CHAPTER 25

2.5K 30 0
                                    


IRIS

Nananaginip na naman ata ako. Ang gaan-gaan ko raw na para ba akong lumulutang sa alapaap.

"Iris," may tumatawag ng aking pangalan.

"Iris," boses ito nang isang lalake at pamilyar siya sa akin.

Pagmulat nang aking mga mata, mukha ni Albert ang bumungad sa akin. Na gusto ko pang humagulgol nang pag-iyak kasi nalaman kong buhay siya.

"Tulungan mo ako," wika niya. Bigla siyang naglaho at ako naman nagbalik-diwa, nananaginip nga talaga ako.

Pagdilat muli ng aking mga mata, nagtaka ako sa itsura ng aking paligid. Literal nga akong lumulutang. Pero hindi sa ere, may nakikita kasi akong bula kung saan-saan. Bigla akong natauhan dahil hindi ako pwedeng magkamali. Nasa tubig kasi ako at may sumusuporta sa aking katawan na mukhang mga halamang dagat na parang mga alige. Bakit ako nakakahinga? Nasaan ba ako?

Inikot ko ang aking paningin at napansing nasa loob ako nang isang maluwag na kwarto na walang mga kanto, yung ding-ding niya parang may buhay. Nag iiba-iba nang kulay.

"Gising ka na pala girl," wika nang isang boses babae. Hinanap ko ang tinig nito at nanlaki ang aking mga mata.

Nakita ko kasi ang isang serena at palapit ito sa akin. Totoo ba ang nakikita ko? Bakit ko siya naiintindihan? Nasaan ba talaga ako? Tumili ako nang malakas eh kasi naman nabigla talaga ako sa itsura niya at kinilabutan pa.

At ang ikinaloka ko may dumating pang dalawa. Isang kalahating tao pero imbis na buntot o paa, mga galamay naman ang pang-ibaba niya na parang octopus. Yung isa naman may edad na lalake, isang sereno. Nababaliw na ba ako at kung ano-ano na ang aking nakikita?

Na-alala ko ang nangyari sa akin sa tabing dagat. Kung iyon totoo, ito ba totoo rin? Napa-bulalas ako nang pag-iyak kasi wala na akong ideya kung ano na ba ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Kung ano ang paniniwalaan ko. Nakakaloka lang kasi hindi ko maramdaman ang pagtulo ng aking mga luha.

Dahil sa biglaan kong pagpupumiglas natanggal ata ako sa mga halamang dagat na sumusuporta sa akin. Unti-unti akong nahuhulog o lumulubog, basta ang hirap i-explain. Sinalo ako nang serena at mas lalo akong nag-hysterical.

"Huwag po, maawa kayo sa akin!" bulalas ko.

Itinapat niya ang kanyang palad sa aking mukha. Lumiwanag iyon at nakadama nalang ako ng init sa aking buong katawan, yung init banayad. Yung ligalig sa puso ko unti-unting nawawala. Tumigil ako sa pag-iyak dahil naging kalmado na lang ako bigla. Ano kaya yung ginawa niya sa akin?

"Kaibigan ako ni Hector," wika ng serena. Nung sinabi niya yung pangalan na Hector, tuluyan na talaga akong kumalma. "Niligtas ka niya at niligtas naman namin kayong dalawa,"

Inangat niya ako at muli akong bumalik sa mga halamang dagat na sumusuporta sa akin.

"Mga alien din ba kayo?" salitang lumabas sa aking bibig. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata kahit hindi ko naman ito maramdaman.

"Oo, kanina magkasama kami. Humingi kami nang tulong sa iba pang alien na kakilala namin," kumunot ang aking noo. Ibig sabihin madami silang alien dito sa mundo. "Huwag kang matakot girl. Kaibigan kami, misyon naming protektahan kayong mga tao,"

Hinawakan niya ako sa palad. Ang lambot nang kamay niya parang walang tissue at buto.

"Dinukot nang grupong iyon ang mga kasama niya. Humingi kami nang tulong para iligtas sila. Makikipag-laban kami. May mga tao na rin pala silang dinukot," sambit niya.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang