CHAPTER 11

2.6K 37 0
                                    


ERIER

Narating namin ang isang malawak na kawalan. Binabagtas namin ang mga naglalakihang batong pader sa gitna nang dark blue na paligid. Nabaling ang aking paningin sa kaliwa at may nakita akong gumagalaw sa di kalayuan. Unti-unti itong lumalapit sa amin. Nanlaki ang aking mga mata at hindi ko pa maiwasang kabahan.

"Siya si Tiny isang megalodon," wika ni Marinagua. "Nabibilang siya sa species ng mga pating ng planetang ito. Walang ka-alam alam ang sangkatauhan na may nabubuhay pang tulad niya. Akala kasi nila extinct na sila. Siya ang gate-keeper patungong headquarter,"

Isa siyang dambuhalang hayop sa tubig. Dumaan siya sa amin na ang mga mata ay nakatingin pa sa akin.

Pagkaraan niya, nabaling naman ang aking atensyon sa sumulpot na liwanag. Halos matulala ako rito at mag-pigil hininga pa dahil sa labis na pagka-mangha.

"Ito ang kauna-unahang spaceship namin ng marating ang Earth. Habang tumatagal at dahil na rin sa patuloy na pag-aadvance nang aming teknolohiya, ay paulit-ulit naming minodified ito. Hanggang sa lumaki na siya at maging isang higanteng istraktura, "

May lumabas na imahe ng isang "nautilus shell" sa mata ko at ikinumpara ito rito. Para na siyang isang lungsod dahil sa kanyang laki. Ang liwanag niya sa gitna nang madilim na paligid namin na mas lalong tumingkad pa ng unti unti na kaming lumalapit.

Pumasok ang aming sasakyan sa isang tunnel na tubo. Sumusunod sa amin yung ilaw kapag nadadaanan namin. Mas lalo pa akong namangha nang tumigil kami sa isang napaka-luwag na kwarto. At ang unang tumambad sa aking paningin ay mga sari-saring sasakyan din na katulad nito. Parang parking area ata etong lugar na kinalalagyan namin.

At sa unang pagkakataon, nasilayan ko ang mga ka-uri ni Marinagua. Hindi ako maka-kibo. Ang dami pala nila at halos lahat lumulutang sa buong paligid. Yung dingding sa loob nang kwarto nag-iiba iba pa nang kulay. Ang gandang pagmasdan nang buong tanawin.

"Kumapit ka kay Cupid Erier," nakalabas na yung dolphin sa compartment at inabangan na ako. "Hindi ka kasi pwedeng maglakad dito sa headquarters. Nakalutang kaming lahat,"

Kumapit ako kay Cupid at maingat niya akong inakay habang palinga-linga ako nang tingin. Napansin ata ako nang ilang mga Nommos dahil tumigil sila sa kanilang ginagawa nang makita nila ako. Nagsimula silang magkumpulan at nakita kong bumubuka yung kanilang mga bibig kaya naisip kong, pinag-uusapan na siguro ako nang mga ito. Ang cute nilang pagmasdan. May distinction pa rin ang kanilang mga itsura kahit na't lahat sila may mga buntot.

Iba iba ang kulay nang kanilang mga buntot gayun din ang kanilang humanoid upper body part. Mas lalong lalo na ang kanilang mga mukha dahil iba-iba rin ang kanilang mga buhok hindi tulad naming mga Xyle-ver na walang mga buhok. Na-shock nalang ako sa isang babaeng papalapit sa amin. Imbis na buntot kasi ay tentacles naman ang ibabang bahagi nang kanyang katawan at kulay indigo ito. Medyo nakakatakot ang kanyang itsura ngunit agaw pansin para sa akin.

"Marinagua! Nagpunta ka na naman ba sa taas? Ikaw talagang bata ka," wika nito.

Bigla akong nagbalik diwa sa boses niya kasi nasa harapan na pala namin siya. Yung boses niya ang taray pati na rin yung kanyang mukha. Chubby siya at maikli yung buhok na kulay lavander. Mukha atang hindi niya ako napansin.

"Yes tita! By the way pinapakilala ko nga pala sayo si Erier, my new found friend," doon lang ito napatingin sa gawi ko na yung kanyang mukha nagulat ata sa akin.

"Bakit ka nag-dala ng tao rito! Pasaway ka talaga," dinig ko.

Natawa ako, tao talaga, at bakit niya sinesermunan si Marinagua na parang bata. Yung ulo niya napapa-tingin sa kumpol nang mga katulad nila sa di kalayuan namin. Unti-unti na kasi silang dumadami. Parang gusto ko tuloy silang lapitan at batiin.

A PAST WITH AN ALIEN #wattys2018Where stories live. Discover now