CHAPTER 15

2.5K 30 0
                                    


IRIS

Maaga kong pina-uwi ang aking mga estudyante. Naka-tayo ako sa harap ng jalousie window nang aking silid aralan at naka-dungaw sa labas.

Bakit kaya wala si Hector ngayon? Dalawang araw na siyang absent. Kawawa naman yung mga estudyante niya halos wala nang natututunan. Na-alala kong, tinarayan ko pala siya nung isang araw. Tinapon ko pa yung mga bulaklak sa kanyang harapan. Nasaktan ko ba siya sa ginawa kong iyon? Nakaka-inis naman kasi yung pinag-gagawa niya nung mga panahon na yun. At pansin ko pa nga, panay ang pagpapa-cute niya sa akin. Nanliligaw din ba siya gaya ni Crey?

Napa-hilamos ako nang aking mukha. "Ano ba tong nangyayari sa akin," huminga nalang ako nang malalim.

"Ang aga friendship!" napatalon ako sa boses ni Mira.

Sumulpot ba naman sa harap ko sa kabilang parte nang bintana, na akala mo aswang. Ninerbiyos tuloy ako, napahawak ako sa aking dibdib.

"Uy! Excited siyang rumampa. Pero sorry girl, hindi pa kami pwedeng magpa-dismiss nang maaga," wika ni Mira.

"Alam ko Mira, kaya ako nagpa-dismiss nang maaga. May pupuntahan muna kasi ako,"

"At saan naman?"

"Hay naku! Secret,"

Inangat niya yung kanyang hintuturo at pinagduldulan ba naman sa akin. "Ikaw girl huh! Dala-dalawa ang umaaligid sa iyo ngayon. Mag share ka naman,"

"Magtigil ka nga! Hindi ko gusto ni-isa sa kanila,"

"Ay! Ang yabang mo girl. Ikaw na ang maganda at may karapatang mag sabi nang ganyan. Anong meron ka ngayon at ang mga gwapong lalake nahuhumaling sa kagandahan mo, friendship,"

Nag-flip ako nang hair. "Wala girl, natural yan,"

"Ay ang sarap manambunot nang babaeng may natural na ganda,"

Loka talaga tong best friend ko ang tabil nang bunganga. Ngunit nasasakyan ko naman, ganoon talaga kapag may pinag-samahan.

"Bumalik ka na nga sa classroom mo friendship! Si ma'am Batongbakal rumoronda oh,"

Tinuro ko ang principal na naglalakad sa kabilang pasilyo. Nataranta ang loka at pumasok sa loob nang classroom niya na katabi ko lang.

Nagtungo ako sa lamesa at sinimulan ko nang ligpitin ang aking mga gamit. Susunod nalang ako sa kanila mamaya sa plaza. May importante muna akong aasikasuhin. Sana pagdating ko doon, ma-abutan ko pa ang mga kamag-anak ni Albert sa bahay nila.

***

Bumaba ako nang traysikel at nasa kabilang dulo ako nang aming Poblasyon. Dito kasi nakatira si Albert. Boundary na ito nang aming bayan at tanaw na ang malawak na kabukiran. Kakaunti lang ang mga kabahayan dito at magkakalayo pa.

Isang compound nang mga apartment unit ang kanilang tinitirahan. Apat na pintuan at lahat dalawang palapag. Sa pinaka dulo siya naka-tira. Nang makapag-trabaho siya sa Japan, binigay na ito nang kanyang tiyahin para sa kanya. Eto sana ang magiging bahay namin kung natuloy lang sana ang aming kasal.

Nakatayo ako sa harap ng kulay berde nitong gate na may grills sa taas. Napatingala ako sa signboard na kahoy. Binebenta na pala ito? Tumingin ako sa kanan at kaliwa at napansing, walang taong dumadaan man lang maski mga sasakyan. Ito kasi ang pinaka-tahimik na parte nang aming Poblasyon. Pinaliligiran nang bakanteng lote na puro talahib ang magkabilang gilid nang compound. Mga punong kahoy sa likod at bukid na sa pinaka-likuran pa nito. Bukid din ang kaharap nito na pinapagitnaan nang kalsada kaya medyo isolated talaga siya.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now