CHAPTER 9

2.7K 31 0
                                    


ERIER

Sabado pala nang araw na iyon, kaya pala sarado ang paaralan. Huminga nalang ako nang malalim dahil nasa  harap ako nang gate. Napilitan nalang akong umalis. Akala ko kasi makikita ko si Iris ngayon. Nakaligtaan kong may sinusunod pala ang mga human beings na oras kung magtratrabaho sila o magpapahinga.

Ngunit pag-ikot ko sa aking likuran, nasorpresa ako. Bumulaga nalang siya sa di kalayuan na naglalakad, patungo sa akin. May bitbit siyang paper bag at gulat na gulat din ang kanyang mukha. Napansin kong namamaga ang kanyang mga mata, bakit kaya? Tumawa ba naman sa harap ko, paglapit niya.

"Hector, sabado ngayon di ba. Bakit ganyan ang itsura mo?"

Suot ko kasi yung madalas kong suotin kapag nagtuturo. Naka long-sleeve na may necktie. At napansin kong hindi niya suot ang uniporme niyang pang-guro. Suot niya yung damit noong una ko siyang makita at makilala.

"Ah...eh...oo nga pala no," tumawa rin ako at ginaya siya.

"Alam mo hindi ko alam kung tanga ka ba o taga ibang planeta,"

Bigla akong nasaktan sa sinabi niya, tanga talaga? Tumigil ako sa pagtawa at napayuko ang aking ulo, para kasi akong napahiya.

"Hector...joke lang yun," wika ni Iris. Tinapik niya ako sa braso. "Halika, samahan mo nalang ako sa loob. Maglilinis ako nang classroom,"

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kaliwang kamay, nakatingala siya sa tangkad ko. Nagbibiro lang pala siya, naramdaman ba niya na napahiya ako? Kung gayun may kakayahan pala ang mga human beings na maunawaan ang nasa saloobin mo. 

Bigla kong na-alala yung plano, "make her fall in love". At inisip ko kung ano ba yung ginagawa nang mga lalake kapag nasa harap nila yung babae, binalikan ko yung aking mga napanuod.

"Pero okay lang kung ayaw mo Hector," dagdag ni Iris.

"Ah...hindi...okay lang sa akin," nag finger heart ako sa kanya at nag-beautiful eyes habang naka twist ang labi.

Tama ba ang ginawa ko? Bigla ba naman akong pinag-tawanan.

"Okay ka lang!" tawa niya habang na-iling ang ulo. "Halika na nga baka mabaliw ako sa iyo,"

Nagulat ako nang umangkla siya sa braso ko. Binigay niya sa akin yung isang malaking paper bag. Takang-taka ko naman itong kinuha sa kanya at magkasama kaming pumasok nang paaralan.

***

"Achuu!" hatsing ni Iris. Nagtaka ako sa ginawa niya kaya ginaya ko rin siya. Tinutulungan ko siyang tanggalin yung mga laman nang isang gamit na gawa sa kahoy. Malapit kami sa tinatawag nilang pisara.

Hanggang ngayon na-aaliw pa rin ako sa sobrang kasimplehan nang mga paaralan sa planetang ito. Hindi sila mahirap pag-aralan kung papaano ito gamitin. Gumagamit sila nang physical effort para magbigay nang impormasyon. Gaya nang malaking pisarang ito sa harapan ko.

Walang ganito sa mini-city ng aming planeta. 3d holograms at iba't ibang teknolohiya ang ginagamit namin kapag nagtuturo. Gumagamit din kami nang mga 3d simulation at mga memory chips kung sakaling makalimutan namin ang aming lecture. Dito mayroon silang tinatawag na libro at papel. May nakikita akong lumilipad sa hangin bago humatsing si Iris.

Nagtaka pa ako nang bigla niyang takpan ang kanyang ilong nang isang maliit na tela. Gusto ko sana siyang gayahin kaso wala naman akong bagay na iyon.

"Hector, huwag kanang tumulong baka madumihan yang suot mo," turo niya sa suot ko.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now