CHAPTER 3

3.1K 51 0
                                    


IRIS

Niluwa ko ang maraming tubig habang panay ang ubo ko. Salamat naman at nawala na ang pananakit nang baga ko. Medyo kinakapos pa rin ako nang paghinga ngunit hindi na mahalaga iyon.

Dinilat ko ang aking mga mata at parang may imahe ata sa aking harapan, ngunit hindi ko alam kung ano ba ito. Lumabo kasi pansamantala ang aking paningin. Paulit-ulit akong nag close open nang aking mga mata hanggang sa unti-unti na itong lumilinaw.

Nagulat pa ako, kasi mukha pala nang isang lalake yung imahe. Ang gwapo niya, chinito at ang radiant ng mukha. Napaka-angelic nang kanyang face na feeling ko pa nga, nasa langit na ata ako. Ngunit may napansin agad ako sa kanyang itsura. Hala, bakit ganoon ang kulay ng kanyang buhok, kulay pink.

Napa-bangon tuloy ako mula sa pagkakahiga. Na ikinasorpresa ko nalang dahil nasa ibabaw na pala ako ng tulay, pero bakit ako nakarating dito? Niligtas ba niya ako? Papano niya ginawa yun?

Mas lalo akong nagulat nang mapansin ko ang kanyang kasuotan. Bulak-laking long sleeve ito na sa sobrang bitin, halos makita ko na ang kanyang pusod. Totoo ba to? Naka-leggings pa siya na zebra print. Yung leather booths niya kulay puti at sobrang tulis. Saan nanggaling ang lalakeng ito? Hindi ko pa tuloy maiwasang matawa kahit na't feeling ko, may hang over pa ako sa nangyari. At kahit gwapo pa tong lalakeng to sa paningin ko.

"Sino ka?" tanong ko agad agad.

Hindi siya sumagot, naka-titig lang siya sa akin. Kung maka-tingin siya akala mo hindi ako tao. "Sino ka ba?" tanong kong muli. 

Tahimik pa rin siya kaya bigla nalang akong kinabahan sa taong ito.

***

ERIER

Ngayon lang ako nakalapit nang ganito sa isang human being, sa isang female species nila. Bakit siya tumalon sa tubig? Ginamit ko pa ang aking gadget para lang mahaltak siya doon at maibalik sa lupa. Kung hindi ko ginawa iyon baka namatay siya. Bakit kaya niya ginawa iyon?

Binubusisi ko siya nang mabuti. Maliliit din pala ang mga female species nang human beings. Kawangis siya nang aking human shell kaya nakaka-aliw lang na hindi niya talaga nahahalatang isa akong Xyle-ver na nagkukubli sa loob nito. Bumaling ang atensyon ko sa kanyang buhok at hindi ko maiwasang matuwa, ang haba kasi at kulay itim. Wala kasing buhok ang mga Xyle-ver.

Nagsasalita siya sa akin ngunit hindi ko talaga maintindihan. Ang cute nang tono nang kanyang boses. Na hindi katulad nila Avara at Alta. May kakaiba talaga.

"Poslakythgnateyw," wika niya ulit. Gusto ko sana siyang sagutin ngunit papaano? 

"Hampasin mo ang braso mo nang dalawang beses. Mag ca-calibrate ang language configuration," nagulat ako sa pagsulpot nang boses sa aking isipan. Si Avara pala yun at kinakausap ako gamit ang telepath receiver, isang telecommunications device namin.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, hinampas ko ang braso ko nang malakas. Na ikinagulat pa nang female human being sa ginawa ko. At pagkatapos non, sinubukan kong ibuka ang labi nang aking human shell. 

"Ah...eh! Ma – maayos ka na ba?" bigkas ko.

Sumigaw ba naman siya bigla. "Bakit mo ako niligtas!" napa-upo tuloy ako sa kalsada.

Naiintindihan ko na siya pero bakit bigla nalang siyang nagalit sa akin? Bakit ganoon siya sumagot? Namumula pa yung kanyang mukha sa galit. Ngunit wala naman akong ginagawang masama.

"Matagal ko nang pinag-isipan ito! Bakit – bakit mo ginawa iyon?" wika niyang muli.

Bigla nalang siyang bumulalas nang pag-iyak, nakadama tuloy ako nang takot. Yang pinapakita kasi niyang emosyon, alam din nang mga tulad namin. At bilang isang Xyle-ver marunong din kaming umiyak kapag nasasaktan kami. Ang pag-iyak ay isang negative response. At para sa akin, hindi ito maganda. Ngayon ko rin lang nalamang may pagkakatulad pala talaga kami sa mga human beings.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now