CHAPTER 18

2.5K 31 0
                                    


IRIS

Bumangon na naman ako mula sa pagkakahiga. Bigla rin ang pag-sakit sa likurang parte nang aking ulo. Na sinabayan naman nang buong katawan ko.

"Nasaan ba ako?" tanong ko sa aking sarili.

Niligoy ko ang aking paningin sa paligid na bigla nalang akong natauhan dahil iba pala ang hinihigaan kong kama. Napa-himalos ako nang aking mukha dahil iba rin yung kwarto. Napa-kamot pa ako sa ulo. "Panaginip lang to Iris,"

"Good morning!"

"AY GOOD MORNING!" napatalon ako sa gulat sa pagsulpot nang boses.

Inikot kong muli ang aking paningin hanggang sa mabaling ako sa may pintuan. Nan-laki ang aking mga mata at napa-lunok pa. Nakatayo kasi roon ang isang robot na ga-bewang ang taas. Umandar pa ito palapit sa akin. Umatras naman ako mula sa pagkaka-upo ko sa kama, yumu yug-yog ang aking katawan kasi ang lambot.

"Sino ka?" sigaw ko. Pero naloka ako, kasi naman nagtanong ako sa robot. "Nasaan ako?"

At sumagot naman siya. "Droid Butler at your service ma'am, may ipag-uutos po ba kayo sa akin?"

"Nandito ka sa bahay ko," sulpot muli nang isa pang boses.

Nabaling muli ang aking mga mata sa pintuan. Kinusot ko pa ang aking mga mata at nagbabaka-sakaling hindi ako namamalikmata. Pero nang tumingin akong muli, si Hector nga ang aking nakikita. Naka-pamulsa ito at naka-long sleeve habang khaki pants naman ang pantalon. Naglakad siya patungo sa akin habang yung robot umatras naman.

"Robot yun di ba?" tanong ko na wala sa sarili.

"Oo siya ang katulong ko. Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Nagtaka ako sa tanong niya. Masakit ang aking ulo at katawan, yun ang una kong naramdaman agad. Ibig sabihin, alam niyang may masakit sa akin. Ibig sabihin, may nangyari sa aking masama at alam niya.

Muli ko na namang inikot ang aking paningin sa paligid. Kulay puti ang ding ding nang buong kwarto. Malinis at moderno pero mukhang mamahalin ang mga gamit. Yung upuan sa di ko kalayuan, kulay puti atang leather habang yung mga cabinet at aparador kulay itim naman na kahoy. Makintab ito at ang ganda tignan. Ngayon ko lang napansin na naka-sandal pala ako sa maraming unan kaya pala ang lambot.

Naglakad si Hector palayo sa akin at nagtungo sa may kurtina. May pinindot siya sa gilid nang ding-ding. Napa-nganga ako nang humawing mag-isa ang kurtina at bumaha ang liwanag sa buong kwarto. Hindi ko mapigilang mamangha, floor to ceiling ang salaming bintana niya. Tanaw na tanaw ko ang kabundukan at bughaw na langit sa labas.

"Mabuti naman at maayos ka na," wika niya. Naglakad na naman siya patungo sa akin at umupo sa kama.

Muli na namang bumalik ang kalituhan nang aking pag-iisip. "Ano ang nangyari sa akin?"

"Muntik ka nang dukutin nang mga Alpha-Draconian kagabi,"

"Teka...sandali," kumunot ang aking noo. Parang may na-alala ako kung ano ang nangyari sa akin kagabi. "Anong pinag-sasabi mo?"

"Mga alien race iyon. Hindi ko alam kung ano ang pakay nila sa iyo at nagawa ka nilang dukutin at – "

Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya kasi natawa nalang akong bigla. Na bigla rin akong napa-iyak. "Panaginip lang ito,"

Napa-hawak ako sa aking sentido. "Hindi ako nababaliw,"

Eto na ata yung epekto nang depresyong nararanasan ko magmula nang malaman kong buhay si Albert. Napa-paranoid na ata ako.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Onde histórias criam vida. Descubra agora