapatagan sa di-kalayuan. Kung dati puro bukid ang makikita mo, ngayon may mga bahay na kasi marami ng itinayong subdivision doon. Karamihan sa mga taga San-Francisco ngayon ay maunlad na rin ang pamumuhay.

Dinukot ko ang aking android phone sa bulsa nang aking jumper denim short at binusisi ito. Baka kasi mag-text ang dalawa kong anak. Ngunit natigilan nalang ako nang magkaroon nang static ang screen na akala mo TV lang ang peg.

Bumilis tuloy ang pag-pintig nang aking puso kasi may kakaiba nang nangyayari. Inikot ko ang aking paningin sa buong paligid at nakita ko pa ang itim na SUV na siyang nagdala sa akin dito. Si Melvin ang may-ari nito. Hindi siya bumaba pero hinihintay din niya ang pagdating ni Hector.

Hindi ako makapaniwalang nag-kita sila noong nakaraang sampung taon. Na napa-isip tuloy akong muli, ano ba talaga ang nangyari sa akin ten years ago? Napatitig na naman ako sa kawalan. Inangat ko nalang ang aking ulo at pinagmasdan ang asul na kalangitan.

"Iris!"

Tumigil ata ang tibok ng puso ko nang marinig iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Nagsimulang maghalo-halo ang aking emosyon. Pinikit ko ang aking mga mata at pagbukas, hinanap nito ang pinagmumulan nang boses na iyon. Nagbago ang itsura nang aking kinatatayuan. May lumitaw kasing maliwanag na bagay na bumalot sa buong paligid.

Ilang metro sa harap ko ay may puting sinag na halos kasing laki nang pintuan. At mula roon, lumitaw ang inaantay ko kanina pa, kung kaya't napatakip nalang ako nang aking bibig. Siya na nga, hindi ko maiwasang mapa-bulalas nang pag-iyak. Hindi nagbago ang kanyang itsura, maski ang kanyang buhok, kulay pink pa rin ito. Hindi man lang tumanda ang mokong. 

Humakbang siya palapit sa akin na ang lapad ng ngiti – na bigla nalang natawa at nagtaka ako kung bakit.

"Bakit Hector?" unang salitang sinabi ko sa kanya matapos ang dalawampung taon.

"May kahawig ka na ngayong alien race, yung may malalaking katawan,"

Tumigil ako sa pag-iyak, tignan mo to. Humalukipkip ako nang aking braso. "Sabihin mo nalang kayang mataba na ako!" tinarayan ko nga.

"Whoa!" siyempre nagulat siya. Inangat niya ang kanyang dalawang kamay. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin,"

Inirapan ko nga at bumalik nalang ako sa pag-momoment ko sa railings. "Makikipag-kita ka lang pala para laitin ako,"

Nagulat ako dahil umakbay siya sa akin. Na bigla ko pang ikinamula dahil feeling ko bumalik ako sa pagka-dalaga. May kilig pa rin siya ngunit hindi na kasing wagas noon, siyempre may asawa na kasi ako ngayon.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago!" wika niya. Nakasandal na rin siya sa railings. "Ganitong ganito ka pa rin kagaya nang dati,"

Naka-ngiti ako pero yung mata ko may naiipong tubig na at any moment maaring bumagsak. Nilingon ko siya at pinagmasdan ang kanyang gwapong mukha. Ang chinitong mata na hindi kumukurap. Ang mukhang sing kinis nang mannequin.

"Ang daya mo hindi ka tumatanda!"

Lumingon din siya sa akin. "Part lang ito nang human shell ko. Nasa ika-apat na sequence na ako ngayon, which means, sa planeta niyo nasa late thirties na, ganun. May nagbago rin sa physical look ko kaya nga gusto ko nang palitan etong shell ko,"

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now