CHAPTER 32

2.4K 24 0
                                    


IRIS

Amoy singaw nang root grass. Ang bango niya, hindi ko tuloy mapigilang idilat ang aking mga mata. Na bigla akong napa-bangon at napansin kong, nasa sofa pala ako.

Inikot ko ang aking paningin sabay hampas nang aking noo. "Kalma lang Iris,"

Na-alala ko na kung ano ang nangyari sa akin kanina. Huminga ako nang malalim habang unti unti kong binababa ang aking mga paa sa sahig.

"Gising ka na pala girl," nabaling ang tingin ko sa boses. Lumitaw mula sa puting partition sina Chamie at Marinagua. Lumapit silang dalawa sa akin.

"Sorry daw pala sabi ni sir. Ezeros," yung Ezeros siya yung nakita ko na mukhang leon pero katawang tao. Nakakatakot yung itsura niya, pero bakit siya nag-sorry? "Dapat pala may pinakita muna kaming picture niya bago namin siya pinakilala sa iyo," wika ni Marinagua. Para siyang nag-sisisi sa tono nang kanyang pananalita.

"Naku! Okay lang," sambit ko. Itinaas ko pa ang dalawa kong kamay. "Nanibago lang siguro ako. Alam mo na kaming mga tao hindi sanay na makakita nang ganoon,"

"Human instinct nga raw sabi ni madame Gaeia," singit ni Chamie.

Tumayo ako. "Pero okay na ako!"

Huminga ulit ako nang malalim. Tapos umangkla sila parehas sa magkabilaan kong braso na feeling super close na talaga kami. Triplets tuloy ang naging peg namin, nakakaloka lang si Marinagua nakasakay sa robot kaya't medyo nauuna siya sa aming dalawa.

Narating namin ang kabilang parte nang pabilog na kwarto, pero mukhang donut talaga ang itsura niya kasi may pinaka-center wall na aquarium. At nadatnan ko na yung sinasabi nilang tatlong leader at kasama doon yung taong leon.

Pansin ko lang ang gaganda ng mga sofa nila mukhang mamahalin. White leather na may gold linings bawat gilid. Parang gusto ko ngang ngat-ngatin yung linings, check ko kung totoong ginto ba talaga. Yung mga throw pillows pastel colors. Ang linis tignan nang buong kwarto, puti kasi yung nangingibabaw na kulay. Yung tubig sa aquarium nagre-reflect kaya nagbabago tuloy yung kulay sa buong paligid.

Una ko agad nakita si Hector na bigla ba naman natawa nang makita ako. Anong nakakatawa? Tapos bumaling yung paningin ko sa tatlong single sofa. Naka-upo yung tatlong leader doon ngunit nakatalikod sa amin. Nilakasan ko ang aking loob paglapit ko, lalo na doon sa taong leon. Siya kasi ang unang tumayo. Muli na namang tumugtog ang isandaang tambol sa loob nang dibdib ko.

"Pasensya na kung natakot kita," wika niya na ultimo boses nakakatakot din. Ngunit para atang ako ang naka-dama nang hiya. Siya pa talaga yung dapat magpasensya eh ako nga itong nag over react.

"Naku po okay lang!" ngiti kong wika. "Ako po ang dapat magpasensya kasi hindi maganda ang ginawa ko,"

Bigla ba naman tumawa si Hector. Ano kaya ang problema nito, kanina pa to eh?

"Ma-upo ka na hija," bigla akong natigilan. May kuma-usap kasi sa isipan ko.

Nilinga ko ang aking paningin sa paligid hanggang sa tumayo at humarap ang isang babaeng napaka-tangkad. Medyo napa-nganga pa nga ako kasi para siyang model. Balingkinitan kasi ang kanyang katawan. Mukha siyang tao pero kalbo siya at yung mata niya kumikinang na mala-diamante. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman nang makita ko siya. Nagliliwanag din ang buo niyang katawan.

"Ah...kayo po ba – "

"Oo ako nga," namangha ako. Hindi bumubuka ang kanyang bibig. "Kinagagalak namin ang pagbisita nang isang katulad mo,"

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ