CHAPTER 41

2.4K 24 0
                                    


IRIS

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw nang isang lalake. Punong-puno ng mga tao ang labas nang aming simbahan.

Tapos na ang aking kasal at binabagtas na namin ni Albert ang pasilyo patungong pinto. Minsan naka-ngiti ako at kung minsan naman napapa-seryoso. Sumasagi kasi sa isipan ko na kung papaano ang simbahang ito ay naging saksi sa malagim na sagupaan noon. Na halos madurog ito at sa pasilyo pang ito nakatayo ang mga taong aking nakikita ngayon.

Pinisil ng asawa ko nang si Albert ang aking kamay at ako'y nagbalik-diwa. Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya.

Ang cute nila Jessie at Myrtle yung dalawa kong pamangkin na anak ni kuya Max. Sila kasi yung nagsasaboy nang mga petals nang mga rosas sa dinaraanan namin. Paglabas namin nang pinto, sina kuya at Anjo naman ang nagsaboy ng confetti. Si tatay humarang sa harap namin at pinakawalan ang dalawang kalapati.

"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ni Florencio. Siyempre sinegundahan siya nang dalawa at naki-sigaw na rin ang mga tao.

Niyakap ako nang mahigpit ni nanay na yung ilalim ng mata niya nangitim dahil nagkalat na yung mascara niya kaka-iyak. Sunod naman niyang niyakap si Albert.

"Oy ikaw, alagaan mo ang anak ko ha!" bigla akong natawa. Si nanay talaga, tarayan ba raw ang love of my life ko. Ngi-ngiti ngiti namang tumango si Albert.

"Iris congratulation!" bulalas ni ma'am Batongbakal. Sumulpot siya sa aking harapan at niyakap ako nang mahigpit.

Habang naka-yakap ako sa kanya bigla akong may nakitang isang lalakeng naka-tayo sa di-kalayuan. Naka-suot ito nang hooded sweater ngunit mukhang nakatitig ito sa aking direksyon. Kumawala si ma'am Batongbakal sa akin at sumunod naman na yumakap ang tatlo kong kaibigan. Na halos hindi ko na magawang ngumiti ulit dahil nanlamig nalang ako bigla. Kumabog din ng malakas ang aking dibdib. 

Hindi ito maaring mangyari, siya rin ang nakita ko sa pangyayaring hindi natuloy ang kasal ko noon. Si Crey ito hindi ako pwedeng magkamali, akala ko ba patay na siya.

Gusto kong mag-collapse sa aking kinatatayuan dahil para kasing unti unting nagdidilim ang aking paningin. Nawala yung masasayang ingay nang mga tao sa aking paligid. Ni hindi ko naramdamang naka-akbay na pala sa akin si Albert dahil yung pokus ko sa sandaling iyon ay doon sa lalaking nakatayo.

Hinawakan nang lalake ang kanyang hood at napa-atras ako nang bahagya habang umiiling. Kung pwede lang tumakbo palayo sa kanilang lahat. Kumukunot ang noo ko dahil yung dibdib ko naging isa nang karera sa bilis nang pagtibok nito.

Nang mawala yung hood mas lalo akong nabigla at natulala. Pink ang kanyang buhok. At si Hector pala iyon, ngumiti siya sa direksyon ko at kumaway. Yung biglang nagbago ang aking emosyon na mula sa kaba ay napa-bulalas nalang ako sa pag-iyak. At iyak ito nang kagalakan. Gusto ko sanang kumaripas nang takbo patungo sa kanya kaso niyakap ako nang mahigpit ni Albert.

"Ngayon ka pa talaga umiyak nang todo," wika niya na may halong biro. Naka-ngiti ako pero basang-basa nang luha ang aking mga mata.

Nilagay ko nalang yung dalawa kong braso sa bewang niya habang naka-pokus pa rin ako kay Hector na tumalikod at saka naglakad palayo. Naroroon ang kotse niya. Mas lalo akong na-sorpresa nang dumungaw mula sa bintana nang kanyang sasakyan sina Chamie at Marinagua.

Natawa pa akong muli dahil hindi nga pala pwedeng bumaba si Marinagua at maglakad dahil sa buntot niya. Kumakaway nalang sila sa akin mula sa bintana ng kotse.

Pumasok si Hector sa loob nang sasakyan at kasunod nito umandar ito palayo. Pinagmasdan ko ang pag-alis nito hanggang sa mawala na ito sa aking paningin. 

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now