CHAPTER 6

2.9K 40 0
                                    


IRIS

Mabuti nalang talaga at nagkaroon nang mga importanteng lakad ang tatlo at hindi ako kinulit maghapon. Mag-isa tuloy akong uuwi. Ngunit bago ako umuwi, may gagawin muna ako ngayon. Naisipan kong sundan si Hector. Na-iintriga talaga ako sa kanyang pagkatao.

Bakit siya ganon kung makatingin sa akin. Teacher din pala siya, katulad ko. At talagang sinabi pa niya kanina na magkakilala kami. Ang alam tuloy nang lahat ngayon, may kuneksyon kami sa isa't-isa. Na para bang na link ako sa kanya, kasi gwapo siya eh at binata. Alam ng lahat ng mga kapwa guro ko dito sa paaralan, ang tungkol sa nangyaring suicide ni Albert. Kaya yung biglaang pag-sulpot niya rito ang naglagay sa akin sa nakakahiyang sitwasyon.

At speaking of suicide, walang nangyaring burol at libing. Hindi ko nakita ang bangkay ni Albert kahit kailanman, kaya hanggang ngayon, hindi ako naniniwalang nagpakamatay talaga siya. Ang sabi nang mga magulang ko, dinala raw yung bangkay niya sa bahay nang kanyang mga kamag-anak at inilipat kaagad sa Maynila. Yun daw ay matapos makita ang kanyang bangkay.

Ngunit ang kwento naman nila Miranda sa akin, wala nga raw bangkay na nakuha. May mga teacher dito na may kakilala sa munisipyo namin at yun nga ang naging chika nila roon. Naghanap daw ang otoridad nang buong San Francisco ngunit wala silang nakuhang bangkay. At parang pinalabas nalang na mayroon ngang nakuha.

Halos mabaliw ako noon, hindi ko kasi alam kung sino ang aking paniniwalaan. Yun din ang naging dahilan kung bakit nagbago ako sa aking mga magulang. May tinatago kasi sila sa akin at dahil doon nagkaroon ako nang kinikimkim na sama nang loob sa kanila. Mas pinaniniwalaan ko pa ang aking mga kaibigan dahil sila ang madalas na dumadamay sa akin. Kilalang kilala rin nila si Albert. Kung kaya't maski sila, naniniwala ring hindi niya maaaring gawin ang bagay na iyon. Bakit kailangang makipag-sabwatan ang aking pamilya sa kanyang mga kamag-anak. Ulilang lubos na kasi si Albert kung kaya't ang tumatayong guardian niya ay ang kanyang mga tiyahin at tiyuhin nalang. 

Kung alam lang sana nila nanay at tatay na mas lalo lang nilang pinalala yung mga nararanasan kong depresyon. Ako ang kasintahan at higit na mas nakakakilala kay Albert kung kaya't nasasaktan talaga ako nang ipagkait nila sa akin ang mga impormasyon, ukol sa kanyang kamatayan.

Nakita ko mula sa bintana nang aking classroom si Hector na naglalakad patungo nang gate. Alas sais na nang hapon at wala na ang aking mga estudyante, pati na rin sa buong eskwelahan. Nagtungo ako sa aking lamesa at dali-daling sinukbit ang shoulder bag. Palabas na sana ako sa classroom ng makita ko siyang nakatayo nang tuwid sa pasilyo. Palinga-linga siya nang tingin sa paligid. Nagtago muna ako sa pader malapit sa pintuan at sinubukang sumilip. Hindi niya ako dapat mahuli. Ang weird niya talaga, yung mga ikinikilos niya, para bang may masamang binabalak.

Nang masiguro kong naka-labas na siya ng gate, hudyat na para sundan ko siya. Sinundan ko siyang parang isang detective. At paglabas ko nang paaralan, nakita ko siyang nakatayo na parang estatwa sa bangketa. Panay lingon ang kanyang ginagawa kung saan-saan, bakit siya ganon? Alam ko namang bagong salta lang siya rito sa lugar namin ngunit may kakaiba talaga sa kilos niya, hindi normal.

Napalingon siya sa aking kinaroroonan at mabilis akong nagtago sa likod nang nakaparadang traysikel. Sumisilip ako habang pinakikiramdaman ang susunod niya pang gagawin. Nagsimula siyang maglakad palayo ng paaralan. At kailangan ko talaga siyang sundan kung saan man siya pupunta, dito lang ba siya nakatira sa Poblasyon? At tsaka may magara siyang sasakyan, bakit siya naglalakad? Nahihiwagaan na talaga ako.

Binagtas niya ang bangketa at patungo na siya sa direksyon ng plaza. May pagkakataong tumitigil siya at tumatayo nang tuwid, yung ulo lang niya ang gumagalaw. Na para ba siyang isang robot, may something talaga sa kanya at kailangan ko itong malaman. 

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now