CHAPTER 12

2.6K 35 0
                                    


IRIS

Maghahapon na at naisipan kong sumama kaynila Mira. Na-miss ko talaga sila pagkatapos nang maraming buwang hindi ako masyadong nagsa-sasama sa kanilang mga gala. Ayoko munang umuwi nang bahay. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkikibuan ni nanay. Pagod na akong makipag-talo sa kanya.

Naisipan kong sumama sa kanila sa plaza dahil pihadong makakalimutan ko pansamantala ang aking problema. Halos maraming taon na rin ang pinagsamahan naming magkakaibigan. Minsan may hindi pagkakaunawaan ngunit naayos din naman sa bandang huli.

"Himala friendship may sakit ka ba?" tanong ni Mira. Umangkla siya sa aking braso. "Ngayon ka lang ulit sumama sa pag-rampa namin,"

Palabas na kaming lahat nang gate.

"Na-miss ko kasi, ayaw niyo ba?" biro kong tanong.

"Ano ka ba girl! Siyempre gusto namin. May manlilibre na naman kasi,"

Tignan mo tong si Florencio, ako kasi ang madalas na taya noon kapag nag-pupunta kami sa plaza. Nililibre ko sila nang pagkaing turo-turo at sago't gulaman. Sa ganoong pagkain lang solb na kaming lahat at laking pasasalamat pa nila sa akin.

"Tara na mga freindsh! Baka abutin na tayo nang gabi niyan. Go! Go go," singit ni May na kinukumpas pa ang mga kamay, pataas. Yung hinaharap niya umaalog talaga kapag kumikilos siya nang ganoon.

Sama sama kaming nagtungo nang gate para lumabas.

"Teka saglit lang!" napa-hinto kami sa boses na iyon. At paglingon namin nang sabay-sabay sa aming likuran. "Sasama ako sa inyo,"

Nakatayo si Hector na hingal na hingal pa, na mukhang hinabol talaga kami.

Nagkatinginan ang tatlo. "SIGE!"

Kulang nalang magkorteng puso ang mga mata nila sa sobrang kilig. Tumaas ang energy nang mga bruha. Lalapitan ko sana si Hector, bigla ba naman ako hinawi ni Florencio. Siya yung naunang lumapit at umangkla pa sa braso niya.

"Halika Hector, samahan mo ako sa aking pag-iisa." nagdada-drama na naman ang bakla. "Alam mo kahawig na kahawig mo talaga siya – ganito rin kami noon,"

"Hoy Florencio!" saway ni Mira. Lumapit din siya kay Hector. "Magtigil ka nga diyan,"

Umangkla din ito sa kaliwa naman niyang braso.

"Ah...eh," natawa ako sa naging reaksyon ni Hector. Para kasi siyang inosenteng batang litong-lito.

Ang gaan na nang pakiramdam ko sa kanya ngayon, pagkatapos namin magkadramahan sa burol. Sa totoo lang, nagkaroon na ako nang kaunting pag-hanga sa kanya. Pero hanggang dun lang yun dahil si Albert pa rin ang nilalaman nang aking puso. Huminga ako nang malalim. Nagbalik-diwa nalang ako kasi ba naman, hatak-hatak na nang dalawa si Hector palabas nang gate.

"Irish! Letsh go, go, go!" wika ni May sa akin. Umangkla siya sa aking braso at tuluyan na talaga kaming lumabas nang paaralan.

***

Parang mga lintang naka-kapit yung dalawa kay Hector. At hindi maalis-alis ang tawa ko sa kanila. Nasa plaza na kami at tuwing hapon nalang, matao na ang lugar na ito, lalo na ngayon biyernes. Maraming mga nagtitinda, gaya nang mga turo-turo at tyangge. May street performer pa nga eh! Na pwede kang manuod habang naka-tambay.

Napa-ngiti ako sa aking paligid. Hindi nagbago ang plaza namin. Ang mga madalas kong makita, naroroon pa rin. Mga kabataang naka-tambay, yung iba mga naka-uniform pa nang high-school. Mga matatandang gustong magpahangin at maglakad-lakad sa paligid.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Där berättelser lever. Upptäck nu