CHAPTER 23

2.4K 25 0
                                    


IRIS

Masakit ang aking ulo at parang may naka-dagan ata sa akin. Pag-dilat ko nang aking mga mata. Mukha ni Hector agad ang aking nakita. Nasa anyong tao na siya at umuusok pa nga ang buo niyang katawan. Bigla kong na-alala ang nangyari kanina. Yung nagkaroon nang malakas na pagsabog.

Hanggang ngayon nga may naririnig pa rin akong tunog sa aking tenga. Yung dib-dib ko hindi na nawala ang pag-kabog pero nag sink-in agad sa akin na buhay pa pala ako.

"Hector!" tawag ko. Tinapik ko ang kanyang pisngi. "Gumising ka,"

Gumalaw siya at umalis sa pagkakadagan sa akin. Napa-higa siya sa lupa. Bumangon ako at napansing napuruhan ata siya. Niligtas niya kasi ako mula sa pag-sabog kanina.

Nagulat ako nang may tumayo malapit sa amin. Yung kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan ang malinaw kong nakikita. May suot siyang armor na wasak at katulad ito ng kay Hector. Na-alala kong may kasama nga pala siya. Nakatayo lang ito na parang wala sa sarili.

"Hector, gumising ka," mausok ang paligid namin at may kadiliman. Naging amoy sunog na kable ang hangin ngunit napaka-tahimik.

Nagugulat ako sa pagbangon nang iba pang kasama ni Hector kasi tumutunog yung kuryente sa suot nila.

Mas lalo akong napa-atras nang biglang bumangon si Hector na akala mo binabangungot. "Si...nasaan si kapitan?" bulalas nalang niya.

Tumayo siya at naglakad nang wala sa sarili. Hindi niya ata napansing tao na ang kanyang itsura at naka-suot nalang siya nang ordinaryong damit.

"Ililigtas ko si kapitan!" wala na siya sa sarili.

Tumayo na rin ako, yung tinutukoy ba niyang kapitan yung palaging sumasagip sa amin kanina.

"Wala na siya Erier," wika nang isang babae. May kasama pala silang babae. Ang tangkad niya at mukhang modelo. Wasak na rin ang armor niya kaya yung mukhang tao nalang ang aking nakikita. May kuryente ring dumadaloy sa buo niyang katawan. "Nagsakriprisyo siya para sa atin,"

"Hindi totoo yan," garalgal ang boses ni Hector. "Hahanapin ko siya,"

"Tumahimik ka!" natakot ako sa boses nang isang lalake. Mahaba ang buhok nito at mukhang may-edad na.

Hinawakan niya sa kwelyo si Hector. "Nagsakripisyo siya dahil sa iyo. Sa mga kapalpakan mo!"

"HINDEE, hindi totoo yan," bumulalas si Hector.

Tinulak siya nang lalakeng mahaba ang buhok. Napa-upo siya sa lupa habang bumubulalas nang pag-iyak. Bigla akong na-awa sa kanya, namatay yung tinutukoy niyang kapitan. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Bigla nalang pumasok sa isip ko si Albert. Nanginig ang buo kong katawan dahil ang pagkaka-alam ko, naiwan siya sa loob nang bahay. Hindi ko maisip na sumabog ang bahay. Napa-iyak na rin ako habang yakap si Hector.

"Kapitan," dinig kong sabi nang isa pa nilang kasamang lalake. "Pakinggan niyo,"

Nakinig na rin ako ng di-oras at dahil sa sobrang katahimikan ay may maririnig ka nga talaga. Mga tunog ba yun nang hayop? Palakas ito nang palakas.

"Erier! Tumakbo kayo nang babaeng tao," utos nang long hair sa amin.

Lumapit sa amin yung babaeng kasama niya at itinayo siya. Napa-tayo na rin ako.

"Lumayo kayo rito," humihikbi siya sa pagsasalita. "Kami na ang bahala,"

Napatalon ako sa takot dahil naging malinaw na yung mga tunog na parang sa tigre at pinagsamang oso, basta nakakatakot ang tinig. Mula sa makapal na usok sa di kalayuan namin, may mga gumagalaw na imahe. Nang mapansin ko ang kanilang buntot, confirm na mga halimaw ito. Naging tambol na naman ang dibdib ko.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt