CHAPTER 29

2.4K 27 0
                                    


CREY

Pinagbabaril ko ang mga inutil kong tauhan. Mga walang pakinabang, mga buwisit. Natakasan na naman ako nang dalawang iyon. Bumi-bingo na sila sa akin. Pero huwag silang maging confident na ligtas sila dahil hawak ko pa naman ang mga alas. Pasasaan pa at hahanapin din nila ako. Etong mga ungas na alas na ito ang sadya nila.

Ngayong nasira na naman ang hide-out saan ko na naman ba dadalhin itong mga basurang ito. Patayin ko kaya ang mga kasamahan nang ungas na Xyle-ver. Yung pamilya ni Iris lang naman ang kaylangan ko pati na ang pinakamamahal niya.

Noon pa man bago ko siya mapiling subject sa hybrid mission ay nakita ko na ang kanyang kahinaan. Maka-ilang beses ko siyang niligawan noon bago ko mailagay ang tatak sa kanyang likod. Kung bakit naman kasi sa dinami-dami nang subject sa kanya pa talaga naging compatible ang teknolohiya nang progeny experiment.

Maka-ilang beses kong binura ang kanyang mga ala-ala tungkol sa akin dahil lagi akong talunang makuha siya. Peste talaga yang pag-ibig na yan, ang hirap niyang pasunurin at papaniwalaan. Nang matuloy ang kasal nila doon na ako kumilos. Sinigurado kong wala nang balakid kapag nawala ang kanyang kahinaan, si Albert.

Pero may ungas namang sumingit. Bakit nalang ba palaging may balakid sa mga hangarin ko. Ang pinaka-malala sa kanila ay si Draggo. Saan na kaya nagtatago ang ungas na iyon?

***

Isa akong clone mula sa DNA nang ungas na si Draggo at isandaan kami. Magmula nang umayaw ang maarte naming reyna na mag-produce pa ng offspring ay ini-utos niya ang pagpapabuti nang aming genetic engineering upang manatili ang aming lahi. Matagal na naming hangarin ang maghari sa buong kalawakan ngunit yung pagkakatatag nang pesteng alien convention ang sumira nang lahat. Pero para sa akin wala akong pake-alam sa hangarin nang aming planeta. Ang gusto ko lang ay mapa-sa akin ang posisyong kay Draggo ini-atang nang mahal na reyna. Kapag napagtagumpayan ko ito, isa itong malaking karangalan para sa akin.

Bakante ang posisyon niyang iyon ngayon dahil nagtagumpay akong pabagsakin siya. Isinawalat ko sa reyna ang kanyang planong paslangin ito dahil sa mithiin niyang mag-hari sa aming planeta. Tuwang-tuwa ako noon nang dakpin siya. Nakaganti rin ako sa wakas sa halos matagal na panahong inalipusta niya ako.

Sa mahigit isandaang ka-clone ko ako ang itinuring ni Draggo na Krax-x isang reject clone. Aksidente akong nagawa na may depekto. Isang abnormal sa planeta namin. Mas matagal ang aking development sa pagsasalita at pagkilos kung kaya't balak na sana akong paslangin ni Draggo noon kung hindi lang siya pinigilan nang mahal na reyna. Naniniwala kasi ito na bawat isa sa amin ay mahalaga para sa pagpapalakas nang aming lahi.

Kung ano ang utos nang reyna ay siyang masusunod. Bagay na kina-iinisan niya rito. Kahit kaylan hindi naging maganda ang trato ni Draggo sa akin. Mahina kasi ako at iyon ang kina-iinisan niya.

"Tabi!" bulalas niya.

Na-aalala ko pa noon kung papaano niya ako itinabig ng ubod lakas. Haharang-harang daw ako sa kanyang dinaraanan. Musmos palamang ako noon at mabagal maglakad. Humawi ang grupo nang aking mga clone ngunit ako ang nahuli.

Nagpagulong-gulong ako sa lakas nang aking pagtilapon. Umugong ang nakaka-insultong tawanan sa aking paligid. Walang tumulong sa akin na tumayo. Wala rin gustong makipag-kaibigan sa akin kung kaya't lagi nalamang may namumuong galit sa aking isipan. Madalas ako tulakin, sipain at sampalin dahil sa kabagalan kong kumilos.

"Ngayong lumagpas na sa sahig ang mga buntot ninyo," wika ni Draggo sa harap namin. Pinilit kung tumayo habang masama ang tingin sa kanya. Bata palang ako kinasusuklaman ko na ang kanyang pagmumukha. "Mga ganap na binata na kayo. Sasabak na kayo sa una ninyong training,"

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now