CHAPTER 19

2.5K 29 0
                                    


IRIS

Kinuwento ni Hector ang lahat lahat na halos maging nobela na sa haba. Noong una ang hirap talaga niyang paniwalaan kaso nandiyan na eh! Wala na akong choice kundi ang makinig. Sabi niya, may anim daw siyang kasama at nagtungo sila rito sa planeta natin dahil sa isang misyon. Ngunit hindi niya sinabi sa akin kung ano ang misyong iyon kaya medyo natatakot ako sa kanya. Ang sinabi lang niya, nag-iba na raw ang sitwasyon ngayon at dahil ito sa mga tumutugis na ibang alien race. At yun nga yung mga taong buwaya na nakita ko kagabi. Ang pinupuntirya raw nang mga alien na iyon ay ang lahi nila, pero bakit pati ako nadamay dito.

At hindi rin ako makapaniwalang totoo nga ang mga alien, na-alala kong, sinabi ko pala ito sa estudyante kong si Melvin. Ngayon, mukhang pangangatawanan ko na. Naisip ko pa nga, may alam ba si Melvin tungkol kay Hector?

"Papaano na ako ngayon?" tanong ko sa kanya, nanginginig ang aking buong katawan. Hindi na mawala-wala ang kilabot na nararamdaman ko kapag na-aalala ko iyon.

"Huwag kang mag-alala Iris." seryosong sagot ni Hector. Hindi ko kasi malubos maisip kung papaano na ang magiging takbo ng buhay ko nito. "Pro-protektahan kita. Kung ano man ang mangyari sa iyo, darating ako at ililigtas kita."

"Papaano mo magagawa iyon. Hindi mo naman ako makakasama araw-araw. Makakalabas pa ba ako nang bahay pagkatapos nito? Ang pamilya ko papaano na sila?"

"Pamilya? Yun ba yung mga kasama mo sa bahay ninyo?" nagtaka ako sa sinabi niya.

"Oo, mga magulang at kapatid. Dont tell me wala kang pamilya?"

"Oo tama ka, wala nga," kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ako makasagot tuloy. "Namumuhay kami sa aming planeta bilang isang indibidwal at dapat may grupo kang kinabibilangan base sa propesyon mo dahil sila ang makakasama mo sa iyong komunidad. Grupo nang mga guro ang kinabibilangan ko,"

Mas lalong lumalim ang interes ko sa kanya. "Papano kapag sinilang kayo? Sino ang nag-aalaga sa inyo?"

"Pagka-silang namin, dadalhin kami sa isang nursing facility at doon aalagaan. Mga indibidwal na tagapag-alaga ang gagawa noon. Mga eksperto sila sa ganoong propesyon,"

Namangha ako sa sinabi niya. May career sila na ganoon, parang yaya na high tech at professional.

"Pero di ba...dapat may mangyari muna sa babae at lalake para makapag-produce nang baby," natawa si Hector. Nauunawaan niya ang ibig kong sabihin. Wala siyang pinag-kaiba sa mga lalake rito sa Earth na madumi ang pag-iisip. "At siyempre dapat ma-inlove sila para mangyari iyon," giit ko.

"Ma-in love?"

"Oo, ma-in love muna ang girl at boy. Teka may love ba sa inyo?" nababasa ko sa mukha niya na parang namangha siya sa aking sinabi.

"Walang love sa planeta namin," at doon ako na-sorpresa. Kaya pala, it make sense na walang pamilya sa kanila. "Yung intercourse na sinasabi mo, voluntarily iyon at magpapa-regsiter ka,"

"Hah! Ibig mong sabihin hindi mo kilala yung makaka-talik mo. Ang awkward naman nun," ngumiti si Hector at tumango ang ulo.

"Ang wierd! Hindi ko keri yun. Sa akin bilang isang babaeng tao parang paglabag iyon sa kagustuhan ko. At isa pa, papayag lang akong makipag-talik kung love ko ang isang tao, noh. Para akong porn star nun, daig ko pa ang prostitute,"

"Paki-explain mo nga muna sa akin kung ano yang love na yan at tsaka na-orient ang mind set namin sa ganoong konsepto kaya hindi ito paglabag, karangalan pa nga iyon,"

Napa-nganga talaga ako dahil hindi ko kayang tanggapin yung sinasabi niya. Mas lalong naging interesante tuloy ang pag-uusap namin. Papaano sila nabuo bilang isang mamamayan. Sakop nang pag-ibig ang aspetong iyon gaya nang malasakit at pagtulong. Na-ihalintulad ko tuloy sila sa mga hayop. Pero kahit ang mga hayop, nauunawaan din siguro ang pag-ibig. At isa pa, bakit mabuti siyang alien, maganda yung intensyon niyang protektahan ako. Robot lang ang walang pag-ibig na nararamdaman pati na rin yung mga halimaw na nakita ko kagabi.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now