CHAPTER 37

2.4K 19 0
                                    

IRIS

Kumawala sa iba't ibang parte nang aking katawan ang mga kableng naka-dikit. Umuga nang napaka-lakas sa aking kinalalagyan na yung mga pandak na aliens na muli ko na namang nakita, nagpulasan sa takot. Iyak ako nang iyak kasi nakarinig ako nang malakas na pagsabog na feeling ko pa nga, malapit lang sa akin. Na naging bingi na ata ako kasi parang tumahimik ang buong paligid. Ngunit nakikita ko sa gilid nang aking mga mata na nagkakagulo na ang lahat.

May nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa aking itaas. Na akala ko pa nga, bumuka ang langit at naglabasan ang mga anghel doon. Saka ako tumigil sa pag-iyak, natulala kasi ako bigla. Hindi ko na alam kung ano ang katotohanan at kabaliwan sa mga nakikita ko sa aking paligid. Patay na ba ako o buhay pa?

Pinagmamasdan ko ang liwanag sa aking itaas na naging isang makapal na usok na sinundan nang paglagablab nang apoy. May mga bumabagsak patungo sa akin ngunit hindi ako makagalaw na para bang hindi ko na kayang gawin pa iyon. Nahipnotismo ata ako mula sa liwanag. Dagdag pa rito ang pagkawala nang ingay sa aking paligid. Nag slow-motion na naman ata ang lahat. Hanggang sa may sumingit na isang bagay mula sa aking paningin.

Isang itim na maskarang bakal.

Nawala ang maskara at lumitaw ang mukhang chinito. Ang buhok na kulay pink. Bumubuka ang kanyang bibig ngunit hindi ko naman siya naririnig na nagsasalita. Naramdaman ko nalang na umaangat ako mula sa aking kinahihigaan. Lumulutang ba ako? Wala na kasi ako sa aking sarili. Hanggang sa biglang sumakit ang aking pisngi, doon ako natauhan.

Umingay ang paligid na yung muwang ko nagbalik na. May sumampal nang pisngi ko at sobrang sakit dahil feeling ko hindi kamay eh! Matigas yung tumama.

Nasa harap ko na pala si Hector. "Okay ka lang ba?"

Hinawakan ko ang aking pisngi at tinignan ko siya ng masama. "Bakit mo ako sinampal? Masakit ah!"

"Wala ka kaya sa sarili mo at mahina lang iyon, tapik lang," pero masakit kasi.

Saka ko nalang napansing magulo na nga ang buong paligid. Paikot-ikot ang aking paningin.

"Nakikipag-digma na sila Iris," wika ni Hector. "Para iligtas ang lahat nang mga tao rito,"

"Doon sila itinago sa simbahan," alisto kong turo. Yung simbahan namin natatamaan na ng mga ligaw na ilaw kaya yung ilang parte nito halos madurog na.

"Tumayo ka na riyan, makikipag-laban tayo."

Nagbalik na nga ako sa aking sarili kasi nang sinabi ni Hector iyon, nagbalik na rin muli ang aking tapang. Pero nagulat ako nang may lumapit bigla sa amin. "Hector sa likod mo!"

Hinampas siya nang buntot nang ubod lakas kung kaya't tumilapon siya nang malayo. At ang animal na si Crey ang may gawa nun. Bakas sa mukha niya ang galit. Napa-atras ako nang bigla siyang tumalon patungo sa akin na parang isang hayop na susunggab. Ngunit may humarang sa akin at sinuntok siya nang ubod lakas.

"S - sir Ezeros," sambit ko.

Lumingon ang mukhang leon sa akin at sinipa niya ang isang sandata patungo sa akin. At ito ang sandatang natutunan kong gamitin mula sa kanila. Tumango ako sa kanya na unti unti nang namumuo ang katapangan at determinasyon. Pinulot ko ang armas. 

Doon ko din na-alala yung shell na binigay nang mga Nommos sa akin. Kinapa ko ang aking suot na costume at nilabas ito. Kiniskis ko ito sa aking mga palad at naglikha ito nang higanteng bula na nagsilbi kong proteksyon.

Tumayo ako at hinanap si Hector. At sa paglalakad ko halos hindi ko na mamukhaan ang plaza, pati na rin ang buong bayan namin. Halos mapulbos ito. Ang mga lugar na kinalakihan ko nauwi lahat sa abo. Sa pagkakataong ito, ayokong makita ang aming bahay. Baka nga hindi ko na ito mamukhaan.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now