CHAPTER 38

2.4K 25 0
                                    


ERIER

Sinadya kong lumayo sa kinalalagyan ni Iris. Naroroon ang mga tao, ayokong mapahamak silang lahat. Nung nadatnan ko siya kanina at nakitang niyakap ang isang lalakeng tao, nakilala ko na kaagad kung sino iyon. Na yung eksaktong pagkakita ko sa kanya, ewan ko ba, parang may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko ma-explain, basta parang may naramdaman akong sakit ngunit hindi ko alam kung saang parte dito sa katawan ko. Kung kaya't tumakbo nalang ako at nagpaka-layo layo. Mas pinili kong harapin nalang muli si Crey.

At nung makita ko ang walanghiya, kumulo talaga ang dugo ko kung kaya't sinugod ko siya nang walang kaabog-abog. Pinag-susuntok, pinagtatadyakan na tipong nawala ata ako sa aking sarili na to the point, napa-atras siya sa ginawa ko. Nagulat siya sa kakaibang lakas na aking pinakita.

Tumakbo siya nang matulin, palayo sa akin ngunit hinabol ko naman. Naghabulan kami na halos simbilis na namin ang kidlat. May pinupukol pa siyang lazer beams patungo sa akin ngunit alisto ko itong iniilagan. Kung kaya't lumilihis ito patungo sa mga gusaling nadadaanan namin na naging dahilan nang kabi-kabilang pagguho at pag-sabog sa aming nadadaanan.

Hanggang sa marating namin ang isang lugar na pamilyar sa akin at ito ay ang paaralan nang Poblasyon. Nang ako naman ang bumaril sa kanya nang lazer beams, bigla naman siyang naglaho. Natamaan ko tuloy yung konkretong bakod nang paaralan. Naglakad ako papasok habang hinahanap siya hanggang marating ko ang quadrangle. Sa bawat pag-ligoy nang aking paningin sa paligid, natatanaw ko ang pulang transparent barrier sa madilim na kalangitan. At sa di-kalayuan, kumikislap ang mga lazer beams at force field na sinamahan pa nang malalakas na tunog nang mga pagsabog.

Sinubukan kong i-scan ang paligid gamit nang aking mga mata habang pinakikiramdaman ang kanyang presensya. Hanggang sa maramdaman ko ang isang malakas na pwersa na nagmula sa aking likuran. Tumilapon ako sa lakas nang pwersang iyon ngunit pinilit kong huwag mabuwal. Dumausdos ako sa lupa nang nakatayo na halos lumubog pa nga ang mga paa ko.

Nakita ko sa di-kalyuan si Crey na bumulalas pa sa akin. Nagsalubong ang aking mga kilay at sinugod ko siya ng ubod-bilis. Hindi rin nagpatalo ang walanghiya. Nagpang-abot kaming dalawa at muling nag-bunuan. At ngayon, higit na mas mabilis, mapangahas, lahat nang nalalapitan naming lugar nasisira at sumasabog. Napalaban ako nang husto at ang unang pumasok sa aking isipan ay ang mukha ni kapitan Zegyr. Na nagbuwis nang buhay para sa amin. Nabigo man yang paslangin ang walanghiyang ito pwes ako ang tatapos dito.

Habang tumatagal talaga mukhang nasasanay na ata ako sa pakikipaglaban. Parang gusto ko na ngang mag-palit nang career sa planeta namin pagdating ko.

Tumilapon ako at bumulusok sa loob nang isang school building nang masalisihan ako nang kanyang buntot. Nawasak ang pader pati na ang mga gamit sa loob na halos madurog sa lakas nang aking pagtama. Ngunit alisto pa rin akong bumangon, umupo at sumadal sa dingding. May mga lamesang tumaob at yung iba, nahati pa. Nagliparan ang maraming papel sa paligid at nagkalat ang usok na may kasamang sparks mula sa mga kableng naputol.

May bumagsak na picture frame sa aking harap at nakita ang larawang nakalagay dito. At nang pinulot ko iyon at tignan, nasorpresa ako sa aking nakita. Naroroon ako sa larawang iyon at kasama ko si Iris pati na ang kanyang tatlong kaibigan. Hindi ko maiwasang mapa-ngiti. Ito kasi yung mga fondest memories ko rito sa Earth na kahit ibang nilalang sila, naging masaya pa rin akong nakasama sila. Na naisip kong punong-puno talaga nang love ang mundong ito. At sa puntong ito, hindi ko tuloy magawang bitawan ang frame.

Hanggang sa may mapansin akong liwanag na paparating sa aking harapan, isang lazer beam. Tinapon ko ang frame dahil alisto kong itinaas ang aking mga kamay at gumawa nang force field.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now