CHAPTER 30

2.4K 31 0
                                    


ERIER

Pumasok na sa loob nang bakuran ang sinasakyang kotse namin ni Iris at tumigil ito sa tapat nang main door. Sabay kaming lumabas nang sasakyan at pagkarating namin sa loob nang bahay, tuloy tuloy siyang naglakad hanggang sa napa-upo nalang sa sofa na tulala. Awang awa ako sa kanyang sinapit.

Nagtungo naman ako sa kusina at pumasok sa nakatagong vertical tube doon. Inalis ko ang armor kung kaya't nagbalik ako sa aking human shell. Pagbalik ko nang sala, nadatnan ko siyang nakatayo sa harap nang sliding door at pinagmamasdan ang kadiliman nang gabi. Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Tulala pa rin siyang nakatingin sa may kawalan.

Nagtanggal muna ako nang bara sa aking lalamunan. "Okay ka na ba?" mahinahon kong tanong.

Humarap siya sa akin. Na para bang nagbago ang itsura nang kanyang mukha. May itim na dumi sa paligid nito habang ang kanyang mga mata, namumula at namamaga. Nagtamo rin siya nang sugat sa kanyang noo, maski sa kanyang braso. Tumitig siya sa akin at nailang tuloy ako. Hanggang sa pareho kaming nabalot nang katahimikan. Unti-unti siyang nalapit sa akin habang ako naman napapa-atras.

Akala ko pa nga iiyak siya sa harap ko at maglulupasay, yun pala. "Pwedeng maki-banyo,"

Banyo? Tumango naman ako ngunit bigla akong napa-isip kung ano ba yun. Naglakad ba naman palayo sa akin at iniwan ako.

"Hahanapin ko nalang sa taas," wika niya. Lumingon pa siya saglit sa akin. "Makiki-kain na rin ako at pati tubig na rin,"

Tumango na naman ako ulit na naka-ngiti nang pilit. Yung pagkain at tubig nila, alam ko yun at doon ko rin na-realize na hindi pa rin pala ako nakaka-kain. Hinayaan ko siyang umakyat sa itaas na akala mo bahay niya na rin ang aking tinitirahan.

Inutusan ko si droid butler na maghanap nang makakain ni Iris pati na rin nang maiinom. Lumabas ang kanyang pak-pak sa magkabilang gilid at lumipad palabas nang bahay. Hindi ko alam kung papaano siya makakahanap pero tiwala akong mabilis niya itong magagawa.

Ako naman nagtungo sa mga storage compartment sa kusina at kumuha nang tubo nang everian fluid. Iinumin ko na sana siya ngunit may naisip nalang ako bigla. Gumuhit ang malapad na ngiti sa aking labi dahil gusto ko siyang sabayang kumain.

Medyo may katagalan ang inilagi niya sa taas. At base sa mga natutunan ko rito sa Earth dahil hindi naman talaga namin custom ang ganitong style nang pagkain. Inayos ko ang dining area habang hinihintay siya. Dito pala sila kumakain. Sa tinatawag nilang lamesa, nakaka-aliw lang dahil yung mga simpleng bagay sa kanila gaya nito ay may pakinabang.

Dumating si Droid na may dalang pagkain nang tao na nakalagay sa plastic bag. Tinuro niya sa akin ang importansya nang bawat maliliit na bagay. Inaabot niya ito sa akin habang nag-hahanda gaya nang plato, mangkok, kutsara at tinidor. Napaka-kumplikado pala ng paraan nang pagkain nila. Samantalang kami kukunin mo lang yung tubo ng everian fluid at sisipsipin.

"Anong okasyon?" napatalon ako sa gulat at muntik ko pang mabitawan ang isang baso.

Lumingon ako sa likod at napansing luminis ang kanyang mukha, habang yung kanyang buhok ay basa pa. Suot niya ang isang puting t-shirt na may nakalagay na titik, hard rock cafe. Yung pang-ibaba niya khaki na tokong short. Pinagmasdan ko siya nang mabuti. Naka-yapak lang siya at ang wierd lang talaga ng kasuotan nang mga tao. Hindi kasi bagay sa kanya yung kanyang suot. Halos lamunin nang mga tela ang maliit niyang pangangatawan. Sobrang luwag nito.

"Ah! Pahiram lang muna nito," sambit niya. "Nilabhan ko kasi yung uniform ko pati na yung sapatos ko sa kwarto mo, infairness may malaki kang washing machine doon. Ang susyal nang bahay mo,"

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Donde viven las historias. Descúbrelo ahora