CHAPTER 34

2.4K 21 0
                                    


ERIER

Kumuha ako nang spare armor sa bahay. Sinabihan ko pa si Alta na huwag iwan ang Ieverin at nangako naman siya na susundin ako. Sinabihan pa niya ako na pag-isipan ko raw yung gagawin kong desisyon na sumama sa laban ngunit wala nang choice eh. Wala kaming communication sa aming planeta sa ngayon kaya hindi rin kami makakahingi nang saklolo sa kanila. 

Bago ako magtungo sa Alien Convention station, sabi ko sa aking sarili dapat isantabi muna ang mga hinanakit sa grupo. Saka na yang drama na yan, hindi ko hahayaang dalawa lang kami ni Alta ang uuwi ng aming planeta. Nalagasan na kami nang isa. Nabigo man ang misyong ito ang mahalaga pa rin ay nailigtas ko sila sa kapahamakan. Saka nalang namin ipapaliwanag ang nangyari sa amin dito, mauunawaan naman siguro nang gobyerno namin iyon.

Nagtataka lang ako kung papaanong nagka-pareho kami nang misyon nila Crey. Papaano nabuo ang ganoong ideya. May koneksyon ba ang lahi namin sa mga Alpha-Draconian? Parang nahihiya tuloy ako sa alien organization.

Sumakay ako nang kotse na suot na ang armor at mabilis kong narating ang station. Pumasok ako sa nagliliwanag na vertical sphere na nagsisilbi nilang gateway. Naka-expose ang aking mukha kaya hindi nagtaka ang ilang alien member sa pagdating ko roon. At habang naglalakad ako sa loob, sinalubong agad ako nila Marinagua at Chamie.

"Erier akala namin kasama mo si Iris," wika ni Chamie.

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Hindi, bakit?"

"Nawawala siya," sagot ni Marinagua.

"Nagtungo siya sa bayan nila," singit ng isang boses. Lumingon kaming tatlo at nakita si Ezeros na papalapit.

"May tracking device ang suot niya," sambit niya. Bigla tuloy akong kinabahan. "Na-detect namin na doon siya nagpunta,"

Huminga ako nang malalim dahil sa labis na pag-aalala. Ano ba ang pumasok sa kukote niya at nagtungo siya roon na mag-isa lang. 

"Ililigtas ko siya," sambit ko.

Hindi na ako nagtagal sa station dahil nagmamadali akong lumabas kaagad. Pinipigilan pa nila ako ngunit may sinumpaan kasi akong tungkulin. Kung mapahamak man si Iris doon kailangan ko siyang iligtas. 

Tumakbo ako nang matulin sa loob nang madilim na kakahuyan. Mabuti nalamang may night vision ang aking mata sa human shell. Narating ko kaagad ang hi-way at otomatikong natakpan ang mukha ko nang armor. Dumating din kaagad ang kotse na huminto kaagad sa aking harapan. Sumakay kaagad ako at humarurot ito patungo sa Poblasyon.

***

Tumigil ang kotse sa isang mahamog na paligid. Napaka-kapal nang hamog halos kulay puti ang nakikita ko kahit saan. Bumaba ako at sinubukan kong maglakad-lakad hanggang sa unti unti na akong may natatanaw na mga imahe.

Nang i-angat ko ang aking ulo nakita ko ang korte nang arko. Ngunit nang mag-scan ang aking paningin, sinabi nitong napapaligiran ang harap ko nang barrier. Naglagay sila nang force field at hindi lang sa parte nang arko, binalutan pala nila ang buong komunidad. May natanaw pa akong nagpapatrolyang mga Draconian kung kaya't dali-dali akong nagtago sa isang puno. 

Sa isip isip ko, papaano ako makakapasok nito?

Medyo sumakit pa ang aking ulo dahil kailangan ko agad na mag-isip nang paraan. Hanggang sa mabaling ang aking paningin sa malambot na lupang aking tinatapakan. Pwede akong gumawa nang butas at lumusot sa kabilang side. Naglakad ako sa isang bakanteng loteng maraming puno sa paligid. Border ito nang Poblasyon at kabukiran. Umilaw ang kamay ko na naglikha nang isang powerful energy. Lumuhod ako at aktong bubutasin ko na sana ang lupa nang maka-rinig ako ng paparating na sasakyan.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now