CHAPTER 43

2.4K 24 0
                                    


IRIS

"At ang natatanging bata nang taon!" wika ko. Araw nang pagtatapos nang aking mga estudyante. "San Francisco Elementary school batch 98 school valedictorian, Melvin Ibanez,"

Nagpalakpakan ang mga manunuod.

Malaki na ang aking tiyan at dalawang buwan nalang, ay malapit na akong manganak. Ayaw pa nga ni Albert na mag-emcee ako sa graduation ceremony ngunit naki-usap ako sa kanya. Kaya ko pa naman at isa pa, ako ang nagprisinta nito kay ma'am Batongbakal.

Nakakalungkot lang dahil isang batch na naman ang mawawala sa akin. Tuwing graduation ganun ako, kasi napapamahal na ako sa aking mga nagiging estudyante. Ma-mimiss ko itong batch na ito lalong-lalo na si Melvin.

Umakyat siya sa entablado, kasama pa niya ang kanyang tatay na nagpapahid pa nang kanyang basang mata. May naka-sabit na teleskopyo sa kanyang leeg na halatang nanggaling pa sa kanyang trabaho. Sa Philvocs kasi ito nagtratrabaho. At sila yung team na nagmo-monitor sa Mt. Pinatubo.

Napa-iling ako ngunit masaya naman para sa kanilang mag aama. Pinalaki kasi siyang mag-isa nang kanyang tatay. Naapektuhan nang paghihiwalay na iyon ang naging social life nang batang ito. Pero mukha naman siyang hindi pina-bayaan nang kanyang ama, kasi nakikita ko ito palaging hinahatid at minsan sinusundo pa.

Inabot nang kanyang tatay ang medalya kay bestfriend Miranda na katulong ko sa ceremony. Sinabit niya ito sa leeg ni Melvin na kinamayan nila ma'am Batongbakal at mayora.

Lumapit si Melvin sa akin at maluha-luha ko siyang niyakap. "Congratulation Melvin,"

"Salamat po ma'am!"

Kinamayan ko na rin ang kanyang tatay. Naglakad siya palayo sa akin nang bigla nalang siyang tumigil. Napansin ko ang gulat sa kanyang mukha. Kinapa pa niya ang suot niyang toga. Parang naging balisa pa siya nang kapain ito.

"May problema ba Melvin?" tanong ko. Biglang nagbago ang kanyang kilos.

"Ah...eh wala naman po ma'am,"

Ngumiti siya sa akin ngunit halatang pilit at may napansin pa akong butil nang pawis sa kanyang mukha. Saka siya naglakad nang mabilis habang hatak ang kanyang ama. Inaya niya itong bumaba nang stage. 

Huminga ako nang malalim at napa-iling. Sumagi kasi sa aking isipan yung panahong sinagip ko siya mula sa isang halimaw. Na nakilala niya ako kahit naka-suot ako nang costume. Na-aalala kaya niya ito? Pero binalewala ko nalang iyon. Binura na nang alien convention ang ala-ala nang mga taong bayan matapos ang sagupaan kaya naniniwala akong wala na siyang alam tungkol dito.

Minsan pabugso-bugso ang mga ala-alang iyan sa isip ko. Pati yung tungkol kay Hector. Pinag-aaralan ko na nga siyang makalimutan kasi buntis ako ngayon. Baka makunan pa ako kaka-isip nang mga bagay na yan. Hanggang ngayon nananatili itong lihim, pati na kay Albert.

***

Matapos kong isilang ang panganay kong lalake na pinangalanan ko pang Hector, saka naman muling nag-abroad si Albert. At yan yung kauna-unahang pagtatalo namin kasi nga parang alanganin naman. Ilang buwan palang ang anak namin tsaka naman niya naisipang iwanan ako sa ere.

Naglayas ako sa inuupahang bahay namin dahil sa inis ko sa kanya. Sa bahay ako namin tumira pansamantala. Ilang araw niya akong inamo-amo. At dahil sa mahal ko siya talaga sumuko ako at pumayag na mag-abroad na siya ng tuluyan. Alam ko namang may maganda siyang plano para sa future namin. Pero ang totoo kasi niyan, natatakot talaga ako. Yung takot na nararamdaman ko dati sa isang pangyayari nang aking buhay na namatay siya, nagbalik na namang muli. Di ba nga halos mabaliw ako nang mga panahong iyon. At nung magbagong muli ang aking kapalaran ayoko na siyang bitawan. Ayoko nang mawala pa siyang muli sa akin. Pero hindi ko talaga siya napigilan sa gusto niya. Hinayaan ko nalang siyang gawin ang desisyong iyon, kaysa naman iwan niya ako dahil inaway ko siya.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon