CHAPTER 17

2.5K 31 0
                                    


IRIS

Alas nwebe na nang gabi kung kaya't nagpasya na kaming umuwi sa aming mga tahanan. Nagpakalasing talaga si Miranda. Hinatid namin siya sa kanilang bahay at awang-awa talaga ako sa kanya. Nasaktan siya talaga nang husto ngunit wala kaming magawang lahat.

Si Hector naman bigla nalang umalis nang hindi nagpa-paalam. Kanina pinag-aaralan ko talaga ang mga kilos niya eh. May kakaiba talaga, hindi siya mapakali at panay pa ang titig sa akin. Medyo hindi pa nga ako naging kumportable sa kinalalagyan namin doon dahil sa kanya. Kaya nung mawala siyang parang bula doon palang ako nakahinga nang maluwag.

Matapos namin ma-ihatid si Miranda sa kanilang bahay na malapit lang naman sa plaza, nagkahiwa-hiwalay na kami nang landas nila May at Florencio. Mas pinili kong mag-lakad tutal maaga pa naman at may mga tao pa sa paligid. Kabisado ko na itong lugar namin at confident akong walang mangyayari sa aking masama. Kahit nung teen-ager pa lang ako, nilalakad ko na itong kalye namin na mag-isa kapag ginagabi ako nang pag-uwi. Lakwatsera na talaga ako kahit nung bata pa. At isa pa, maliwanag naman ang ilaw sa poste.

Habang ako'y naglalakad, iniisip ko ang mga hindi magagandang nangyari kanina. Magmula kay Melvin hanggang kay Mira, puro sakit nang ulo ang inabot ko. Dagdag pa itong si Hector. Parang taga-ibang planeta talaga yung taong yun. Wala naman siyang saltik kasi sumasagot naman siya nang maayos kapag kinakausap mo. Pero yung kilos niya hindi ko talaga feel, lalo na ngayon. Nanliligaw ba talaga siya? Ayokong maging assuming ngunit feeling ko yung mga kilos niya ganoong ganoon nga. Saan kaya siya nakatira? Sumusulpot nalang siya kung saan. At yung kotse niya hindi ko rin nakikita.

Napa-iling nalang ako at medyo natawa nang ma-alala ko yung madalas niyang gawin. Yung finger heart, ang cute pero nakaka praning.

Nag patay-sindi ang ilaw sa poste na aking dinadaanan kung kaya't bigla akong napa-hinto. Napansin kong wala nang katao-tao. May narinig akong yabag nang sapatos mula sa aking likuran. At nang lumingon ako, wala namang naglalakad. Bigla akong kinabahan kaya binilisan ko ang aking pag-hakbang.

Sa gitna ako nang kalye naglakad dahil wala nang dumadaang traysikel at jeepney sa mga oras na iyon. Pinagpatuloy ko ang paglalakad dahil ilang metro nalang, malapit na ako sa aming bahay.

Muli ko na naman narinig ang yabag nang sapatos at sa pagkakataong ito, marami na siya. Inikot ko muli ang aking paningin sa likuran pero wala talaga. Kumaripas tuloy ako sa pagtakbo. Nang matanaw ko ang roof deck ng aming bahay ay mas lalo ko pang binilisan. Mabuti nalang pants ang uniporme namin ngayon.

Bigla nalang bumulaga sa harap ko ang isang puting SUV nang mapadaan ako sa isang intersection. Alisto akong pumreno sa pagtakbo dahil muntik na akong mabundol nito. May bigla ring sumunggab sa aking likuran at tinakpan ang aking bibig. Lalake siya at ang lakas, sinubukan kong magpumiglas ngunit binuhat niya ako. Hindi ko makita ang kanyang mukha at hindi rin ako makasigaw. Yung ilaw pa sa poste ng kinaroroonan ko bigla pang namatay.

Bumukas ang pinto nang SUV at nanlaki ang aking mga mata, may tatlo pang lalaki sa loob. Mga balbas sarado sila at malalaki ang mga pangangatawan. Yung dalawa nasa unahan nang sasakyan. Sapilitan akong ipinasok. Hindi ko pa sinasadyang mahubad yung suot kong flat shoes kung kaya't naiwan ko ito sa kalsada.

Para akong laruang binuhat nang lalake at hinagis sa upuan nang sasakyan. At ang sakit sa balakang nung pagbagsak ko. Umupo yung lalakeng bumuhat sa akin at napa-gitna ako. At dahil na rin sa sobrang takot, nawalan ako nang malay. Narinig ko nalang ang pag-sara nang pinto at pag-andar nang makina.

***

Nagising ako dahil amoy alimuong ang paligid. Na-alimpungatan ata ako ngunit nasa loob pa rin ako ng SUV at kasama nang apat na lalakeng mukhang goons. Madilim ang sasakyan at hindi man lang nag-lagay nang air freshner.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now