CHAPTER 35

2.4K 24 0
                                    


ERIER

Ang bilis nang mga pangyayari mabuti nalang may natitira pang lakas ang aking mga kasama. May natitirang armor pa rin ang kanilang katawan gaya nang binti at braso. Yun nga lang sira na ito, hindi na maari pang mag-function. Wala tuloy akong choice kundi ang mag-isang sumagupa para lang ma-ilabas silang lahat dito.

Nang makalabas kami ng basement, nakarinig na ako nang malalakas na yabag at patungo ito sa direksyon namin. At nang makita ko sila, yung mga mahihinang klase pala ito na Alpha-Draconian. Yung mga malalakas nagtitipon-tipon ngayon. Mahihina nga sila ngunit mga armado naman. At dahil sa uma-alingawngaw na sa buong lugar ang tunog nang alarm, malamang narinig na rin ito nang mga malalakas na ka-uri nila. 

Kaya pressure ako ngayon dahil kailangan kong ma-itakas ang pangkat palabas dito bago pa nila kami maabutan. Kailangan muna namin maghanap ng pintuan. Bahala na kung papaano kami makakalabas.

Parang robot na sumusunod sina kapitan Okron sa akin. Para silang may hang-over, hindi nila alam kung papaano sila kikilos. Ako ang na-uuna at bumabaril nang lazer beams sa mga dumarating. At dahil sa mahihinang klase naman sila, isang putok ko lang, bagsak na kaagad.

Naisip ko sanang sa main door kami lumabas pero baka maabutan naman kami nang mga malalakas na ka-uri nila. No choice kundi sa likod kami dumaan. Doon sa may bintanang pinang-galingan ko kanina dahil naka-lock pala ang pinto sa likod.

"Dito kayo dumaan kapitan at magtago sa mga puno roon," utos ko sabay turo.

Tumango lang sila sa akin. Kumilos sila at ako ang mag-isang humarap sa mga paparating na Alpha-Draconians. Nag-pakawala muna ako nang force field para maprotektahan sila sa mga ligaw na lazer beams. Kahit mahihina ang mga ito, maliliksi naman ang mga walanghiya.

Nang mapansin kong wala na ang buong pangkat sa aking tabi, umatras ako at sumunod na tumalon sa bintana. Kumaripas ako nang takbo sa may malapit na kakahuyan.

"Erier nandito kami," tawag ni Mamir sa akin. Lumapit ako sa kanila, nakatago sila sa likod nang makapal na bamboo shrubs.

"Nasaan tayo?" tanong ni Avara na tila nahimasmasan na ata.

"Naririto tayo sa pamayanan ni Iris," sagot ko. Sumisilip kami sa gusali sa di-kalayuan. "Siya yung babaeng subject. Bihag siya ngayon pati na ang mga tao rito,"

"Alam mo ba ang daan palabas dito?" tanong ni kapitan Okron.

Huminga ako nang malalim, yun kasi ang problema. "Nilagyan nila nang barrier ang buong lugar. Hindi tayo makakalabas dito,"

Nagalit si kapitan Okron sinuntok niya ang lupa.

"Ang malaking problema ngayon," dugtong ko. "patungo sila sa bahay," Napalingon silang lahat sa akin.

"Naroroon ang teleporter patungong Ieverin," nag-aalalang sambit ni Sok.

"Hindi ko masabihan si Alta may humaharang din kasi sa komunikasyon natin,"

"Nanganganib si Alta ngayon," pag-aalala ni Avara.

May liwanag na tila isang spotlight ang sumusulpot malapit sa amin. Napatingin kaming lahat dito. 

"Mag watak-watak tayo!" sigaw nang isa sa mga Draconian.

Nagkatinginan kaming lahat at tumakbo palayo sa kinalalagyan namin. Mabuti nalang madilim ang paligid, hindi nila kami masusundan basta-basta. Iniiwasan namin ang mga ilaw na nilalabas nila sa kanilang sandata.

"Tigil!" wika ko. Tumigil sila sa pagtakbo at lumingon sa akin. "May barrier na,"

"Saan kaya ang main source nang barrier na ito?" tanong ni kapitan Okron.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang