CHAPTER 42

2.4K 26 0
                                    


ERIER

Xyleveria at last, nakita na naman kitang muli.

Nakarating kami nang maayos sa aming solar system at pinagmamasdan ko ito mula sa malaking bintana nang Ieverin. Nakatingin ako sa pulang bahagi nito, ang rehiyon nang Sar.

May lima kaming rehiyon at base ito sa distansya nang aming star, since hindi naman umiikot sa aksis ang planeta namin. Ang Sar ang pinaka-malapit sa star kaya ito ang pinaka-mainit. Ang Mer ang pinaka-malayo kaya ito ang pinaka-malamig at madilim. Ang Viahara ang central region at naririto ang halos lahat ng siyudad sa aming planeta, kasama na ang aking hometown city, ang Emeria. Ang Ub-sar at Ub-mer ay ang dalawang region na pumapagitan sa Sar, Viahara at Mer.

Abala ang lahat sa pakikipag-usap sa central base. Nagbibigay sila nang impormasyon para malaman nilang legit talaga kami. Ganito kahigpit ang aming planeta pagdating sa seguridad. Yung isa kasi naming buwan mayroon ding syudad at doon nagmula ang maraming pag-aaklas. Dagdag na rito ang banta nang mga ibang alen race na gustong sumakop sa amin.

Para kasing isang malaking misteryo ang history nang mundo namin dahil parang kulang yung mga facts. Maunlad naman ang teknolohiya namin sa space travel kasi nga nakapagtatag kami nang mga syudad sa aming dalawang buwan. At si Alta nga ay isa sa mga citizen nang isa sa mga city doon. Nagtataka talaga ako sa gustong mangyari nang goverment namin. Na sakupin ang planetang Earth sa pamamagitan nang isang eksperimento na layunin din pala nang mga Alpha Draconians. Sa totoo lang trying hard kami sa ganitong larangan dahil ilang beses na itong pumalpak maski ngayon. Mabuti nalang talaga nakilala ko ang Alien Convention kaya nalaman kong bawal pala ito.

"Magtungo kayo sa inyong designated seats...papasok na tayo sa ating airspace," boses ni kapitan Okron.

Tumakbo ako sa main control room at umupo sa aking seat. May umilaw sa aking upper body at nag-lock ito sa aking sinasandalan. Magiging bumpy ang pagpasok namin, medyo mahina ang gravity ng planeta namin kumpara sa Earth kaya yung pag-baba namin, pwersado. Nakapag-bigay alam na kami sa central base at alam na nila na naririto na kami.

Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa malaking bintana nang ship. Nakadama ako nang kaunting pananakit nang muscles sa binti at braso. Sanhi kasi ito nang pagbaba namin patungo sa aming kalangitan. Nagsimula na kaming mag force re-entry.

May tatlong layers lamang ang aming atmosphere pero ang ulap namin makapal na lagi nalang may bagyo at kung ano-ano pang depression sa klima. Ramdam ko rin yung mga internal organs ko na umaakyat ata patungo sa aking ulo dahil dama ko talagang parang nahuhulog kami pero hindi naman.

Mula sa makapal na ulap unti-unti na akong nakakakita nang ibang kulay. Yung korte nang aming mga kabundukan nagiging malinaw na. May kulay red, yellow at blue at ito ay ang mga kagubatan sa aming planeta. May kulay deep blue rin at ito ay ang aming lawa na pinaliligiran ng maraming dots na liwanag. Napangiti ako kasi na-miss ko ang dagat sa Earth.

Naging transparent ang sahig na tinatapakan namin sa main control room, lumingon ako pababa. May bilog na korte akong nakikita na nagliliwanag at ito ang aming central spaceport. Mukha siyang maliit tignan mula sa aking kina-uupuan pero one-kilometer ang diameter nito. Mukha itong araw na ginuhit sa lupa. Yung rays niya, nagliliwanag at ito yung mga connecting buildings.

Nagkakatinginan kaming lahat sa loob at sabik na sabik. Naririto na nga ako, at home at last. Na-alog kaming lahat saglit dahil huminto ang Ieverin dalawang libong talampakan sa himpapawid.

May mga pulang ilaw na lumabas sa paligid nang bilog at ito ay mga guidelights. Nagbibigay impormasyon ito kung hindi ba kami sakto sa bilog o di kaya'y may mali sa pagbaba nang aming ship. Naramdaman ko na naman ang pressure sa mga internal organ ko ngunit hindi na kasing sakit gaya nung una, ibig sabihin nito smooth ang pagbaba namin patungo sa lupa.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now