CHAPTER 24

2.4K 25 0
                                    

ERIER

Alisto akong bumangon at nakita kong mausok na ang buong paligid. Hinanap ko kaagad si Iris. Sino ang may gawa nun?

"Mga pake-alamero! Sugurin sila," bulalas ni Crey.

Nakatayo siya ilang metro ang layo sa akin at nakaturo sa madilim na dalampasigan. Nang sinundan ko ito nang tingin. Nagliliwanag ang dagat sa di-kalayuan namin. Gumuhit ang malapad na ngiti sa aking labi dahil alam ko na ang ibig sabihin non, naririto na ang mga Nommos. Sumagot sila sa aking distress call.

Pero bakit pati kami nadamay ata? Sino ba yung nagpasabog sa amin? Ang sakit lang nung pagtalsik ko. Nag-alala tuloy ako sa kalagayan ni Iris dahil tao siya. Tumakbo ako patungo sa kanya nang makita ko na siyang nakahandusay sa buhanginan.

Isa isa nang nag-anyong halimaw ang mga natitirang tauhan ni Crey at sumugod silang lahat sa dagat na nagliliwanag pa ang mga braso. Nag-zoom ang aking paningin at nakita sina Marinagua kasama si sir Pasipiko na naka-sakay sa kanilang war vehicle.

Hinablot ni sir Pasipiko ang trident na hawak ni Marinagua. At mukhang nag-sorry pa ata si Marinagua sa kanyang ama. Umiling muna nang ulo si sir Pasipiko sabay taas nang hawak na trident. Nagdulot ito nang kidlat na gumuhit mula sa madilim na kalangitan. Kasunod nito, sumugod ang isang batalyong Nommos patungo sa amin.

Huminga ako nang malalim sabay baling nang paningin sa mukha ni Iris. Naka-pikit ang kanyang mga mata at may nakita akong dugo sa kanyang noo. Itinapat ko ang aking kaliwang palad sa kanyang mukha at nagliwanag ito. Gagawa sana ako nang force field na babalot sa buo niyang katawan pero bigla nalang siyang umubo.

Doon ako naka-hinga ako ng maluwag, hindi siya napuruhan, salamat naman. Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata. Pinulupot ko ang aking mga braso sa leeg niya at inangat ang kanyang ulo. Pinatong ko ito sa aking hita.

"Hector," nanghihina siya ngunit makikita pa rin sa kanyang mukha ang kagustuhan niyang mabuhay. "Anong nangyari?"

"Kaya mo bang tumayo?" tanong ko. Pinipilit niyang bumangon. "Tatakas tayo. May tumutulong sa atin ngayon,"

Nagulat ako ng magkaroon ng malakas na kulog at sunod sunod na kidlat na halos hindi mo na maaninag ang mga bituin pati na ang buwan. Nabalutan nang puting hamog ang dagat, hindi ko na makita kung ano ang nangyayari sa aming paligid. Umaalingawngaw ang tunog nang mga lazer beams. At pati ata ang tubig sa dagat nagkaroon din nang tunog.

Kinarga ko nalang si Iris dahil mukhang hindi na niya kaya pang maglakad. Unti-unti ring nababalutan nang makapal na hamog etong kinalalagyan namin. Hindi ko na tuloy alam kung saang direksyon ba ako tutungo.

Bigla nalang lumitaw ang mga mapupulang mata mula sa hamog. Sumulpot mula sa hangin ang isang buntot at hinampas kami nito nang ubod lakas. Tumilapon kaming dalawa ni Iris. Nabitawan ko siya. Nagpa gulong-gulong ako patungo sa tubig dagat ngunit mabilis pa rin akong bumangon at hinanap siya.

Sumulpot bigla si Crey sa aking harapan at hinablot ang aking leeg gamit ang kaliwa niyang kamay. Napa-luhod ako at halos tumirik ang aking mga mata sa sakit. Inangat niya ako nang mas mataas. Mas matangkad siya kapag nasa anyo siyang halimaw kung kaya't hindi na sumasayad ang aking mga paa sa buhanginan. Hindi ako makahinga at kahit anong pagpupumiglas ang aking gawin hindi ko magawang alisin ang kanyang kamay sa aking leeg. Na kahit naka-human shell ako naramdaman ko pa rin ang matinding pananakit. Hindi ko na rin magawang hampasin ang aking braso dahil unti-unti na akong nanghihina.

"Bitawan mo siya!" dinig ko na lang bigla.

Lumitaw si Marinagua mula sa tubig at sinaksak niya si Crey sa binti nito gamit ang isang matulis na kabibe. Umalingawngaw ang mala-halimaw na boses.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now