CHAPTER 27

2.4K 26 2
                                    


IRIS

"Saan mo dinala ang pamilya ko? Pati na si Albert," bulalas ko kay Crey.

Kahit nakakatakot ang kanyang mga mata ay hindi na ako nagpadaig pa. Kailangan ko nang masanay at harapin ang katotohanan nang aking sitwasyon ngayon.

"Sabihin na nating may pag-gagamitan ako sa kanila," ngumisi ang animal. Naglakad siya paikot sa akin. "Para sa mga binabalak ko, subject zero,"

"Hindi ako si subject zero," pagtataray ko. "Iris ang pangalan ko,"

"Ay! Oo nga pala. Dapat mo nang malaman ang katotohanan kung bakit kita kailangan,"

Nilingon ko siyang kunot ang noo. "Pwes! gusto kong malaman," matapang kong sagot.

"Nasa iyo ang marka. Diyan sa likod mo," nanlaki ang aking mga mata, marka?

Yung madalas na nangangati yung aking likod na akala ko pa nga may bungang araw ako, may marka pala yun. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ilang beses kong binura ang ala-ala mo kaya hindi mo alam na matagal ko nang nilagay yan," humarap siya sa akin na nakapamulsa. Umatras ako. "Ikaw ang kauna-unahang subject para palawakin ang hybrid project namin. Ang subject zero. Ang mother of a new race. Ayaw mo ba nun magiging reyna ka,"

Pag-eeksperimentuhan nila ako, yun ang ibig sabihin nun. Gagawin nila akong hayop. Hindi ko ito kayang tanggapin kung kaya't napaluha nalang ako sa harap niya.

"Pero hindi magtatagal ang pagiging reyna mo kasi papatayin ka rin namin, subject zero," Pumikit ang aking mga mata habang patuloy ang pag-agos nang aking mga luha. Nilapit niya pa ang kanyang mukha na nag-anyong halimaw na kasabay nang pagbabago ng kanyang boses. "Marami pa ang mga babaeng taong pwedeng maging bagong kandidata. Yung mga babae mong kaibigan sina Mira at May, pwede!"

Ngayon mga kaibigan ko naman ang nanganganib.

"Mga hayop kayo!" bumulalas ako habang muling nag-halo ang aking emosyon. "Hayop kayo! Hindi kayo magtatagumpay sa binabalak ninyo,"

"Tsk tsk tsk! Yun naman ang silbi ninyong mga tao sa amin. Uunahan ko na ang kaibigan mong ungas na si Hector, hindi mo ba alam. Pareho kami nang binabalak sa iyo."

Mas lalo akong nanghina, kaya ba naging malapit siya sa akin. Ngayon malinaw na ang lahat sa isip ko. Dumating silang dalawa sa aking buhay dahil may binabalak silang masama sa akin. Kung ano man iyon ay para ito sa aking ikaka-pahamak, nang mga mahal ko sa buhay pati na rin sa sangkatauhan. Bakit sa dinami-dami nang mga tao sa mundo ako pa talaga ang napili nila.

Nabuo tuloy ang takot ko kay Hector. Mas lalo na sa impaktong nasa harapan ko. Alam ba ito nila Marinagua? Sabi nila pinoprotektahan daw nila kaming mga tao pero ano ang ibig sabihin nito. Naguguluhan tuloy ako, kasi hindi ko na alam kung sino ang dapat bang paniwalaan pa sa kanila.

Susugurin ko sana si Crey ngunit bigla nalang bumuka ang sahig na aking kinatatayuan. Tumili ako nang ubod lakas, nahulog ako at bumagsak sa isa pang sahig, may basement pala ang bahay. Balakang ko ang unang tumama, pagbagsak, at ang sakit lang. Pero mas okay na yun kaysa naman sa ulo ko ang mauna.

Tili ako nang tili dahil sa pagka-bigla habang walang tigil sa pag-iyak. Nabalian ata ako ng buto sa binti ko. Ngunit hindi ko na maramdaman yung sakit dahil halo-halo na ang aking emosyon.

Nag-sara ang itaas at nagdilim ang paligid, na sinundan nang pag-liwanag. Nasa loob ako nang isang pabilog na kwarto. Wala akong nakikitang gamit maliban nalang sa mga maliliit na korteng bilog na naka-ukit sa konkretong sahig. Salamin ang kalahati nang pader na nasa aking harapan at konkreto naman ang kalahati. Dimlight ang ilaw at may kadiliman din sa labas nang glass wall kaya nakikita ko ang aking repleksyon mula sa salamin. Mukha na talaga akong haggard magmula pa kanina.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now